Chapter 2: "Famous Eight"

16.6K 863 141
                                    

Chloe's POV

This school's so huuuge! And it's my first day! Yay! Akala ko talaga, hindi ako makakapasa sa entrance exam. Tapos, 1 month before the start of the class, pumunta mismo si Mr. Danilo Estebar sa bahay namin para sabihing nakapasa ako.

Gulat na gulat nga sila Mommy. Kung hindi siguro dahil sa tulong no'ng babae sa elevator, hindi ako makakapasa. Nakapasa rin kaya s'ya? Sana magkaklase kami. Gusto ko s'yang maging friend!

I was hopping all the way through the grounds, full of joy. I'm a bunny! That's why I'm wearing a headband with bunny ears. It's so cuuute. Sabi ni Mommy, I should stop wearing this but why? Why?! Is there something wrong with my headband?! Anyways, let's just hop!

Hop.

Hop.

Hop.

Then, I realized... I'm a lost bunny.

Waaah!

"Miss?"

May babaeng biglang tumapik sa balikat ko mula sa likod kaya napalingon ako. Pagtama pa lang ng tingin ko sa kan'ya, alam ko na. I just found my first new friend for today!

"Hi! Nice meeting you, my new friend!" bati ko sa kan'ya ng sobrang sigla. Napakaganda ng umagang 'to, hindi ba? First day of being a royal! All should be rejoicing!

Oo nga pala, bunnies. 'Royals' ang tawag sa students ng Royalonda.

"New.. friend? Ah.."

She's making this weird 'hehehe' sound na para s'yang bunny na naipit sa pinto. May problema ba sa sinabi ko? Ah, let's shrug that off, bunnies.

"What's your name?" tanong ko. I know my eyes are twinkling and sparkling like my new glitters that I bought yesterday. Why not? She's adorable!

"Ah, I'm Zendra. Zendra Mendia. Bago lang ako rito. Pwede mo bang ituro sa 'kin kung saan ang..." she looked at a paper for a sec. "Room 203 FHQ?"

203 FHQ?

F...H...Q-- Ow! That's where I'm heading!

"Do'n din ako pupunta! Magkaklase ba tayo? Wow!"

"Really? That's a relief. Ang sabi kasi sa schedule, 8 AM ang simula ng klase. Late na ako. Buti nakita kita."

"Don't ya worry, my lovely friend! The bunny will save the day!"

Hinawakan ko s'ya sa kamay at patalon-talon ulit akong dumiretso sa hallway ng building na nasa tapat namin. No'ng napansin kong hindi n'ya ginagaya ang ginagawa kong pagkandirit, napahito ako.

"Zendra, why aren't you hopping? We're bunnies!"

"Ahm... I'm not a bunny so..."

I let out a loud gasp. "Oh my carrot! You're not a bunny?!" Hinawakan ko pa ang magkabilang pisngi ko dahil sa gulat. This is a rare condition, mah friends!

"I don't have ears like that," tinuro n'ya 'yong sobrang cute kong headband. "And I think we should really hurry dahil bawal yata ang late sa school na 'to."

Sa sinabi n'yang 'yon, nanlaki ang mga mata ko. Sabi ni Mommy, 'a real bunny never comes late'. What have I done?!

"Waaah! Let's hurry up, chum!"

Hinawakan ko ulit s'ya sa kamay saka ako tumakbo. Magaling ako sa takbuhan. Kaya kong tumakbo ng kasing bilis ng bunny! Pero pagdating sa second floor ng building...

Pagod na po ako.

"Oh. Bakit huminto ka?" tanong sa 'kin ng napakabago, napaka-charming at napakaganda kong kaibigan. I answered her while I'm breathing hard.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon