CHAPTER: 31

3.9K 98 9
                                    

Cindy Pov

Napag pasyahan kong doon nalang ako sa office ni Kate pumunta at doon ko nalang din sya hihintayin dahil sabi nya kanina sabay daw kaming uuwi, papakuha ko nalang siguro kay manong yung car ko.

Bigla ko naman na alala ano kaya yung punishment ko kay Kate, bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba papahirapan nya kaya ako? or isusumbong kay dad? Wag naman sana.

Ayy Basta!!! Galit nga pala ako sa kanya dahil ang lapit nya kanina kay Alliyah.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa office nya.

Pumasok na ako buti nalang at hindi nya nilalock ito

As soon as I walked into her office, I could immediately detect the pleasant aroma of vanilla. This scent is one that I adore.

Naglibot libot muna ako dito sa loob at wala akong ibang nakita kundi puro libro about sa subject nya, wala manlang ba syang fiction books or any books na walang kinalaman sa school.

Nang mapagod ako sa kakalibot at sumakit ang ulo ko dahil sa mga librong nakikita ko ay naisipan kong umupo sa swivel chair nya.

Napadako yung tingin ko sa drawer nya. Wala naman sigurong masama kung bubuksan ko to diba?

Curious lang naman ako kung ano meron dito hahahaha.

Dahan dahan kong binuksan yung drawer nya at puro important paper lang ang nakita ko.

Pero sa pinaka ilalim ay naagaw ng pansin ko yung isang notebook kaya kinuha ko ito.

Pagbuklat ko ay bumungad sakin ang isang  picture.

Picture naming dalawa nung papunta kaming tagaytay napangiti ako dahil ito ang kauna unahang picture naming dalawa na magkasama.

I kept all the pictures na ginamit nya sakin nung sinurprise nya ako at yung picture naming dalawa ang pinaka favorite ko.

Kaya nga dinisplay kopa yun sa kwarto ko para kahit hindi kami magkasama minsan ay nakikita ko padin sya.

Tinitigan ko yung picture namin at napangiti ako bagay kaming dalawa, at yung ngiti ko dito yung ngiting matagal konang hindi nararanasan.

Napansin kong parang may nakasulat sa likod kaya binasa ko ito.

"I have completely fallen for you, everything you do, everything you say, everything you are. You're my first thought in the morning, you're my last thought before I fall asleep, and you're almost every thought in between. And I want to spend the rest of my life with you..."

I will always be waiting for you.
Love, Kate

Yung ngiti ko kanina ay kusa nanamang bumabalik pagkatapos kong mabasa ang nakasulat

"To be honest, I can't imagine my life without you anymore. You are part of my life daily routine, a day feels so incomplete if I don't get to talk to you. My every emotion starts and ends with you. You've really changed me and my life a lot, and don't want to ever lose you. I love you Kate"

I said habang tinitingnan ang picture, binalik kona ito sa loob ng drawer at tumayo na para lumipat sa couch

Ilang minuto lang na paghihintay ko sa office nya ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kate.

Pero hindi ako nito napansin dahil nakatuon ito sa phone nya.

Napakunot naman yung noo ko ng mapansin kong nakasunod pala si Alliyah sa kanya.

Fuck that girl!!! Hindi ba nya talaga titigilan yung Mahal ko.

"Ow! Hi Cindy you're here, and what are you doing here anyway" Tanong ni Alliyah nagulat Naman si Kate na nandito pala ako.

My Teacher is My BodyguardWhere stories live. Discover now