Chapter 19: PHOTOSHOOT

4.1K 103 11
                                    

Cindy Pov

Maaga akong gumising ngayon dahil pupunta pa ako sa unit ni Rubini gusto nya daw akong kasabay and it's already 6:00AM palang pero nakaayos nako medyo malayo din kasi unit nya dito.

Nakita ko naman si Ma'am Kate na tulog na tulog pa hindi kona din sya gigisingin para mag paalam pa.

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto nya para di sya magising, nang makalabas na ako ay bumaba na ako at lumabas na ng bahay nya.

Sumakay nako ng kotse ko at pinaandar ito, btw sa likod ng bahay nya ako nag park Ng sasakyan kahapon kaya Hindi nya siguro napansin na nandito na ako nung umuwi sya kagabi.

30 minutes din ang tinagal ko sa byahe bago marating yung unit ni Rubini actually dito din unit nila Pim magkakatabi Lang sila pero si Rubini muna pupuntahan ko.

Pinark kona yung kotse ko sa parking lot ng condo at bumaba na.

Pagkapasok ko sa loob ay may mga bumabati sakin at ngumingiti naman ako sa sakanila bilang ganti.

Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang 16th floor

Maya maya pa ay bigla ng bumukas yung elevator na sinasakyan ko kaya agad na akong lumabas.

Nakita ko naman agad yung unit ni Rubini kaya nag doorbell na ako.

Nagtaka naman ako bigla dahil dahan dahan pa nyang binuksan yung pinto at dinungaw Lang nya ng kaunti yung muka nya sabay tingin sa paligid na parang tinitingnan Kung may Tao ba.

Ano ba? Para namang may gustong pumatay sa pinsan ko sa ikinikilos nya ngayon.

Nang Makita nyang walang Tao ay Dali dali nya kong hinitak papasok ng condo unit nya

"Ano ba nangyayari sayo?" Takang tanong ko sa kanya ng makapasok kami sa loob ng unit nya.

"Ah eh Kasi...... Wala" Sabi nito at pumunta sa kusina

"Kumain kana ba?" tanong nito kala nya siguro malulusutan nya ko, sumunod ako sa kanya sa kusina

"Bakit nga?" Tanong ko ulit dito nang nakataas na ang isang kilay

"Sa reaksyon mo kanina para Kang may pinag tataguan" Pahabol ko dito at umupo sa mini bar nya.

"Kanina kasi ano....." Hindi nya maituloy tuloy yung sasabihin nya.

"Ano?" Inis na tanong ko sa kanya

"Ano... Nandyan sa ano sa harap ng unit ko si Ma'am Monika kanina pero diko pinagbuksan" bigla naman akong natawa

"Bakit nandito si Ma'am Monika?" Takang tanong ko.

"Dyan lang sa kabilang unit sya nakatira" Sabi nito.

"Ah okay, so pano nya nalaman na dito kadin nakatira?" I asked again

"Nakita nya kami kahapon nila Jach kasama nya si Ma'am Kate hinatid nya si Ma'am Monika" bigla naman lumungkot yung muka nito sa Hindi ko malamang dahilan, kaya pala ginabi si Ma'am Kate dahil hinatid nya pa si Ma'am Monika.

"So bakit Hindi mo pinagbuksan?" Natatawa nanamang tanong ko

"Ah eh kasi Hindi ako komportable kapag kaharap sya" nauutal nanamang Sabi nito

Tumingin naman ako sa kanya ng makahulugan.

"Do you remember your ex? What is her name again?" Natatawang tanong ko sakanya.

My Teacher is My BodyguardWhere stories live. Discover now