Chapter 22: "Rich Kids"

10.5K 701 641
                                    

One hour.

One hour nang nakahiga sa kama n’ya si Zendra, tulala sa kisame. Ni hindi pa nga n’ya nagagawang palitan ang suot n’yang uniform. Ito na.. ang pinaka.. malaking revelation ng buhay n’ya. Hanggang ngayon, hindi pa rin s’ya makapaniwala. Ganito siguro ang magiging reaksyon n’ya pag biglang sinabi sa kan’ya ng magulang n’ya na ampon lang s’ya.

Hindi naalis 'yong pagkakatulala n’ya sa kisame kahit may kumatok ng dalawang beses sa nakabukas na pinto ng kan’yang kwarto.

"How's your day? Do you want something for dinner?" sabi ni Miranda. Mommy ni Zen.

Lalong napatulala si Zendra sa kawalan. She has this big house. Expensive things. Gadgets. She got to eat whatever she wants. Go to different places whenever she feels to. How about Ayuri..?

"Zendra, you okay, honey?" tanong ulit ni Miranda. Hindi ito umalis sa pagkakatayo nito sa pintuan.

"Bababa na lang ako pagkabihis ko, Mom," Zendra muttered.

Ngumiti ng bahagya si Miranda. Kapag nakikita n’yang gan’yan ang anak n’ya, alam n’yang nag-iisip ‘to ng malalim. "Okay. Hihintayin ka namin ng daddy mo." 'Yon ang huli n'yang sinabi bago n'ya sinara ang pinto. Muli, kinain na naman si Zen ng katahimikan.

Ilang minuto pa ang nagdaan bago naagaw ng tumunog n’yang cellphone ang atensyon ni Zendra. Senyales ‘yon na may notification s’yang natanggap. Hindi na sana n’ya papansinin kaso tumunog ulit 'yon ng ilan pang beses. Nanlalambot n’yang inabot ang cellphone gamit ang isang kamay at tinapat sa mukha n’ya ang screen.

Seven new messages.

Tinap n’ya ang icon at bumukas ang isang chat box. Chat box na may pangalang ‘F8’”.

Sin: Add everyone here.
Sin: I don’t have time to think for a decent group name. Bear with that.
Han: Hay, finally. May nakaisip din nito.
Roi: Hi, guys!
Roi: Add everyone? Why? Sino pa bang hindi mo sinali, Sin?
Sin: I can’t add Zendra. Kinakabahan pa rin akong mag-friend request sa kanya. Baka ma-reject ako. Hindi pa ako ready.
Han: Daming echos, Sindrick. Ako na nga.
Clo: Hellooo! Can I add Mrs. Ginger?
Sin: Scratch that. I'm taking out the bunny.

*Sin removed Clo from the group*

Han: Oh my ghaaad. That was funny.
Roi:  Naku naman, Sindrick. Baka mapaiyak mo pa si Chloe.

What the hell? ‘Yan agad ang sinigaw ng utak ni Zendra. Ano na namang kalokohan ‘tong ginagawa ng mga kaibigan n’ya?

Agad-agad s’yang nag-type.

Zen: What's this?

Hindi inabot ng minuto bago may sumagot ng..

Luke: Group chat.
Sin: Hahahaha. Hi, Zen. Welcome to the group.

Talaga naman, Lucas. Kahit sa chat, ramdam na ramdam ng Feight ang pagiging sarcastic n’ya. Isa na namang kakaibang talent ang nadevelope ng isang Lucas Madrid.

Nakasimangot na nag-type ulit si Zendra.

Zen: I mean, what is this for? Tss.
Roi: Ah.. Oo nga, Sin? Para saan to?
Sin: Alam kong pare-pareho tayong tulala ngayon. Kailangan nating pag-usapan to.
Han: OMG! I’m still in shock! Like, I cannot believe it!
Sin: Sino bang hindi? Akala ko talaga, nagbibiro lang sya. Nag-joke pa tuloy ako!
Sin: Oh, wait.

*Sin added Clo to the group*

Clo: WAAAAAH! BAD!
Sin: Sorry not sorry. Hahaha
Clo: BAAAD!

FEIGHT (Famous Eight)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora