CHAPTER:27

3.8K 111 0
                                    

Cindy's Pov

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng lumabas ako ng hospital at ngayon ay friday na at nasa school naisipan ko munang tumambay sa library since maaga pa naman.

Isang linggo ko nadin palang hindi nakikita si Ma'am Kate, last na kita ko sa kanya nung lumabas ako ng hospital dahil sya ang nag sundo sa akin, Yup! sinundo nya ko.

kahit nandun naman sila mom and dad ay kay Ma'am Kate nila ko pinasabay hindi ko nga alam kung bakit pinag tutulukan nila ko nun na kay Ma'am Kate ako sumabay eh Psh!....

Sows! kunwari kapa gusto mo din naman.....

Sabat ng utak ko, syempre sino ba namang aayaw kung yung taong mahal mo ang maghahatid sayo diba, enebe!

Tsk! na hospital lang humarot kana...

SHUT UP MIND!

Flashback

"Anak tapos naba lahat ng gamit mo?" Tanong ni Mommy pagkapasok nya sa hospital room ko.

"Yess Mommy, tara na po"

"Ayy anak hindi ka namin mahahatid ng daddy mo eh, pupunta pa kasi kami sa office ng dad mo kailangan sya ngayon dun, pero wag kang mag alala may maghahatid sayo" nakangiting sabi ni Mommy na ipinagtaka ko.

biglang bumukas ang pinto at iniluwa si daddy.

"O anak ready kana ba? baka naiinip na sayo yung nag iintay sayo sa labas" dad said

Magsasalita pa sana ako ng may pumasok nanaman sa pinto. parang napunta lahat ng atensyon ko sa napaka gandang babae na pumasok at nakakatitig lang sa kanya.

"It's okay tito kung si Cindy naman po ang iintayin ko kahit gano pa katagal I'm willing to wait" Parang may kahulugan yung sinabi nya at kung pano sya tumitig sa akin ngayon.

Naramdaman ko din ang pag init ng pisngi ko. Teka hindi pa ata ako okay parang kailangan ko pang manatili dito.

Gaga! kinikilig kalang lantod nito!

Sabat nanaman ng utak ko, Haysss! panira ka talaga mind

"Hey" Natauhan naman ako dahil iginawayway  ni Ma'am Kate yung kamay nya sa harap ko.

"Kung makatitig ka parang miss na miss moko ah, ni hindi mo nga namalayan na umalis na sila tito at tita" natatawang sabi pa nito 

Oo nga no wala na sila mommy sobra pala yung titig ko sakanya kanina haysss... Nakakahiya ka Cindy

"So tara na?" Tanong nito tumango lang ako sa kanya at kinuha yung bag ko na nakapatong sa kama

Nagulat nalang ako ng inilahad nya yung kamay nya.

"What?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, hindi na sya sumagot pa at kinuha yung bag na daladala ko habang yung isang kamay nya ay hinawakan yung kamay ko ng pa holding hands at hinila na ako palabas ng kwarto.

Fuck!!! lalo akong naiinlove sa babae nato eh, napaka gentlewoman at may kasama pang holding hands while walking!

Nababaliw na ata ako kailangan ko nang mag pacheck up sa psychiatrist epekto ata to ng pagkaka aksidente ko.

"Baka gusto mo namang bitawan yung kamay ko at pumasok na sa kotse?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nya.

Doon ko lang na pansin na nasa tapat na pala kami ng kotse nya at nakabukas nadin yung pinto sa passenger seat at ako nalang ang iniintay.

natatawa nanaman itong nakatingin sa akin, Cindy ano ba! kanina kapa tatanga tanga! nakakahiya ang higpit panaman ng pagkakahawak ko sa kamay nya kanina.

My Teacher is My BodyguardWhere stories live. Discover now