Chapter 19: "Long Day"

9.6K 726 345
                                    


"Sigurado ba kayo rito?" paninigurado ni Sindrick sa mga kasamahan n'ya. Todo tago pa s'ya sa likod ni Leeroi na nag-aalangan na ring maglakad.

Nakahinto silang pito sa malaking statue ng isang hari na kamukha ng mga nasa baraha. Ang crown na nasa ulo nito ay ang kasalukuyang ginagamit na simbolo ng Royalonda High.

Sinilip nila ang mga estudyanteng nagkalat sa quadrangle. May isang buong section doon na mukhang may ginagawang outdoor activity. Tapos meron pang isang grupo na parang gumagawa ng short film. May mga camera kasing dala ang mga 'to habang vini-video-han ang dalawang estudyanteng uma-acting.

Kailangan nilang dumaan sa quadrangle para makarating sa pinakamalapit na building doon. Batay kasi sa kwento ni Ricka, sa faculty ng building na 'yon nangyari ang insidente.

"Should we wear disguises?" -Leeroi

"Bro, mas kapansin-pansin 'yon." -Sindrick

"Ano bang problema? Bilisan na lang natin 'yong lakad o kaya tumakbo tayo." -Zendra

"Tingin ko hindi ko kayang tumakbo sa gan'to kainit na weather, Zen." -Chloe

Tinignan ni Sindrick sila Dylan at Lucas. "Paano kayo nakakapag-ikot sa buong campus ng matiwasay kapag ginagawa n'yo ang duty n'yo?"

Malamig naman s'yang tinignan pabalik ni Dylan. "Wala akong maalalang sinabi naming 'matiwasay' kaming naglilibot."

Ooow. Ibig sabihin, tuwing umaga, exercise na ni Lucas at Dylan ang takbuhan ang mga estudyante na humahabol sa kanila. Naging experts na rin yata sila sa pagiging ninja. 'Yong tipong bigla na lang sila sumusulpot sa harap ng estudyanteng gumawa ng violation at mawawala rin agad.

"Then, we're screwed," si Sindrick.

Tinanaw ulit ni Leeroi ang mga tao sa quadrangle. "Malay n'yo, hindi nila tayo mapansin. Mukha naman silang mga busy."

"Oh, sige. Para malaman natin kung mapapansin nila tayo o hindi," Binalingan ni Sindrick si Chloe. "Clo, mauna kang maglakad papunta sa building."

"Ako lang mag-isa?" parang batang tanong pabalik ni Chloe.

"Ita-try natin kung mapapansin ka nila. 'Di ba, ikaw 'yong bunny namin? Pagkakataon mo na 'to para patunayang bunny ka." -Sindrick

"Ow! Ow! Sige!" -Chloe

Agad namang patagong napangiti ng maloko si Sindrick. Sa wakas at mukhang makakaganti na s'ya kay Chloe na lagi na lang s'yang pinupuntirya kapag may sinasabi 'to. Kaso..

..pinitik s'ya ni Zendra sa tenga. "She's not a bunny in a laboratory para pag-eksperimentuhan mo."

Bakit si Chloe laging may tagapagtanggol tapos s'ya wala?!

"But I want to do it!" pagvo-volunteer pa ulit ni Chloe. Tinaas pa nga n'ya 'yong isa n'yang kamay.

"Oh, gusto n'ya daw. 'Wag n'yo na kasing pigilan." -Sindrick

"Yes! I want to do it! Let me do it!" -Chloe

"Okay, Chloe. Gan'to gagawin mo-" napatigil agad sa pagsasalita si Sindrick no'ng takpan ni Zendra ang bibig n'ya gamit ang isang kamay.

"Chloe, alam mo ba kung ano 'yang sinasabi mo?" -Zendra

"Ah.. Oo naman!" masayang sagot ni Chloe. "Lalakad lang naman ako ng tahimik at dahan-dahan papunta do'n sa building, 'di ba?"

"Gurl, ang tanong dito eh kung kaya mo bang tumahimik?" -Hannah

"Kakayanin ko!" -Chloe

"Hindi n'ya kaya," nakahalukipkip na sabi ni Hannah. Pagsagot pa lang ni Chloe sa mga tanong nila, maingay na. Siguradong hindi nito kakayaning tumahimik kahit ilang segundo lang.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon