Chapter 17: "Guilty"

8.3K 620 162
                                    

Sindrick's POV

Tahimik ang buong kwarto kung nasaan kami. Nakatayo kaming walo sa harap ni Ricka na nakaupo sa upuang nilagay namin sa gitna. Parang isa pang office 'tong lugar.  Hindi ko lang alam kung kanino 'to pero sabi ni Sir, hindi na raw available ang kwartong 'to maya-maya lang.

Una kong sinuri ng tingin si Ricka. Hm.. Yeah, she's pretty. Hanggang balikat ang buhok n'yang kulay brown. Makinis ang balat- ah, wala namang bago do'n. Halos lahat naman ng nandito sa school na 'to, mukhang lumaklak ng glutathione o nagpapa-derma kada dalawang linggo.

Maayos ang pagkakaupo n'ya na parang na-train sa pagiging prim and proper. Nasa lap n'ya ang cellphone n'yang hinahawakan n'ya kapag bigla na lang s'yang inaatake ng kaba.

Sa kabuuang appearance n'ya, may isang parte talaga ng katawan n'ya ang nakakuha ng atensyon ko.

'Yong mga kuko n'ya.

Oh, akala n'yo kung ano 'yong napansin ko, 'no? 'Wag kayong green-minded. Wala s'ya no'n. Tss. Mas malaki pa rin 'yong kay Zendra- Ibig kong sabihin, mas malaki 'yong tsansang masapak ako ni Zendra. Tinitignan n'ya ako ngayon. Tingin ko, napansin n'ya 'yong pagsuri ko sa katawan ni Ricka.

Yiiie. Kinikilig ako. Nasabi ko rin bang tinitignan n'ya ako ng nakasimangot at may kasamang pandidiri? Oo, kinikilig pa rin ako. Hahaha.

Anyways, napansin ko 'yong mga kuko ni Ricka kasi mahaba at makukulay 'yon tulad ng kay Hannah. Iisa siguro sila ng shop na pinupuntahan. Pati style, pareho. O gan'yan talaga ang uso ngayon?

After checking on Ricka, tinignan ko si Leeroi na nag-aalala ang itsura ngayon. Sigurado akong hindi s'ya sa sitwasyon namin nag-aalala. Nag-aalala s'ya kay Ricka. That sympathy in his eyes says it all.

Tinabig ko s'ya ng mahina sa braso kaya napatingin s'ya sa 'kin. Sunod kong tinanguan ng isang beses ang direksyon ni Ricka. I'm giving him the cue to do his job. Sa aming lahat at sa ganitong sitwasyon, si Leeroi lang ang may kakayahang kumausap ng magaan at mahinahon sa isang tao. Ngitian n'ya lang 'yong biktima, siguradong gagaan bigla ang atmosphere dito sa kwarto at kakalma ang lahat. Gano'n katindi ang powers ni Leeroi.

Pero saglit lang. Pwede rin namang ako na 'yong magtanong kay Ricka. I am gentle with girls, too. Bakit hindi?

No'ng akmang lalakad na ako paabante, biglang hinarang ni Zendra 'yong isang kamay n'ya sa harap ko. Tapos tinignan n'ya si Leeroi at sinenyasan 'tong lumapit na kay Ricka. Sinulyapan n'ya pa ako ng isang beses na parang sinasabing, 'Back off, pervert.' Yeah, I know the exact words that glance wants to say.

Sabi ko nga si Leeroi na lang. Nag-try lang naman ako, eh. Baka sakaling makalusot.

Huminga ng malalim si Roi. Palakad na s'ya palapit kay Ricka no'ng hawakan ko s'ya sa braso.

Lumapit ako ng konti sa kan'ya para bumulong. "Ask her at least three basic questions first."

Nagtataka man s'ya sa request ko, tumango na lang din s'ya. Pagkalapit n'ya kay Ricka, niluhod n'ya ang isa n'yang paa sa tapat nito para maging magkalebel ang mga mata nila.

Leeroi fixed his eyeglasses. "Hi, Ricka," pagsisimula n'ya. Sinamahan n'ya pa nga 'yon ng konting ngiti na may kasamang simpatya. Isa s'yang expert. Wala akong masabi. "I'm Leeroi. And these are the other Feight members. Kulang nga lang kami ng isa sa ngayon. Okay lang ba kung magtanong kami sa 'yo ng ilang questions?"

Sumulyap saglit kay Leeroi si Ricka bago ulit s'ya yumuko. Mukhang nabawasan na ng konti ang takot at nerbyos n'ya. "Yes," pabulong na sagot n'ya.

'Di ba, ang lakas ng powers ni Leeroi? Idol ko 'yan. 'Yong tipong simple lang duma-moves.

FEIGHT (Famous Eight)Where stories live. Discover now