Chapter 27: "Rescue Mission"

9.7K 675 777
                                    

“Can I go now?” sabi ni Chloe na parang isang batang nagtatanong. Inosente ang mga matang tinignan n’ya ang dalawang taong nagbabantay sa kan’ya. Isang babae at lalaki na ngayon n’ya lang nakita. Inupo s’ya ng dalawang ‘to sa gitna ng isang classroom sa loob ng abandonadong building. Hindi naman s’ya itinali ng mga ‘to kaso bantay sarado s’ya. Hindi s’ya marunong lumaban. Pagkandirit lang ang kaya n’ya.

Kanina, noong nagtakbuhan sila dahil may humagikgik sa tabi nila, may mga taong bigla na lang humila sa kan’ya at dinala s’ya sa kwarto na ‘to na nasa third floor. Kilala n’ya ang dalawa sa apat na taong humila sa kan’ya. Ang dalawang ‘yon ay si Misha Fernandez at ang kakambal n’yang si Charlie Zamora.

Pagkatapos no’n, hiniram nila ang badge n’ya. Habang ‘sapilitang’ hinihiram sa kan’ya ‘yon, hindi s’ya gaanong nakalaban. Dalawa kasi ang nakawak sa kan’ya. Pero no’ng ang suot na n’yang bunny ears na paborito n’ya ang kukunin, halos makipagkagatan s’ya. Walang ibang pwedeng kumuha sa bunny ears n’ya kahit pa ang kakambal n’ya.

“’Wag ka ngang makulit,” iritadong sabi ng babae.

“Ibabalik n’yo naman ‘yong badge ko, ‘di ba? Nag-promise si Charlie. Hihiramin n’ya lang daw ‘yon saglit,” sabi pa ulit ni Chloe na may kasamang konting pangamba.

Natawa tuloy ang lalaki. “Uto-uto.”

Sobrang lungkot na nag-pout si Chloe. Alam naman n’yang niloloko lang s’ya ng kapatid n’ya. Kahit kailan, wala itong tinupad na pangako.

Hindi n’ya gustong ipahiram ang badge pero natuwa lang din kasi s’ya. Ito ang kauna-unahang pagkakataong binisita s’ya ni Charlie sa Royalonda!

Magkaiba sila ng pinapasukang highschool. Ayaw nito na maging schoolmates sila kaya si Chloe na ang nag-adjust at sinubukang mag-take ng entrance exam sa Royalonda kahit mahirap. Ang Royalonda lang kasi ang pinakamalapit na school sa pinapasukan ngayon ni Charlie.  Halata naman sigurong hindi s’ya gano’n kagusto ng kakambal n’ya. Lagi itong inis sa kan’ya. Wala pa s’yang ginagawa, sinasamaan na agad s’ya ng tingin nito.

Kahit madalas, hindi s’ya pinapansin at kinakausap ni Charlie, ginagawa n’ya ang lahat para maging close sila. Kaya nga lahat ng nangyayari sa buong araw n’ya, ang tungkol sa Feight, mga bagay na tungkol sa mga kaibigan n’ya at kung ano-ano pa ay kinukwento n’ya rito. Pero ni minsan, wala ‘tong kinwento pabalik sa kan’ya. Ni hindi n’ya nga alam na best friend pala nito si Misha Fernandez.

“Kapag nakuha na nila Misha ang mga badge n’yo, sa amin na ang buong Royalonda. Ayos din ‘yong kakambal mo, ha? Alam n’ya kung kanino kakampi,” sabi ng babae.

“Nai-imagine ko na ang mukha ng Feight kapag nalaman nilang hindi si Chloe Zamora ang kasama nila buong araw,” nakangising usal ng lalaki.

Napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ni Chloe. ‘Yon pala ang balak ng mga ‘to. Ginaya s’ya ni Charlie para mapalapit sa Feight. Sigurado s’yang may gagawin ‘tong masama sa mga kaibigan n’ya. Magaling pa naman um-acting si Charlie. Baka hindi nila mapansin.

Mabilis na napatayo mula sa inuupuan n’ya si Chloe Zamora. Kailangan na n’yang makatakas sa kwartong ‘to ngayon din!

“Ano? Maupo ka lang d’yan kung ayaw mong masaktan,” banta ng lalaki.

“Ahm.. pwede ko bang makuha ‘yong backpack ko? Kasi nasa loob n’yan si Carson,” bakas ang pag-aalala sa mukhang tanong ni Chloe.

“Carson?” mataray na tanong ng babae. Pabalang n’yang kinuha ang backpack na nasa sulok ng kwarto at inalog-alog ‘yon.

“Yep! Bunny ko!” -Chloe

“Bunny kamo? Nilagay mo sa loob ng bag mo ang isang koneho?” Saglit na napatawa ang babaeng estudyante dahil do’n. That’s just too stupid to do. “Gusto mong mamatay ‘yong alaga mo?”

FEIGHT (Famous Eight)Where stories live. Discover now