Chapter 40: "InterHigh Day 2"

12K 758 1.2K
                                    

"Anong meron?"

"Nagpupuntahan lahat sa gymnasium."

"Bakit? May laban do'n?"

"Hindi mo ba nabalitaan? Nagpatawag bigla ng meeting 'yong Winsdom kaya nasa gymnasium lahat ng student council na kasali sa InterHigh."

"You mean, maghaharap-harap na agad sila ngayon kahit hindi pa Elites Game?"

"Gano'n na nga."

"Eh, bakit ang bagal natin? Bilisan mo! Magandang panoorin 'to!"

Hindi maubos ang mga estudyanteng pumapasok sa entrance ng gymnasium. Nagsisiksikan sila, nagkakagulo. Lahat, gustong masilip man lang ang mga taong nasa malawak na court ngayon. Sa kasalukuyan, pito ang eskwelahang nagparticipate sa InterHigh at bawat school ay may ginagamit na flag bilang simbolo. Matayog na nakatayo sa court ang pitong flag na 'yon. Sa ibaba ng mga 'to nakatayo ang lahat ng myembro ng bawat student council ng nirerepresentang eskwelahan.

Ang faculty teachers at presidente ng mga kasaling school ay nakapwesto sa stage para mag-obserba sa mangyayaring meeting.

Bilang presidente ng school na host sa InterHigh ngayong taon, si Danilo Estebar ang nagbigay ng permisong umpisahan na ang meeting na nirequest ng mga taga-Wisdom. Tinignan n'ya ang grupong nakatayo sa ibaba ng flag ng Winsdom Academy. "We're sorry for the noise and commotion but students need to witness this meeting to avoid confusion in the future. You may now start."

Tumango si Anastacia Radfil at nag-bow na rin ng kaunti para magbigay galang sa presidente ng Royalonda. Matapos gawin 'yon ay lumapit na s'ya sa mikropono para magsalita. "It has been sixteen years since our schools started InterHigh. Eight years na ang nakakaraan no'ng ibigay sa Winsdom Academy ang responsibilidad na gumawa ng rules at pumili ng isang representative sa bawat school para sa Elites Game-"

"May I interrupt?" pagputol ni Theo Fortes, student council president ng Devan Highschool. Base sa nakuhang impormasyon ni Anne tungkol kay Theo, palangiti 'to pero bayolente. Marumi 'to kung maglaro. Well, taga Devan s'ya. School 'yon ng mga delikwente. "To be honest, we really don't see the necessity of this meeting. What else condition do you want? We already gave you all of the advantages."

Sumegunda agad ang SC president ng Emblaire High na si Paris Natividad, "Elites Game will be on two days. May gusto pa ba kayong baguhin o ayaw n'yo nang ituloy 'to?" Sa pagkakaalala ni Anne, Paris is a competitive student. Ayaw nitong nagpapatalo sa kahit sino.

"Baka gagawa sila ng rule na bawal nang manalo 'yong ibang school bukod sa kanila?" Hindi 'yan sinabi ni Francine Pradel sa mic pero narinig 'yon ng mga taong malapit sa kan'ya kaya nagkaroon ng tawanan.

Kahit si Anne na hindi naman gano'n kalayo sa grupo nila Francine ay narinig ang sinabi nito. Pinili n'yang 'wag na lang pansinin ang pang-aasar ng babaeng taga Lexon.

Darrel Matias joined in conversation. "Hindi namin akalaing may maiisip pa kayong irequest sa dami ng privileges n'yo," natatawang sabi nito. Kilala sa pagiging sarkastiko si Darrel na SC president ng Gemin High. Sa tikas ng pangangatawan ng nasabing lalaki, masasabi agad na athletic 'to.

Si Wren Salazar, ang nerd na presidente ng Hilliam Academy, ang sunod na nagsalita. "Let Anastacia Radfil finish her speech."

Napabuga na lang tuloy ng hangin si Anne. Kung sana ay hinahayaan s'ya ng mga 'to magsalita, e 'di sana kanina pa sila tapos? Si Wren lang talaga ang may sense sa mga 'to kahit papa'no. Ano nga namang aasahan mo kay Wren Salazar na takot lumabag sa school rules, active sa boys scout at nangungunang estudyante sa mga ka-batch nito? Mukha 'tong lampa pero may ibubuga sa talino.

FEIGHT (Famous Eight)Where stories live. Discover now