Chapter 30: "The Playboy"

10K 689 684
                                    

a/n: Belated Happy Birthday sa mga kakabirthday lang dyan, oh. Pasensya na, dalawang oras akong late. Nag-malfunction yung utak ko. Haha. Enjoy reading!

*****

Sindrick's POV

"Siiin! Sindrick!" Mula sa pintuan ng classroom, tumatakbong lumapit sa 'kin si Chloe. May mga bitbit s'yang form namin na ipapasa n'ya dapat sa office ni Ma'am Valdez. Bakit nandito pa 'tong bunny na 'to? Nakalimutan n'ya kung saan 'yong office o nakalimutan n'ya kung paano sumakay ng elevator?

"Sindrick! Sindrick!" nagtatalon s'ya sa harap ko. Last day na ng pasok namin at simula na ng Christmas break bukas. Gusto ko sanang matapos ang araw na 'to sa matinong paraan pero mukhang hindi mangyayari.

"Sin-!"

"Ano ba, Chloe Zamora? Hindi sa nagagalit ako na puro kagwapuhan 'yang sinisigaw mo ngayon but really, just tell me what you want so we can all move on to our lives," sabi ko. Tinigil ko pa ang paggawa ng written report para lang bigyan ng oras ang kaabnormalan n'ya. Kasi alam n'yo na. Pag hindi mo s'ya pinansin, lalo ka lang n'yang kukulitin.

Namimilog ang mga matang pinakita n'ya sa 'kin 'yong form ko. "Nababasa mo ba 'to?! Nakikita mo ba kung anong nakasulat dito?!"

Pagpasensyahan mo na, Sindrick. Intindihin mo na lang.

Ngumiti ako. "Oo naman, Chloe. Kahit hindi ko mabasa o makita 'yan, alam ko kung anong nakasulat d'yan. Alam mo kung bakit?" Lalo kong nilawakan ang ngiti ko. "Kasi ako ang gumawa n'yan. Akin 'yan."

"Waaah! Then, napansin mo 'yong date of birth?" pagsasawalang bahala n'ya sa peke at mananapak kong ngiti. "Look! December 25!"

Gasp!

Napahawak ako sa dalawang pisngi at umarte na nagulat ng sobra. Nanlalaki ang mga matang tinignan ko ng mabuti 'yong tinuturo n'ya. "Wow! December 25 nga!" Saka ko s'ya tinignan ng walang buhay. "Do you think I don't know my own birthday?"

"Waaah!" Nagtatalon na naman s'ya sa harap ng lamesa ko. That's the sign. Time to retreat, Sindrick. Your teritory have just been conquered.

Ready na akong umalis sa lamesa ko kung hindi lang lumapit si Zen. Walang pagdadalawang-isip na umupo ulit ako at kunwaring bumalik sa paggawa ng written report. Dagdag pogi points daw sa mga babae ang mga lalaking mukhang busy.

"Clo, hinahanap na ni Ma'am Valdez 'yong mga-"

"Zenny!" Hinawakan n'ya si Zen sa magkabilang balikat. "I have big news!"

Dumaan sa tabi namin si Leeroi na may dalang mga librong ia-arrange n'ya sa bookshelf sa likod. Hinarang s'ya ni Chloe at hinawakan rin sa magkabilang braso. "Roi, did you know?!"

"N-no," gulat na sagot ni Leeroi. Tumingin sa 'kin si Zen na parang tinatanong kung anong sinasabi ni Chloe. Nagkibit-balikat lang ako habang nakangiti ng matamis. Tablan ka ng charms ko, Zendra Mendia.

"Do you want to know?!" sunod na tanong ni Chloe.

"I-I guess so..?" Tulad ni Zen, tumingin din sa 'kin si Leeroi. 'Yong tingin nga lang n'ya, iba ang meaning. Humihingi s'ya ng tulong.

Sorry, Roi. Girls before bros.

Tumakbo papunta sa harap si Chloe saka sumigaw ng, "Bunnies! Guess what?! Christmas day is Sindrick's birthday!"

"OMG, really?!" sigaw pabalik ni Hannah na nakaupo sa pinakaharap. Kahit malayo kami sa isa't-isa, umaabot sa upuan ko ang kaplastikan ni Hannah Velasquez. "Well, guess what too. I don't care!"

Kinuha ni Zen 'yong ballpen sa case ko at binato 'yon kay Hannah na parang dart. Sapul ang bratinela sa sentido! Bullseye!

"Arouch!" Maarteng humawak si Han sa ulo. "Ano na naman ba, baduy?!"

FEIGHT (Famous Eight)Where stories live. Discover now