a/n: Huminga muna kayo ng malalim para sa fanart.
Okay na? Sige, mag-scroll down na kayo.
Once again, thank you sa napakagagandang fanarts, shy_rahhh! Saludo ako sayo.
Enjoy reading!
******
At the Royalonda's campus gate, tinanggap ni Ayuri Alvarez ang in-offer na handshake ni Anastacia Radfil. InterHigh has ended. As representatives, nakapwesto ang Feight sa gate para bigyan ng magandang pamamaalam ang mga estudyanteng lalabas ng Royalonda kasama na si Harper Yuwen.
"We're honored playing with you," ngiti ni Anne.
"Same with us. Congratulations again. It was a good game." Lumingon si Ayuri kay Harper na halatang nanghihinayang pa rin sa nangyari. Ilang segundo lang ang agwat nila ni Jade. Isang hakbang lang ay sana, ang Royalonda ang nanalo. "Thou, our ninth member can't shake the guilt. We are not even blaming her."
"Y-you shouldn't feel guilty, Harper!" singit ni Jade. "Sobrang galing mo. Una pa lang, malayo na ako sa 'yo pero nahabol mo pa rin ako. T-tsaka kung hindi dahil sa 'yo, sumuko na sana ako!"
Mahinang natawa ang Stealer #1. "I didn't do anything. Determinasyon mo ang nagpanalo sa inyo."
Nag-cross arms si Zendra habang sinusulyapan ang nagsalitang babae. Harper's too concerned about the thing that she was the reason why their team lost. Tulad ng sinabi ni Ayuri, no one's blaming her. Sadyang mahigpit lang ang naging laban. Everyone knows that she did her best.
"It's such a shame that this is my last InterHigh. Pati na 'tong si Jade. Gusto ko pa sanang makalaro kayo ulit sa susunod," may mapait na ngiti sa labi ni Anne. She meant every word she said. Kakaibang experience ang binigay sa kan'ya ng Famous Eight. That was something that she will treasure forever. The excitement.. the challenge.. the fun.. everything.
"You can just watch us win next InterHigh," sagot ni Ayuri. Natawa na lang si Anne. Lahat ng inakala n'yang bagay tungkol kay Ayuri no'ng una n'ya 'tong nakita ay mali. Kabaliktaran ng mga naisip n'ya ang tunay na katangian ng Top 1 ng Royalonda.
YOU ARE READING
FEIGHT (Famous Eight)
Teen FictionEight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives. They were fine doing their jobs as the perfect sons and daughters. Yet, the fate gave them somethi...