Chapter: 55

2.8K 73 11
                                    

           Sometimes, second chances work out even better than the first because you learn from your mistake.

Cindy Pov

Good Morning Gorgeous!

         When I woke up I see you lying next to me, I can't help this feeling but can only smile. All days become good  because they start with you.

I can't focus on today, still thinking  about last night ;)

Anyway the team is already here so I need to wake up early. See you sleeping beauty.

I smiled as I read the sticky note on the bedside table.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyari samin kagabi.

At aaminin ko masaya ako at alam kong ganun din sya.

Hindi kona naisip pa na meron na syang mia basta ang alam ko lang ay mahal ko sya at mahal nya din ako.

Bahala na kung anong mangyayari saming dalawa after nito basta ngayon i-eenjoy ko muna yung masasayang araw ko na kasama sya.

Tumayo ako ng kama at dumiretso na ng banyo para maligo.

Minadali ko nadin dahil nandun na daw yung mga staff ni kate at ayoko namang pa importante sa kanila at baka kanina padin sila nag iintay.

Palabas na ako ng kwarto ni kate ng biglang bumungad sa tapat ng pinto si Mel kaya nanlaki ang mata ko habang sya ay kunot ang noo.

"Mel" napansin kopa yung pagsilip nya ng kaunti sa loob ng kwarto kaya isinara ko na agad yung pinto.

"Maling kwarto yata napasukan mo" ngingiti ngiti na sabi nito na ikinakamot ko ng baba.

"Ha? Hindi ah, guest room yan" pag sisinungaling ko.

Pero lalo lang tong ngumiti sa akin ng mapang asar.

"Kakapunta ko lang sa guest room tinuro sakin ni manang dahil hinahanap kita pero gamit mo lang yung nandun, tabi kayong natulog no!" Usisa pa nito kahit kailan talaga yung babaeng to!

"Hindi no! May kinuha lang ako dito" kahit anong palusot ko ay hindi parin sya naniniwala sakin.

"Nakakapag taka lang dahil pareho kayong blooming ni kate ngayon" she said na parang may iniisip habang may pahawak hawak pa sya sa baba nya.

"Ano kayang ginawa nyo kagabi?" Sabay tingin nito sa akin ng mapang asar, kaya naramdaman ko yung pag init ng pisngi ko dahil bigla nanamang pumasok sa isip ko yung nangyari kagabi.

"Please Mel, wag kana lang maingay. pwede?" Pakiusap ko na ikinalaki nya ng mata.

"Finally, your name is not Virginia anymore, isa kana talagang BITCH!" Natatawa na sabi nito

"Please don't tell chen about this" I said to her

"Na ano? Na hindi kana virgin?" Napairap ako sa sinabi nito.

"Don't worry. I won't tell anyone" sincere na sabi niya kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

Busy na ang lahat ng makababa ako nandito nadin ang mga models except kay chen na hindi ko pa nakikita hanggang ngayon.

"Good Morning Ma'am Cindy"  bati sakin ng isang staff na ginantihan ko naman ng ngiti.

Hinanap ng paningin ko si kate pero hindi ko din sya matagpuan.

"Where's kate?"

"Ahh Ma'am nasa garden po kausap po si Ma'am Mia" yung ngiting nasa labi ko ay biglang bumagsak at parang nasira bigla ang araw ko.

My Teacher is My BodyguardWhere stories live. Discover now