CHAPTER: 34

2.8K 71 7
                                    

Cindy Pov

I'm currently in my room, getting ready for an overnight stay at Mia's house later.

It's already 3:00pm at 6:00pm pa naman ang call time, pero ang mas nasa isip ko ngayon ay yung magaling kong girlfriend na wala pading message sa akin hanggang ngayon.

At kahit isang Good Morning lang na galing sa kanya ay wala akong natanggap.

Sinubukan kona din syang tawagan pero wala hindi nya sinasagot!

Haysssss!!!!! Ano ba ginagawa nun at nakalimutan na ako!!!

Sa sobrang inis ko ay naibalibag ko yung mga damit na tiniklop ko.

Ano ba kasing ginagawa nya? Ganun naba talaga sya ka busy para hindi ako maisingit ng kahit kunti lang sa oras nya?

Bakit hindi mo nalang sya puntahan seka ngumawa ka dyan!

May point kanaman mind! Oo nga no bakit hindi ko nalang sya puntahan mamaya bago ko pumunta kila Mia.

3:00pm palang naman makakasama ko pa sya ng matagal tagal.

Pangiti ngiti kong binilisan na ang pagtitiklop at gumayak na.

Since nakaligo na ako ay nagbihis nalang ako, I only wore denim shorts and a fitting white croptop that revealed a small portion of my flat stomach.

"Perfect!" Sinuot ko na yung white rubber shoes ko at bumaba na dala ang mga gamit ko dahil 4 o'clock nadin ako natapos sa pag aayos.

Pupuntahan ko pa yung My Loves ko.

Habang pababa ako ng hagdan ay nadinig kong parang may kausap si Manang.

"O Ayan napala sya, sige na't maiwan kona kayo ha" Ngumiti naman si Rubini bilang  sagot.

"What are you doing here" I asked habang nakacross arms pa sya sa pintuan.

"Duhh! Edi sasabay sayo" she answered sabay irap.

"Sasabay? Eh may car ka diba" turo ko sa sasakyan nyang naka park sa labas ng bahay.

"Tska hindi ka pwedeng sumabay sakin dadaanan kopa si Kate, ayaw mo naman sigurong maging third wheel diba?" I said ng natatawa.

"It's okay, mas importante sakin yung gasolina ko kaya para mas tipid kotse mo nalang gamitin natin" she said habang ang lawak ng ngiti.

So ayun naman pala.... makikisabay sakin dahil nagtitipid sa gasolina.

Ito talagang babaeng to napakayaman pero walang pang gasolina kahit kailan talaga kuripot!

"Tsk! Bahala ka" I said at lumabas na ng bahay para ilagay sa compartment yung bag ko.

"Thanks cous, ipagdadrive nakita" she said na ikinalingon ko.

"No thanks wala kang lisensya" I said habang pinapasok na yung gamit ko sa loob ng kotse.

"Cous naman eh I want to drive kasi" pagmumuryot nya

"Kung gusto mo palang mag drive bakit hindi nalang kotse mo gamitin mo?" I said to her na ikinabusangot nya lalo.

"Pleaseeeeeeee" at nag papacute pa talaga sakin, tsk! Parang Bata.

"Fine! Here's the key" at hinagis sakanya yung susi ng kotse ko at tuwang tuwa naman nyang sinalo ito.

Pumasok nako ng passenger seat at sumunod naman sya.

My Teacher is My BodyguardWhere stories live. Discover now