Chapter:18

3.4K 116 13
                                    

Kate Pov

After naming pumunta sa gym we decided na mag stay muna kami dito sa office ko since wala naman na kaming klase ni Monika.

"Bakit hindi mo pa tanggapin yung alok ni Mr. Tsai and Ms. Siranya?" Tanong sakin ni Monika pag kapasok na pagkapasok namin sa office.

Napabuntong Hininga muna ko bago sya sagutin "Hindi pa ngayon, tska Hindi pa sila nag i-start sakin bago palang sila at hindi ko din alam kung papayag sila dahil may responsibilidad din sila dito sa school"

"Ask them first Kate, tska hindi na sila baguhan lalo na si Cindy and her friends, you don't trust them?" Tanong sakin ni Monika.

Sinamaan ko naman to ng tingin dahilan para sya ay mapangiwi.

"Fine, but I will ask first Tito Henry about dun" bigla naman syang napangiti dahil sa sinabi ko.

Btw, Mr. Tsai and Ms. Siranya ay isang sikat na may ari ng modeling agency at katulad ko may ari din sila ng isang sikat na clothing line

And gusto nyang makipag negotiate sakin and sa mga models ko para sa kanilang fashion show sa ibang bansa mga 3 months silang mag i-stay dun. Kaya gusto ko muna tanungin si Tito henry and syempre sila Cindy dahil maaapektuhan ang kanilang pag aaral.

...............................................

It's already 2pm and still nandito padin kami sa office tinatapos ko na yung gawain dito sa school dahil bukas ay busy ulit ako sa studio, bukas na magsisimula yung first photoshoot.

Si Monika naman ay nakaupo sa couch habang kumakain ng popcorn at ako ang pinapanuod nakakailang na nga eh, pwede naman syang manuod ng TV.

"Why you're so gorgeous?" Biglang tanong nito.

Una ay hindi ko sya pinansin at kunwaring walang nadinig.

"Hey! I'm asking you" natawa nalang ako sa kanya, I know she's bored at nagpapapansin sya. Hindi parin sya nagbabago.

"Why are you laughing huh?" She asked again.

Niligpit ko muna Yung mga gamit ko bago tumingin sa kanya.

"Nothing, let's go?" Nakangiting sabi ko sa kanya

Agad agad naman syang tumayo sa couch at lumabas na kami ng office ko.

Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalalakad ay naramdaman ko yung kamay nya sa kamay ko.

"Kate?" Napalingon naman ako sa kanya dahil sa pagkakatawag nya sa akin

"Hmmm?" Tipid na tanong ko sa kanya

"I love you" she said na makikita mo ang sinseridad sa kanyang mukha.

Napangiti nalang ako sa kanyang sinabi

"I love you too Monika" at hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at napagkasunduan namin na iwan nalang yung kotse nya dito at ako na bahala mag pahatid sa bahay nila para maihatid ko sya.

Sinabi nya sakin yung condo kung san sya nakatira at sinimulan ko ng paandarin yung kotse ko.

Ilang minuto lang pala ang byahe mula school hanggang dito. Pinark ko na yung kotse ko sa parking lot ng condo at bumaba na kami.

Habang hinihintay naming mag bukas ang elevator ay may nadinig akong mga pamilyar na boses ng mga babae na papalapit sa gawi namin.

"Girls let's go to the bar tommorow after ng photoshoot natin" dinig kong Sabi ng isang babaeng pamilyar ang boses sa likod ko kaya lumingon ako at ganun din si Monika.

My Teacher is My BodyguardWhere stories live. Discover now