Chapter 13: "Party Planners"

9.6K 670 106
                                    

"Here." Inabot ni Zendra ang isang bottled water kay Hannah na nakatayo sa gilid ng campus quadrangle kung saan may lilim.

Mabilis na napalabi si Hannah. "Sabi ko, soda, eh."

"Hindi ka dapat palaging umiinom ng soda. Hindi healthy. At painit nang painit ang panahon ngayon kada araw. We should all stay hydrated."

"Yeah, yeah. Health freak," ngingisi-ngising tukso ni Hannah bago uminom. Pareho lang silang nakatanaw sa malawak na quadrangle.

Isang 80 x 100 meters open space ang quadrangle. Nakatayo sa tatlong sides nito ang tatlong pinakamalalaking building sa Royalonda. Ang natirang isa pang side ay ang parte kung saan nakatayo ang isang malaking stage. Madalas gamitin ang campus quadrangle para sa iba't-ibang activities. Minsan na ring may nag-concert dito.

"Zeeen! Zendraaa! Hiii!" sigaw ng isang estudyante mula sa katapat nilang building. Kahit nasa third floor 'to, wala 'tong takot na dumungaw sa bintana para makakaway lang. Ang iba nitong kaklase, todo kaway din habang tinatawag si Zendra.

"Daming fans, ha?" muling tukso ni Hannah. "Try mo kayang kumaway pabalik, 'no? Para hindi ka mukhang snob."

Ngumiti ng bahagya si Zendra at kumaway ng isang beses sa mga estudyante. Agad namang nagtilian ang mga 'to.

"Hindi ka nila tinatawag," puna ni Zendra. Sigurado s'yang dahil 'yon sa mga kumalat na iba't-ibang paninira kay Hannah sa online forum. Pero ginagawan na 'yon ng paraan ng iba pa nilang kamyembro. Sinusubukan nilang linawin lahat ng accusations sa kasamahan nila sa pamamagitan ng paggawa ng sari-sariling account.

"That's fine. I'm pretty pa rin kahit walang fans."

"Ayos din 'yang self-confidence mo."

Tinignan s'ya ni Hannah mula ulo hanggang paa. Sa pagkakataong 'to, wala nang panghuhusga do'n. Tinignan lang s'ya nito na parang sinusuri. "Now, if I look closer, maganda ka rin naman pala. Medyo lalaki ka lang gumalaw pero pwede na."

Napangisi bigla si Zendra. Sinalubong n'ya ang tingin ng kausap sabay sabi ng, "Bumabait ka. Mamamatay ka na ba?"

"Loka!" reaksyon agad ni Hannah na may kasabay pang hampas sa balikat ni Zendra. Dahil sa hampas, may tumapon tuloy na tubig at nabasa ng kaunti ang polong suot nito.

"Kailangan talagang manghampas?" reklamo ni Zen habang tinitignan ang uniform n'yang nabasa. "Ayan, nabasa na ako. Lintik naman, Hannah. Buti na lang, mainit."

Mabilis na napahinto si Hannah at napaawang pa nga ng kaunti ang bibig. Pinapanood n'ya si Zendra na nagpupunas ng uniform. Nanlalaki ang mga mata n'ya dahil sa mga ideyang bigla na lang pumapasok ngayon sa utak n'ya. Sa sobrang dami ng mga ideya na 'yon, para na s'yang sasabog.

Nahihiwagahan n'yang nilipat ang tingin n'ya sa malawak na quadrangle.

"Mainit na panahon..? Tubig..?" bulong ni Hannah sa sarili. Muli n'yang binalingan si Zendra. "Zen, ano nga ulit 'yong sinabi mo no'ng binigay mo sa 'kin 'tong bottled water?"

"Ah.. 'Wag kang uminom ng soda?"

"Hindi 'yon. 'Yong isa pa."

Kumunot na ang noo ni Zendra. "We should all stay hydrated?"

Isang palakpak ang ginawa ni Hannah. Tuwang-tuwa n'yang hinarap si Zendra at hinawakan 'to sa magkabilang balikat. "Yes! Yes, Zendra! Let's all stay hydrated!"

Naguguluhan lang na tumango ng mabagal si Zen. "O.. kay..?"

"Let's go! I have a plan na!"

*****

FEIGHT (Famous Eight)Where stories live. Discover now