Chapter 22: I Love You Cindy

3.6K 117 0
                                    

Rubini Pov

Kringggg... Kringggg... Kringggg...

My phone rang, causing me to awaken. It was three in the morning when I looked at the time. Who is calling me in so early?

Kinuha ko yung phone ko at tiningnan kung sino yung tumatawag, agad ko naman itong sinagot ng makita ko yung pangalan ni Cindy sa screen ng phone ko.

"Hey!" Sabi ko pagkasagot sa phone ko.

"Rubini I'm sorry" nagulat ako dahil hindi si Cindy ang kausap ko.

"Sino to? Where's Cindy?" Tanong ko dito at parang umiiyak yung kausap ko sa kabilang linya.

"Si Christ to, I'm sorry Rubini hindi ko natupad yung sinabi ko sayo" Christ said bigla naman akong kinabahan.

"Nasan kaba? Ano bang nangyari? At nasan si Cindy?" Sunod sunod na tanong ko  dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko.

"Pumunta kana lang ngayon dito sa hospital itetext ko sayo kung saan ah"

"What?! Hospital?! Ano ba kasing nangyari?" I said. Fuck! Bakit sila nasa hospital!

"Basta pumunta kana lang dito mamaya ko nalang ipapaliwanag" Sabi nito at agad ko ng inend yung call at tumayo ng kama hindi nadin ako nagpalit pa dahil nasa isip ko ngayon ay si Cindy

Pumunta ko sa unit nila Pim, Jach and Jess hinila kona sila para mabilis kahit nag tataka sila at mga antok na antok pa ay sumunod naman na sila.

"San ba tayo pupunta at madaling madali ka?" Tanong ni Pim nang makasakay na kami sa sasakyan ko.

"Sa hospital" sagot ko

"Ha?!! Sino nasa hospital?!" Sabay sabay na tanong nila.

"Si Cindy kasama si Christ" Sabi ko at binilisan pa lalo ang pag dadrive

"Oh my God!!! Anong nangyari? Okay Lang ba sya? Atska sino si Christ?" Sunod sunod na tanong ni Jess

"Hindi ko din alam ang nangyari malalaman natin kapag nandun na tayo" napansin kong hindi na sila mapakale.

"Sana okay lang si Cindy" Jach said, Sana nga.

Nang pagkadating namin sa hospital ay pumunta na agad kami sa room na tinext ni Christ.

Kumatok muna ko sa room bago pumasok and I saw Christ na nakahiga at may sugat at gasgas sa mga braso at muka, kinakausap sya ng doctor pero wala si Cindy.

"Doc sya po yung cousin ni Cindy" Christ said lumapit naman sakin yung doctor

"Pwede koba kayo makausap?" Tanong nung doctor sakin tumango ako bilang sagot, lumabas kami ng room para makapag usap Ng maayos.

"Doc ano poba nangyari sa pinsan ko at nasan po sya?" Tanong ko dito ng kinakabahan.

"Nabangga yung sinasakyan nilang sasakyan at yung pinsan mo yung nagdadrive and I think dahil siguro sa kalasingan nila kaya sila naaksidente at ang Sabi din ng kasama nya ay Hindi daw naka seatbelt yung pinsan mo kaya mas malala Ang nangyari sa kanya, sa ngayon nasa ICU muna sya dahil simula nung dinala sya dito ay hindi pa sya nagigising at tinitingnan pa din namin ang lagay nya, maiwan ko muna kayo" sa sinabi ng doctor ay bigla akong nanghina tumulo nadin yung luha ko, bumalik ako sa room ni Christ na tulala.

"Rubini what happened?" Jach asked napa upo nalang ako sa couch at humagulgol na ng iyak, siguro kung sumama ako sa kanila Hindi nangyari to, siguro Wala ngayon sa ICU yung pinsan ko.

My Teacher is My BodyguardWhere stories live. Discover now