CHAPTER TWO

141 1 0
                                    


"BAKIT mo ba pinipilit na magpakasal ang anak natin sa lalaking hindi naman niya mahal? Sa ginagawa mong iyan sinasaktan mo lang siya. Para mo na ring tinapakan ang pagkatao niya!"

Nagpupuyos sa galit ang boses ni Anna. Wala na siyang pakialam kung saktan siya ng asawa. Ang mahalaga'y maipagtanggol niya ang anak sa pagkakataong iyon.

"Wala akong pakialam. Ang desisyon ko ay desisyon ko!" hindi pa rin maawat si Mar sa balak niya.

"Maawa ka sa anak mo!"

Halos mapaiyak na siya para lamang pakinggan siya ng asawa. Pero para lang siyang nakikipag-usap sa batong hindi naman matitibag kahit anong gawin niyang pagpukol.

"Anak mo, Anna!" Sabay buga nito ng usok mula sa hinithit na sigarilyo. Lampasan lang rito ang mga sinasabi ng asawa. "Simula nang mamatay 'yang asawa mo, sinalo ko na kayo! Binuhay ko kayo ng anak mo! Gumising ka, Anna! Ito na ang pag-asa nating makaahon sa buhay!"

Napailing na lang si Anna sa matinding pagkadismaya sa mga tinuran ng asawa.

"Diyos ko, Mar! Ganyan na ba talaga kababa ang tingin mo kay Christina? Parang baka na puwede mong gatasan kung kailan mo gusto? Pati anak mo gagamitin mo sa sarili mong interes?"

"Alam ko kung ano ang ginagawa ko! Kaya pwede ba huwag mo nang pakialaman ang desisyon ko!" tumalikod na ito dahil sa nabibingi na ito sa ingay ni Anna.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Buhay ng anak ko ang pinag-uusapan natin dito. Buhay ng anak ko!" mataas na ang boses ni Anna at handa niyang ipaglaban ang anak.

"Ikaw ang magtatapon sa buhay ng anak mo!Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko? Ginagawa ko lahat ng ito para sa kanya!"

"Ginagawa mo ito para sa sarili mo, Mar!"

Lumapat ang matigas na kamay ni Mario sa pisngi niya. Wala siyang nagawa kundi tiisin ang sakit niyon. Isang matalim na titig ang ibinato niya sa asawa senyales na hindi pa siya tapos. Hindi siya susuko. Iniwan na niya ang asawang nagawa siyang pagbuhatan ng kamay.

NAKAKASULO na ang liwanag na nanggagaling mula sa labas. Damang-dama na ni Christina ang init ng sikat ng araw na dumadampi sa kanyang balat. Ngunit sa halip na bumangon, lalo pa siyang nagkulong sa kumot.

Pakiramdam niyang wala siyang kasigla-sigla. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang umiyak nang umiyak. 'Yon lang ang gusto niyang gawin sa buong araw na iyon. Parang iginuguho ng matinding kalungkutan ang kanyang buong pagkatao.

Ang sarili pa niyang pamilya ang nagtutulak sa kanya sa kasawian. Pero...wala siyang magawa. Hindi niya magawang lumaban. Paano na siya? At, paano na si Frank?

Si Frank...

***

"Frank! Frank!"

Mga pagtawag ni Tina. Palinga-linga pa rin siya sa paligid ngunit hindi pa rin niya makita ang binata

Namumula na ang kalangitan dahil sa papalubog na ang araw. Nalilipad na rin ang mga mahahabang buhok ni Christina dahil sa lakas ng hangin. Napakatahimik ng tipas; wala siyang ibang nakikita kundi ang mga nagsasayaw na damo. Ngunit alam niyang naroon si Frank, dahil iyon talaga ang oras ng kanilang tagpuan.

"Frank! Lumabas ka na! Hindi na nakakatuwa, ha!"

Sa pag-ihip muli ng malamig na hangin ay napansin ni Christina ang paglipad at paghulog ng mga petals ng bulaklak sa kanya. Para siyang isang bride na hinahagisan ng mga bulaklak.

"Frank?"

Pagtingala niya ay nagisnan niya ang isang gwapong lalaking nakasampa sa sanga ng puno. Kaytamis ng mga ngiti nito sa kanya. Tumalon ito mula sa puno at iniabot sa kanya ang isa pang pulang rosas.

"Happy Anniversary sa'tin, Christina. Mahal na mahal kita!"

"Mahal na mahal din kita."

Matapos ay siniil nila ng isang matamis na halik ang isa't-isa.

***

Biglang tumulo ang mga masasaganang luha mula sa mga mata ni Christina nang maalala niya ang kasintahang si Frank. Ngunit, lahat ng 'yon, maglalaho na. Lahat ng mga pangako nila sa isa't isa'y hindi na maaaring matupad. Dahil pilit siyang itinatali ng amahin sa lalaking hindi naman niya mahal.

Dali-daling nagpunas ng luha si Christina at huminto na siya sa pag-iyak.

"Hindi ako pwedeng maging mahina! Kailangan kong ipaglaban ang nararamdaman ko. Hindi ako dapat magpatalo. Kailangan kong maging matapang para kay Frank!"

PinagtaksilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon