The Truth!

3.7K 122 19
                                    

Cindy Pov

We're currently heading to a restaurant. I ride with Pim because I don't have the energy to drive.

Hindi ko alam kung saan kaming restaurant pupunta sila lang ang nakakaalam dahil doon daw kasi sila kumain nung pagdating nila dito sa Pinas, pero si Rubini lang ang nakakatanda kung saan yun, kaya si Rubini ang sinusundan namin.

Ilang minuto din ang tinagal ng byahe at nakarating din kami

Nag park na kami sa katabing sasakyan ni Rubini at bumaba na.

"Cru Steak House Restaurant" basa ko sa isip ko ng makita ko ang name ng restaurant at pumasok na nga kami sa loob.

"Good Evening po" bati samin ng guard nung binuksan nya yung pinto

May kinausap si Rubini na isang waitress.

"This way Ma'am" Sabi ng kausap ni Rubini na waitress kaya sumunod kami.

Nag iwan lang ito Ng menu at umalis na.

Katabi ko si Pim katapat naman namin si Jach and Jess while si Rubini ay sa center

Nang makapili na kami ng oorderin namin ay tinawag na ni Rubini yung waiter.

Expected Kona na hindi bonding ang mangyayari samin ngayon dahil kapag gantong dinner lang parang may sari sarili kaming mundo.

Kami lagi ni Pim ang mag kausap kapag ganto, si Jach at Jess naman ay ganun din habang si Rubini naman laging phone ang hawak sasabat lang sya kung kailan nya maisipan.

Pero kapag naman nasa bar kami iisa lang mundo namin and no phone!

"Hey guys! Nabasa nyo ba yung email nung secretary ni Ma'am Kate sa Siegel Fashion Clothes?" Panimula ni Jach

"Nope, ano bayun?" Tanong naman ni Pim.

"Sa Saturday na ang start natin at doon nadin ang start ng first photoshoot natin at may mga guest din" nakangiting sabi ni Jach.

"OMG!!! I'm so excited!!" Pim said ganun din si Jess na halatang excited din.

Pero si Rubini wala pading pakielam at nakatuon padin ito sa phone nya.

Sinerve nadin samin yung foods na inorder namin.

"Look Girls speaking of Ma'am Kate" Sabi ni Jess

"OMG!" Si Jach

Shit! Don't tell me na nandito sila Ma'am Kate at dito sila mag dedate?!

Nakaharap kasi sila Jach and Jess sa entrance kaya nakikita nila yung mga taong pumapasok habang kami ay nakatalikod dito kaya hindi ko alam kung lilingon ba ako o Hindi.

Napansin kong lumingon nadin si Pim para tingnan kung saan nakatingin sila Jach. Habang ako ay steady padin sa kinauupuan ko.

"Wait! Diba ayun yung bagong teacher kanina na inaway ni Cindy? Bakit kasama ni Ma'am Kate?" Jach said, wow! Salamat Jach ah Parang sinabi mo naman na napaka sama kong studyante...

Suddenly, Rubini's attention was diverted from the phone to Ma'am Kate's direction, at umayos pa talaga sya ng pagkakaupo.

Bigla naman akong napakunot ng noo dahil sa inakto nya.

Napansin kong kumakaway na sila Jach and Jess, fuck! They probably did that to get Ma'am Kate's attention.

Pahamak talaga tong dalawa nato, sarap pag untugin!

Mukha namang nagtagumpay sila dahil ang lawak na ng mga ngiti ng mga mokong!

Wala na akong nagawa kundi lingunin sila at nakita ko nalang na papalapit na sila sa table namin.

My Teacher is My BodyguardWhere stories live. Discover now