Chapter 26: "Cornered"

9.2K 699 879
                                    

a/n: Maga-update sana ako kahapon kaso hindi ko ginawa. May comment kasing pumigil sa 'kin. Sorry, guys. I had to do that. Mas nangibabaw ang pagmamahal ko.

Anyways, here's an update for you all. Enjoy!

*********

"Sa ngayon, pwede na ba nating kunin 'yong headband ko do'n sa building? Pretty pleaaase." Pinagdikit ni Chloe ang dalawang kamay n'ya at nag-puppy eyes. "Kung ayaw mo, baka mainis ako. Sige ka."

Ayuri didn't bother to say anything. Nanatili lang s'yang nakatayo, tinititigan sa mga mata si Chloe na todo sa pagpapa-cute.

Sabi nga noon ni Sindrick, Ayuri always keeps Chloe near her. Bakit nga ba? Dahil ba akala n'ya ay mahinang nilalang si Chloe o nararamdaman n'yang mapanganib 'to? Well, sino nga namang makakaalam ng tumatakbo sa utak ni Ayuri Alvarez? Para na s'yang fortune teller. Sa sobrang dami n'yang alam, mukhang kaya na rin n'yang i-predict ang hinaharap.

"That's cute."

Nawala bigla ang ngiti ni Chloe no'ng marinig n'ya ang boses ng isa pa nilang ka-member. Mabilis s'yang lumingon sa paligid bago nahinto ang tingin n'ya sa lalaking nakaupo sa isang upuan. Inaantok na nakapangalumbaba 'to sa mga pinagdikit-dikit na lamesa habang pinapanood sila.

Lucas Madrid witnessed everything.

"You're threatening our Top 1. You really have some guts," sabi pa nito na may kasamang malamlam na tingin.

Patagong naikuyom ni Chloe ang isa n'yang kamay pero pinagpatuloy n'ya ang pagngiti. Kaya naman pala walang kahit anong ginagawa si Ayuri. Siguradong kanina pa nito alam na kasama nila sa kwarto si Lucas kaya sobrang kalmado nito. Naisahan s'ya ng walang kaeffort-effort.

Mas lalo n'ya pang tinamisan ang ngiti n'ya. "How long have you been there, Mr. Magician?"

Naghikab muna si Lucas bago sumagot ng, "I never left the room."

Namilog ang mga mata ni Chloe sa pagkamangha. Kakakitaan mo ang mga 'yon ng kinang. "Wow. Did you use magic kaya hindi kita napansin?" namamanghang tanong n'ya.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng ilang buwang lumipas na magkakasama sila, nawala ang antok sa mukha ni Lucas at ngumiti s'ya. Medyo natatawa pa nga s'ya habang pinag-aaralan ang mukha ni Chloe. "Interesting," sabi n'ya.

Chloe tilted her head with frowning brows in innocent way. Interesting din si Lucas para sa kan'ya.

Parang walang nangyaring bumalik sa ginagawa n'yang pagmamarka si Ayuri. "How will I be scared of you if you can't even notice Lucas?" kalmadong usal n'ya. "And blackmailing won't work on me.." Minarkahan n'ya ang huling lugar saka nilingon si Chloe na seryoso na ang mukha ngayon. "..kid," pagtapos n'ya sa sinasabi n'ya.

'Yon nga ang tingin ni Ayuri kay Chloe. A kid. She doesn't consider her as a threat because she just sees her as a kid. Hindi bata ang tatalo kay Ayuri, 'yon ang sigurado.

But she also knows, she shouldn't underestimate her too much. Baka may iba pa itong strategy na kayang gamitin bukod sa pagiging 'deceiver' at 'blackmailer'.

Niligpit na ni Ayuri ang mga ginamit n'ya. Bitbit ang isang box na lagayan ng pens papunta sa mga lamesa, nagsalita s'ya ng, "I can promise you that I will not tell to anyone what I saw last Sunday." Huminto s'ya sa tabi ni Lucas at ipinatong ang isang kamay n'ya sa ulo nito. Inaantok 'tong humikab. "But Lucas can't."

"Yeah, I can't. I'm talkative," segunda ni Lucas.

Tumango si Ayuri. "Do you also have something to blackmail him?" tanong n'ya kay Chloe.

FEIGHT (Famous Eight)Where stories live. Discover now