CHAPTER: 59

2.9K 59 1
                                    

Cindy Pov

Isang linggo na ang nakakaraan simula noong engagement party namin ni kate.

At sya naman ay balik trabaho nanaman halos wala nanga kaming oras para sa isa't isa dahil lagi nanaman syang busy.

Samantalang ako eto nakatunganga lang sa bahay since sa amsterdam ang work ko ay nakikibalita nalang ako sa mga nangyayari dun at minsan ay nag papameeting din ako kahit malayo ako sa kanila through online.

Hindi nadin kami nakakabalik pa sa Tagaytay na dapat dun kami mag i-stay pero dahil nga hindi maiwanan ni kate ang trabaho nya, dito daw muna kami kahit ilang buwan lang.

"Cindy Iha, may naghahanap sayo" napakunot noo naman ako kay manang, sino naman ang mag hahanap sakin.

"Sino daw po manang?" Tanong ko dito.

"Ayaw sabihin ang pangalan iha eh, gusto ka daw nyang makausap, baka kakilala mo naman kasi pamilyar din sa akin ang muka nya, Nasa sala sya iha"  sabi ni manang at tumango naman ako bilang sagot.

Nagtungo naman ako agad sa sala.

Natanaw ko agad ang isang pamilyar na pigura ng matangkad na babae na nakatalikod sa akin.

Naramdaman nya ata ang presensya ko kaya dahan dahan itong humarap sa akin.

"M-mia" ang tanging nasabi ko nalang ng makita ko ang muka nya.

"Cindy, can we talk?......... Please" Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Ready naba ko na makausap sya? Pero may gagawa paba ko kung nandito na sya ngayon sa harapan ko.

"Okay, have a seat."  I said umupo ako sa katapat nya and I swear this is the most awkward moment that happens in my life

"Thanks" she said na halata din ang hindi pagka komportable.

I wonder kung minessage ba ulit sya ni kate para papuntahin dito.

"I don't know what to say to you Cindy" pag uumpisa nya. Me too.

"But I'm here para humingi ng tawad sayo" at ngayon ay naluluha na ito.

"I'm sorry for what I did to you, at deserve ko yung galit na nararamdaman mo para sakin at tatanggapin ko kung hindi mona ko mapapatawid muli kahit masakit sakin na hindi na tayo tulad ng dati at dahil yun sa kagagawan ko. Alam kong kasalanan ko lahat..... I'm sorry Cindy"  patuloy sya sa pag iyak at ramdam kong sincere sya sa lahat ng sinabi nya.

And now! parang mas nangibabaw yung pagmamahal ko sakanya bilang isang kapatid at nag laho bigla ang galit.

Maybe tama si sharnie, lahat naman ng tao deserve ang second chance at importante din sa akin si Mia at alam kong ayun ang makapag papasaya sa aming magkakaibigan kapag naayos na ang lahat at magkasamasama kaming muli.

Naramdaman ko ang pag lapit nya sa akin at tumabi sa couch na inuupuan ko

"I'm sorry for being such a fool. I shouldn't have hurt you . But I want you to know that I miss you so much cindy, I miss my sister. I miss the old us and I miss all of our friends, but now I lost them specially you........."

"Stop being dramatic mia, come here" at sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

Pero parang nanigas ito dahil sa ginawa ko kaya napatingin ako sa kanya at nakita konalang na nakanganga ito at hindi makapag salita.

"P-pinapatawad mo na ako? Hindi kana g-galit sa a-akin?" She said habang naiiyak nanaman kaya hindi ko mapigilang hindi mapatawa first time ko syang makitang umiyak at para pala syang bata.

My Teacher is My BodyguardWhere stories live. Discover now