Chapter:30

3.6K 101 9
                                    

Cindy Pov

Kringgggg.... Kringgggg.... Kringgggg....

Shit! Bakit ang bilis naman tumunog ng alarm ko eh kakatulog ko palang.

Pikit mata kong pinatay yung alarm na nakalagay sa table sa gilid ng kama ko.

Kinapa kapa ko yung katabi ko pero wala na ito baka pumasok na.

2AM na kami nauwi kagabi, I mean kaninang madaling araw from tagaytay

And ngayon 6:00am palang at kailangan ko nang bumangon dahil may pasok.

Si Kate naman hindi ko alam kung natulog pa sya dahil paniguradong  5am palang gising na sya dahil kailangang maaga sya sa school.

Halos wala syang pahinga dahil sya ang nagdrive at ang aga pa nya nagising ngayon haysss.

Hindi nadin nya siguro ako ginising para makapag paalam dahil alam nun na antok na antok ako.

Nang lingunin ko yung side table ko may napansin akong nakadikit na sticky note sa alarm clock ko, hindi ko kasi napansin to kanina dahil sa antok.

Nakangiting kinuha ko yung sticky note, mukang alam kona kung sino naglagay nito dito.

"Malamang sya lang naman kasama mo sa kwarto alam mo namang kapitbahay mo naglagay nyan!" Shut up mind!

Hindi kona pinansin yung utak ko at nakangiting binasa to.

"Get up! Get up! An amazing day is about to begin. Have a nice day My Love. Good Morning ;)"

As I read what Kate had written on the sticky note, I could hear her voice in my head., ganto ba talaga kapag inlove kenekeleg ako lalo na sa sinabi nya na "My Love"

Shit! I'm eager to see her. I buried my face in the pillow and tramped my feet in my bed as a result of feeling thrilled. Wala kayong pake kung muka kong tanga basta kinikilig ako.

"Cindy iha! Gising kana ba?" Dinig kong tawag ni Manang sa labas ng kwarto ko at sabay bukas ng pinto para silipin ako.

I abruptly stood up and sat upright in bed, acting as if nothing had happened.

"Yes Manang" Ngiting ngiti na sabi ko.

Si Manang naman ay halatang nagtataka na sa itsura ko ngayon

Sino banaman kasi ang hindi magtataka eh kapag umagang ganto kadalasan naka pikit pa ang mata ko at tamad na tamad bumangon sa kama.

"Good, dahil binilin ka sakin ni Kate na gisingin daw kita baka dika bumangon" Natawa naman ako sa sinabi ni Manang alam kasi ni Kate na wala talaga kong balak pumasok ngayon eh hahahaha!

Pero bigla akong naexcite pumasok yay!

"Sunod nalang poko sa baba maliligo lang po ako" I said to Manang

"Bangon na Iha ah! Malelate ka 7 pasok mo" Sigaw pa ni Manang bago pa bumaba.

"Yes po!" Balik sigaw ko kay Manang habang kagat kagat ko yung kumot ko dahil diko na mapigilan ang ngiti ko.

Sinilip ko muna yung phone ko kung may message at meron nga from Kate.

Kaya eto nanaman yung muka ko diko na aalisin yung ngiti ko nato hanggang sa pag tulog ko ulit mamayang gabi.

 From: Ma'am Kate

Good Morning Gorgeous! You need to wake up na, I can't wait to see you, I'm at school now. I love you ❤️😘

My Teacher is My BodyguardWhere stories live. Discover now