Chapter 18: "Lie Detectors"

8.5K 635 312
                                    

Sindrick's POV

Tell me, this is just a nightmare.

Ano bang meron sa araw na 'to at parang sobrang malas namin? Una, hindi kami makapasok sa classroom namin. Pangalawa, wala si Ayuri. Pangatlo, sabit kami sa malaking gulo. Pang-apat, pinalayas pa kami ni Sir sa office n'ya. Panglima, nandito kami ngayon sa storage room ng mga lumang lamesa at upuan, makapagtago lang!

Baka may gusto pang humabol d'yan? Mananakit na talaga ako!

Walang-buhay na lang tuloy akong napansandal sa likod ni Chloe habang nakaupo kaming pareho sa lamesang nandito. Si Chloe na lang ata ang natitirang masigla ang aura sa 'min. Hindi ba s'ya nanlalambot sa mga nangyayari? Porke sigurado na s'yang ligtas 'yong bunny ears n'ya, gano'n-gano'n na lang? 'Di na s'ya affected?

"What should we do now? Umamin na si Francis. At alam naman nating kapag umamin na ang suspek sa krimen, tapos na ang laban," sabi ni Zen na nakatayo sa gilid namin.

Totoo 'yon. Hindi na rin n'ya kami hinayaang magtanong ng mga detalye dahil inaamin n'ya naman. Ano nga namang point ng pagtatanong?

Pumikit ako. "They're both lying," sabi ko. "Kailangan na lang nating mapatunayang pareho silang nagsisinungaling tungkol sa nangyari."

"Paano mo naman nalamang nagsisinungaling silang pareho, aber?" si Hannah.

Binuksan ko 'yong isa kong mata para salubungin 'yong mga tingin nilang nagtatanong. Paano nga ba? Iisa-isahin ko ba?

"I told Leeroi to ask at least three basic questions first," pagsisimula ko sa mahaba-habang paliwanagan.

"Yes. Bakit nga ba, Sin?" -Leeroi

"Para malaman ko kung paano magsabi ng totoo si Ricka Sarge." Umayos ako ng upo at hinarap si Leeroi. "You asked her about her name, age, year and section. Lahat 'yon, nasagot n'ya ng maayos. Steady ang breathing at tingin. Hindi naglilikot sa inuupuan. At hindi nanginginig."

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa lamesa. Nagsimula akong maglakad sa loob ng maliit at mainit na storage room na 'to. "Tinanong s'ya ni Leeroi kung magkaklase ba sila ni Francis. Sumagot s'ya ng 'Yes, seatmates kami.' habang nakatulala."

"Oh, ano namang mali do'n?" -Zendra

"Zen," nilapitan ko s'ya. Huminto ako sa harap n'ya at nag-lean ng konti. "Kung tinry kitang rape-in at binigyan ka no'n ng matinding trauma, anong mararamdaman mo kapag narinig mo ang pangalan ko?"

Inikot ni Zenda ang tingin n'ya na parang nag-iisip. Tapos ay tinignan n'ya ulit ako saka napakurap ng ilang beses no'ng may na-realize s'ya. Ngumiti naman ako.

"Yep," sagot ko sa iniisip n'ya. "Hindi ba, kakabahan ka ulit? Maalala mo ulit 'yong nangyari no'ng gabing 'yon? Pero hindi 'yon ang naging reaksyon ni Ricka. Kalmado lang s'ya habang nakikipag-usap kay Leeroi tungkol sa lalaking nagsubok na sirain ang buhay n'ya."

Muli akong naglakad-lakad. "Bumalik lang 'yong kaba n'ya no'ng nagsimulang magtanong si Leeroi tungkol sa mga detalye ng nangyari. Sa tingin n'yo, bakit?"

"Kasi nagsisinungaling s'ya?" -Chloe

Nakipag-apir ako kay Chloe. Nag-iba ang bilis ng paghinga n'ya at tono ng pagsasalita no'ng mga oras na 'yon. Hindi rin s'ya mapakali sa inuupuan n'ya. At 'yong parteng tinitigan n'ya ng diretso sa mata si Leeroi? Alam n'yo ba na karamihan ng mga nagsisinungaling ay sinusubukan o sinasadyang titigan ka ng diretso sa mata? Kasi akala nila, mas mapapaniwala nila ang kausap nila kapag gano'n ang ginawa nila. Alam nilang mas iisipin mong nagsisinungaling sila kung palipat-lipat ang tingin nila.

Naglakad ulit ako saka ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Tapos nagtanong sa kan'ya si Lucas kung pa'no n'ya natakasan si Francis. Bago sumagot, nalipat 'yong tingin n'ya sa kung saan. That means.."

FEIGHT (Famous Eight)Where stories live. Discover now