Chapter:54

2.8K 71 2
                                    

"I can't believe I'm back here again" I said to myself ng makababa kami ni kate ng sasakyan.

Nothing's changed, and it looks like she really takes good care of this house, kaya nakapagtataka lang kung bakit nya pinabayaan yung bahay nya sa manila.

"Let's go inside" kate said napansin kong bitbit nadin pala nung mga maids yung gamit namin.

"Is there anything I can help you with?" I asked when we entered to her house, baka kasi may dapat ng ayusin para sa photoshoot.

"Nah just relax for a while, wala padin yung mga gamit na kailangan natin for the photoshoot I hope makapunta sila ng mas maaga dito" she said na ikinatango ko nalang

Pano ko makakapag relax nito kung ramdam ko yung presensya nya at kaming dalawa lang ang nandito.

Saan naba kasi nagpunta yung mga maids at mga nag laho bigla.

Wala padin yung mga staff ni kate pati nadin ang mga models at kaming dalawa lang ang nauna dito.

We're both sitting on the same couch at walang nag sasalita saming dalawa, parang gusto konalang maglaho bigla dahil hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko or pano ko kikilos kung alam kong katabi ko lang sya.

"We haven't eaten anything, what do you want to cook?" Pagbasag nya sa katahimikan at ngayon ay nakatingin na sya sakin.

Ako talaga ang pag lulutuin nya? "Do you want me to cook?" Turo ko pa sa sarili ko, may mga maids naman sya ah. Gusto ata talaga nya kong pahirapan.

"Yeah, so what do you say, Cindy? Do you have the perfect recipe for two?" She asked with a wide smile on her lips.

Pano konaman sya matatanggihan diba kung ganyan kaganda ang ngiti nya.

"Okay fine" I said sabay tayo, mas okay nadin to para sa iba nakatuon ang atensyon ko at hindi sa kanya.

"Faster please, I'm hungry" pahabol pa nya bago ko mag tungo sa kitchen nya.

Wala padin syang pinagbago, napaka bossy padin hanggang ngayon, but I like it anyway.

Pork adobo nalang ang balak kong iluto dahil ayun lang naman ang madali at isa pa para mas mabilis dahil nagugutom na daw yung isa.

I knotted my hair first, and then I put the apron on.

Hindi ko akalain na mangyayari ulit ito, yung ipagluluto ko sya.

I am still delighted and content that I can be with her, even for a brief period of time, despite the fact that my situation is so difficult right now because she already has Mia and I know she loves her.

kaya wala akong sasayangin na kahit isang segundo para lang hindi maiparamdam ulit sakanya kung gaano ko sya kamahal. we never know kung hanggang kailan ko nalang sya makakasama ng ganito.

but no matter how long it takes and no matter how painful it is, hihintayin ko sya mapasakin lang syang muli, dahil hanggang ngayon ay umaasa padin ako na kahit katiting lang sa puso nya ay may natitira padin syang pagmamahal para sakin.

I have experienced a lot of hardship in my life, kahit kay liam ay lumaban ako para lang makasama ko syang muli kahit huli na, ngayon paba ko susuko? Kung kailan kasama kona ulit sya.

Alam kong madami akong pagkukulang sakanya dahil wala ako nung mga panahong kailangang kailangan nya ako.

And I'm so angry with myself for abandoning her and nearly ruining her life. Habang buhay kong pagsisisihan yun.

I'm such a fool for letting others control my life and neglecting my own happiness.

Pero wala nakong magagawa hindi ko naman kayang ibalik ang mga oras at panahon para lang itama ang pagkakamali ko.

My Teacher is My BodyguardWhere stories live. Discover now