Chapter: 29

4.6K 107 13
                                    

Cindy Pov

Maaga akong nagising dahil gusto kong ipagluto si Kate ng breakfast ayaw ngang pumayag ni manang dahil sya na daw ang magluluto nakakahiya na daw sakin.

Pero mapilit ako kaya wala ng nagawa si Manang tinutulugan nalang nya ulit ako na ayusin yung mga gamit na tapos ko ng gamitin sa pagluluto

8:00 am palang at tulog pa si Kate napagod siguro sa ginawa namin kagabi anong oras na din kaming nakatulog at paniguradong sumakit din ang katawan nun.

Bigla naman akong namula ng maalala ko yung nangyari kagabi yung pagkakayakap nya sakin habang nakakandong ako sa lap nya.

At yung sinabi nya na "Stop moving or.... I'll kiss you" kaya ayun na tuluyan na.

Bakit ba kasi nagpatianod lang ako sa mga ginagawa nya sakin kagabi siguro gusto ko din kaya hindi nako nag protesta pa.

Tagal na kaya nung huling beses nakapag swimming ako. Kala nyo kung ano na nangyari no!?

Hinila Kasi ko ni Kate kagabi papuntang pool kaya wala nakong nagawa, nagkarera din kami kahapon ng pabilisang lumangoy kaya alam kong sumakit katawan nun ako din naman eh at kahit anong gawin ko Hindi ako manalo nalo sakanya kaya 1:00am na kami nakatulog.

Kate Pov

Kinapa kapa ko yung katabi ko pero wala akong makapa

Ayy nilayasan nanaman ako habang natutulog, lagi nalang ako iniiwan ng tulog.

Antok pako at ang sakit din ng katawan ko kasalanan ko din naman to ako nag ayang mag swimming kagabi kaya magtiis ka.

Dinilat ko yung mata ko at tama nga ako wala na akong katabi kumot at unan nalang nya ang nakita ko.

Kinuha ko yung phone ko sa gilid ng Kama ko na nakapatong sa table.

Kanina pa kasi ito tunog ng tunog naiwan ko atang bukas yung wifi.

Pag bukas ko ng phone ko puro notif ang lumalabas at mga message din sa messenger.

Kung sinusuwerte ka nga naman nakalimutan palang i-log out ni Cindy yung account nya sa phone ko dahil nakatulugan nya kahapon.

Natatawang napailing nalang ako

Kaya naman pala abot ng tunog tong cellphone ko eh puro friend requests at mga message ng mga kaibigan nya ang dahilan at may mga message requests pa.

Dina ako magtataka kung ganyan kadami yung nag sesend ng friend or message requests sa kanya ganda ba naman ni Cindy nayan.

Sino kaya yung mga ka chat nya, may nanliligaw kaya sa kanya parang gusto kong tignan hehe!

Bawal mag basa ng chat ng iba!

Hindi ko naman babasahin titingnan ko lang kung sino mga nakakachat nya

Kahit na message mo bayan?!

Ayyy!! Napindot sorry diko sinasadya!

Napindot o pinindot?

Napindot nga!!! Manahimik kana nga dyan!!!

Para tuloy akong tanga dahil nakikipag talo ako sa utak ko.

Pinag patuloy ko lang yung pag i-scroll ko Ng mga pangalan ng mga nakakachat nya.

Puro mga friends and family lang Naman yung nakita ko tska yung Christ psh!!!

Bubuksan Koba? Tanong ko sa sarili ko dahil na curious ako Kung ano ba pinag uusapan nila ni christ baka pinopormahan nya na si Cindy maunahan pa ako!

What?!!!

My Teacher is My BodyguardWhere stories live. Discover now