Chapter: 50

2.6K 73 8
                                    

"Mel, faster please anong oras na oh. Baka matrapik pa tayo" sigaw ko kay mel dahil nasa taas padin ito.

Pupunta kami sa company ni kate for the meeting pero etong kasama ko ay napakabagal, kasama din namin yung secretary ko na kasabay umuwi noon ni melai dito sa pinas.

"Eto na pababa na!" Napabuga nalang ako ng hangin.

Sumakay na kami ng van at syempre hindi pwedeng hindi mawala ang bodyguards lalong nag doble ingat si dad dahil sa nangyari sa reunion lalo na daw ngayon na nandito padin si liam sa pinas.

Samantalang hindi ko naman alam kung saan nag punta si chen dahil kaninang umaga pa ito umalis at hindi ko na nga sya naabutan nung magising ako.

"Ma'am Cindy nag message po si Sir. Henry gusto nyo pong basahin ko?" My secretary said. Nasanay na ako sa Amsterdam na ang secretary ko ang humahawak ng phone ko dahil ayoko ng istorbo lalo na kapag nasa trabaho, sinasabi nalang nya sakin kapag importante ang nag message sa akin or tumatawag

"Maybe later"  I said na ikinatango naman nito sigurado kong tinanong lang ni dad kung kasama ko ba ang mga bodyguards at baka tumakas nanaman daw ako. Phew! Takot ko lang sa mga to ang lalaki kaya ng mga katawan nila.

Nakarating na kami sa company ni kate at hindi na ako magugulat kung ganito kaganda at kalaki ang kompanya nya, I mean nila ni mia. Panigurado akong nandito din sya tsk!

Dalawang bodyguards lang ang pinasama ko sa loob at naiwan ang iba sa sasakyan.

Madaming employees ang pinag titinginan kami ni chen kaya mas lalong binilisan nalang namin ang paglalakad.

Nagtungo kami ng 16th floor kung saan ang meeting room.

"Good Afternoon Mrs. Cindy, you have an appointment with Ma'am kate right?" Nakangiting bungad ng isang babae na formal ang suot siguro ay secretary ito ni kate.

"Yes, nandito na ba sya?" I asked.

"Yes Ma'am, but she's still in the meeting with her employees" turo nya sa isang room kung nasan si kate, salamin ito kaya kitang kita ang mga tao sa loob "pero pwede ko naman pong sabihin na nandito na kayo" she said again

"No, we can wait" pigil ko dito mukang importante kasi ang pinag uusapan nila sa loob.

Nakatayo si kate kaya kitang kita ko sya mula dito sa pwesto namin.

At parang kinabahan ako dahil sa itsura nya ngayon, para syang galit at parang pinapagalitan nya yung mga tao na nasa loob. Ngayon ko lang sya nakitang ganto dahil never kopa syang nakitang nagalit noon kahit hindi ko nadidinig ang pinag uusapan nila halata naman kasi sa ekpresyon ng muka nya.

Ano kayang nangyari?

Pero napatigil ako sa pag iisip ng mapatingin ito sa gawi ko. May sinabi pa sya sa mga tao sa loob bago nagmamadaling magsitayuan  at lumabas na ang mga ito.

Para silang init na init dahil mga pawisan itong lumabas ng meeting room kahit aircon naman dito, dahil siguro sa takot kay kate naawa tuloy ako sa kanila.

"Cinds ikaw nalang kaya ang pumasok sa loob, dito nalang ako" mel said na ipinag taka ko.

"Bakit naman?" Tumingin pa sya sa kung nasaan si kate.

"Nakakatakot sya eh" she said natawa nalang ako.

"Ma'am Cindy pasok napo kayo" sabi ng secretary at pinag buksan kami ng pinto.

Bumungad samin si kate sa isang mahabang table at nakaupo sa center.

"Betty Call the others" kate said naparang ikinataranta pa ng secretary nya.

My Teacher is My BodyguardWhere stories live. Discover now