Chapter 33: "Who Are They?"

9.7K 670 655
                                    

Elizabeth's POV

Maaga pa rito sa Royalonda kaya wala pang masyadong estudyante. Sinadya ko talagang pumasok ng maaga kasi it's my first day as a second year student! No'ng nakaraang buwan pa nagsimula ang school year pero ngayon lang ako nakapasok. Nagkasakit kasi ako ng ilang linggo. Sa sobrang excited ko atang pumasok dito sa Royalonda, tumaas ng todo 'yong temperatura ko.

Kailangan ko ngayong magpunta sa president's office para ma-meet si Mr. Estebar. Binilin sa 'kin 'yon ni Daddy. Kailangan ko raw magpakita ng gratitude bilang isang Cordel.

Habang naglalakad sa hallway ng sixth floor, main building, iginagala ko ang tingin ko sa labas ng glass window. Napapangiti na lang ako sa scenery. Sobrang lawak at ganda talaga ng Royalonda. Ginusto ko biglang pumasok sa school na 'to simula no'ng nakita ko sa internet 'yong ginawa nilang events last year. Sobrang nakakabilib ng mga 'yon. Nainggit ako sa mga taong nakapunta. Gusto ko rin maranasan kung anong klaseng excitement, saya at adrenaline rush ang naranasan nila.

Alam kong hindi ako gano'n katalino kaya sobra-sobrang pag-aaral 'yong ginawa ko no'ng summer para sa entrance exam. Mamatay-matay man ako no'n sa review, nakapasok naman ako. Worth it! Hindi talaga akong makapaniwalang suot ko na ang napakagandang uniform nila. Tapos nandito na ako sa loob ng campus. Magpapa-picture talaga ako mamaya sa lahat ng sulok ng lugar na 'to!

"Anime and cartoons are not the same, Zen. Come on."

"Ano bang pinagkaiba? Parehas lang naman silang drawing na gumagalaw."

"Oh, please, Roi. Tell her to stop talking. Malapit ko na s'yang i-uncrush."

"Actually, Sin.. Nalilito rin ako sa anime at cartoons."

"Ghad! Paano ko kayo naging kaibigan?"

Napahinto ako sa paglalakad no'ng nakasalubong ko ang tatlong estudyante. Medyo napaawang pa ang labi ko habang sinusundan sila ng tingin no'ng nilagpasan nila ako. Pareho lang kami ng suot na uniform pero meron silang eye-catching na gold badge sa collar.

'Yong babae sa gitna, napakaganda n'ya. Thou, medyo maangas 'yong dating pero 'yon nga 'yong isa sa dahilan kung bakit mapapalingon ka sa kan'ya. Kaya n'yang maging maganda at maging astig nang sabay. 'Yong dalawang lalaki naman sa tabi n'ya, parang lumiliwanag kahit hindi naman nasisinagan ng araw. Ang linis at bango nilang tignan. Mukha na silang professionals.

Siguro, seniors na sila. Magiging gan'yan din ba ako kapag senior na ako? Totoo pala talagang lahat ng gumagraduate dito sa Royalonda, nagiging successful. Sa mga senior pa lang, ang tataas na tao na agad tignan. Exciting! Matutuwa ng sobra ang parents ko kapag naging ganyan ako!

"Elizabeth Cordel?"

Lumingon agad ako sa likod no'ng may nagbanggit ng pangalan ko. Nakahinto na 'yong tatlong estudyante at lahat sila, nakatingin sa 'kin. Pinakita sa 'kin no'ng babae 'yong hawak n'ya.

"You dropped this."

Hala, nahulog ko 'yong ID ko!

Agad akong tumakbo palapit sa kanila at magalang na kinuha 'yong ID na inabot sa 'kin ni ate. Naku naman, Elizabeth! Sa dinami-dami ng pwede mong ilaglag, ID pa talaga? Napaka-clumsy!

"Wearing improper uniform around the campus is prohibited," sabi pa ni ate. Kahit hindi naman s'ya mukhang galit, kinabahan pa rin ako. Naramdaman ata ng isa n'yang kasama 'yong kaba ko kaya nagsalita rin 'to.

"Zendra just want to tell you to take care of your belongings lalo na ang ID," nakangiti namang paliwanag ng lalaking nakasalamin. Ang gwapo n'ya..

"Oo nga. Kung nagkataong 'yong Safety Committee ang nakakita sa 'yong walang ID, baka isang linggo kang paglinisin ng CR. Mag-iingat ka sa kanila. Nasa paligid lang sila," banta pa sa 'kin no'ng isa pang lalaki. Parang kinilabutan pa nga s'ya kaya niyakap n'ya 'yong sarili n'ya. Sobrang gwapo rin..

FEIGHT (Famous Eight)Where stories live. Discover now