Chapter 16: "Feight minus One"

8.8K 669 327
                                    

Sindrick's POV

Kagat ko ang kuko ng hinlalaki ko habang kaharap naming pito si Mr. Estebar. Nilipat sa dalawang magkaibang room sila Francis at Ricka. Kami na lang ang naiwan ngayon dito sa office.

"Nasa usapan natin na kapag may napahamak, aalisin ko kayong lahat sa Feight," pagsisimula ni Sir.

"B-but wala pa namang proof, Sir. Paano kung feelingera lang s'ya tapos akala n'ya hina-harass s'ya. 'Yon naman pala, hindi?" bwelta ni Hannah. Nagpalakad-lakad pa nga s'ya sa harap namin dahil sa kaba.

"Ibibigay ko sa inyo ang isang buong araw na 'to para ayusin 'to. For the meantime, sa 'kin muna ang badges." -Mr. Estebar

"Po?" si Zendra. "Paano kami makakapasok ng classroom namin? 'Wag n'yong sabihing magpapalaboy-laboy kami sa buong campus buong araw?"

Tinignan kami ni Sir ng matagal bago s'ya dahan-dahang tumango. Sabay-sabay ata kaming napanganga dahil do'n. Gaano kalupit 'tong si Sir para gawin sa 'min 'to? Hirap na hirap na nga kaming magtago sa mga estudyante no'ng may classroom kami, ngayon pa kayang wala?

"Kung gusto n'yong makabalik agad sa classroom n'yo, pagbutihan n'yo. Kapag sumablay kayo rito, hindi ako magdadalawang-isip na palitan kayong walo, maliwanag ba?" -Mr. Estebar

Wow.. Minsan sobrang bait n'ya, minsan naman sobrang heartless. Alam namin kung bakit s'ya gan'yan ngayon. Pumalpak kami. Sinabi naming kaya naming bantayan lahat ng estudyante sa acquaintance party pero may nakalusot. Nakakagulat nga na tatanggalin n'ya lang kami at hindi iki-kick out.

"Mr. President, do you know where's Ayuri?" worried na tanong ni Chloe. Nakakapit pa nga s'ya sa isang braso ko na parang takot na bata.

"She did not tell," sagot ni Sir. "Basta nagpaalam lang s'ya sa 'kin kahapon na gagamitin n'ya ang three-day vacation n'ya. Hindi na ako nagtanong kung bakit dahil kasama naman sa kontrata n'yo na pwede kayong magbakasyon ng tatlong araw kada buwan."

"Do you know her cellphone number o-or address?" sunod na tanong ni Chloe. Sa pagkakataong 'to, tuluyan na s'yang naiyak. Bigla na lang bumagsak 'yong mga luha n'ya habang kumikibot ang nakatikom n'yang mga labi. Pigil na pigil 'yong iyak n'ya. Mabilis n'ya pa ngang pinunasan 'yong mga luha n'ya gamit 'yong sleeve ng uniform ko.

She's trembling. Siguradong natakot s'ya kanina kay Mrs. Sarge. And she's looking for Ayuri cause she knows Ayuri can always make things right. But she's not with us today. Kailangan naming kumilos ng kami lang. Pina-realize lang sa 'min ng sitwasyon na 'to na hindi namin palaging kasama si Ayuri para ayusin ang mga problema namin.

"That kid doesn't have a mobile phone." -Mr. Estebar

Napaangat bigla kaming lahat ng tingin kay Sir. Teka, nakarinig ba ako ng joke? Nagbibiro ba 'tong si Sir?

"'Wag n'yo akong tignan ng gan'yan. Nagulat din ako no'ng nalaman ko," sabi n'ya. "And she wants me to keep her address private. She's a very low-key person, Zamora."

Pinameywang ni Hannah ang dalawa n'yang kamay. Ayan na, magra-rant na s'ya. Pag gan'yan na ang posisyon n'ya, handa na s'yang magsalita ng walang humpay. "Kung gano'n, there's no way para ma-contact namin s'ya? Paano kung emergency na? Tulad nito. Nakasalalay dito ang pagiging Feight member namin, Mr. President. Kailangan namin ng participation n'ya."

"I'm sorry, I can't help you with that." Sinamahan pa 'yon ni Sir ng mahinang iling. "Ang matutulong ko lang sa inyo ay clue na hindi kalayuan ang bahay ni Alvarez dito. Mabuti pa, kumilos na kayo. Umaandar ang oras, mga bata," 'yon ang huli n'yang sinabi sa 'min bago s'ya tumayo mula sa inuupuan n'ya at lumapit sa glass window para tanawin ang nangyayari sa baba.

FEIGHT (Famous Eight)Where stories live. Discover now