Chapter 10: "Mission Impossible"

11.6K 670 69
                                    

Leeroi's POV

Tulala kong tinitigan ang lamesa ko. Uwian na pero wala pa rin. Wala pa rin!

Wala pa rin akong maisip na project ni Lianee. Magagalit s'ya sa 'kin, panigurado. Napakawalang kwenta kong kuyaaa!

"Roi. Huy, Roi!"

Napa-snap ako no'ng tinapik ako ni Sindrick sa balikat. Agad akong naglipat ng tingin sa kan'ya. Bitbit na n'ya 'yong backpack n'ya at handa nang umuwi. 'Yong iba, nakalabas na ng classroom.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong n'ya. "Tara na."

"Ahm.." Hindi ko pwedeng gawin sa bahay ang project ni Lianee. Baka pagalitan s'ya nila Mom pag napansin nilang ako ang gumagawa ng project n'ya. Mababa pa naman ang grades n'ya no'ng nakaraang school year. Sasabihin nilang wala talagang ka-effort-effort sa pag-aaral ang kapatid ko.

Na kabaliktaran naman talaga ng nangyayari.

Masipag mag-aral si Lianee. Ginagawa n'ya lagi ang best n'ya. Ang sabi n'ya sa 'kin, talagang hindi lang daw s'ya makapag-focus kapag nasa school na. Parang nakakalimutan n'ya raw lahat ng pinag-aralan n'ya. Na lagi s'yang kinakabahan.

Naiisip ko tuloy minsan na may problema s'ya sa school.

"Ano? Ayaw mo pa ba?" tanong ulit ni Sindrick.

"Sin, mamaya na siguro ako uuwi. May gagawin lang ako."

"Are you.. okay?"

Napangiti ako. Rinig ko ang concern sa kan'ya. Sa panahon ngayon, bihira ka nang makakarinig ng genuine na concern sa boses ng mga taong nakapaligid sa 'yo. "I'm okay. Don't worry. Sige na, mauna na kayo."

"Fine. Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka. Uuwi na ako at baka masermunan na naman ako. Pambihira."

"Yep. Ingat," nakangiti kong paalam sa kan'ya bago s'ya tuluyang makalabas ng room. Pagkalabas n'ya, napabuntong-hininga ako. Now, what? Ano nang gagawin ko? Tumambay dito hanggang dumilim?

"You need help with your sister's project?"

Halos mapatalon ako mula sa inuupuan ko no'ng biglang may nagsalita sa likuran ko. Napahawak pa nga ako sa bandang puso.

Nakakakaba naman 'tong si Ayuri. Akala ko, nakauwi na silang lahat.

"Kailangan kong matapos 'yong project pero okay lang ako. Baka kailangan mo na ring umuwi, Ayuri."

"I'll help you," sabi n'ya nang walang pagdadalawang-isip. Binaba n'ya ang bag n'ya sa lamesa ko. "I'll help you do the project if you'll do me a favor in return."

Mabilis na tumaas ang dalawang kilay ko. Ngayon lang nanghingi ng pabor sa 'kin si Ayuri.

"Sure. Anong pabor?"

Nakita ko ang ngiti n'ya. It looks fake but I somewhat found it genuine. Ang gulo ko ba? Sa tingin ko kasi, 'yon na ang pinaka-okay na ngiting kaya n'yang gawin.

"May isang bagay lang akong gusto kong gawin mo. Then, I'll take care of the rest. Payag ka ba?"

"Oo naman," sagot ko agad. Kahit walang kapalit, tutulungan ko s'ya. Gano'n ang magkakaibigan.

**********

7:10 AM, tapat ng first year building, nakita agad ni Zendra si Leeroi na naglalakad papuntang main building. Bumaba si Zendra sa kotse at hinabol si Leeroi.

"Roi!" tawag n'ya rito. Lumingon 'to at huminto sa paglalakad. Ngumiti pa nga 'to sabay kaway.

"Good morning, Zen," bati ni Leeroi. Si Leeroi ang taong gugustuhing mong laging unang makausap sa umaga. Para kasing mapapaganda no'n ang buong araw mo. Nakakagaan ng pakiramdam.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon