CHAPTER TEN

108 1 0
                                    


NATAPOS na ang pinakamahabang araw sa buhay ni Christina. Nagsiuwian na halos lahat ang mga bisita pagkatapos ng reception sa mansyon. Nagpaalam na rin sa kanya ang inang si Anna na ang huling sabi sa kanya'y 'kapag may kailangan ka'y magsabi ka lang', at ang totoong pinakamasayang tao sa araw na iyon—ang kanyang amahin na si Mario.

Ang kaninang maingay at buhay na buhay na umaga ay naging isang tahimik at malungkot na gabi. Ngayon ay nasa loob na siya ng kanyang bago at napakagandang kuwarto. Nakasalampak sa malaki at napakalambot na kama. Malayung-malayo sa matigas na papag na hinihigaan niya sa barrio.

Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa malaking salamin na nasa harapan niya. Suot pa rin niya ang wedding gown pero hindi niya kailanman naramdaman ang pagiging bride.

Dahan-dahan niyang tinanggal ang suot na head dress at tuluyan nang nagulo ang buhok niya. Inumpisahan na niyang tanggalin ang make-up sa mukha habang nakapukol pa rin ang tingin sa salamin.

Noong umpisa'y dahan-dahan lang, hanggang sa naging marahas na si Christina sa paghagod ng kanyang mga daliri sa kanyang mukha na halos masugatan na siya. Sa halip na matanggal, lalong kumalat ang make-up at lipstick niya, pati na sa kanyang suot na gown.

Gustong-gusto niyang saktan ang babaeng nasa harapan niya.

Hindi na niya ito kilala.

Tuluyan nang sumambulat ang itinatagong emosyon ni Christina. Napahagulhol na lang siya ng iyak habang pilit na iniiwasang gumawa ng anumang ingay. Kagat-kagat niya ang ibabang labi, habang walang tigil sa pagbalong ang kanyang mga luha.

Tama ba talaga ang ginawa niya?

***

ISANG malakas na sampal agad ang pinakawalan ni Christina nang makatapak siya sa hacienda ng mga Mateo at sa wakas ay muli silang nagharap ni Alden. Maging ang mga katulong sa mansyon na nakasaksi sa ginawa ni Christina ay nagulat sa kanyang ginawa. Bakas pa nga roon ang mga pasang naiwan noong huling engkwentro nila ni Frank.

Napahawak na lang si Alden sa kanyang halos mamanhid na mukha na noo'y kasalukuyang may kausap na investor sa kanyang telepono kaya't hindi niya naramdaman ang pagdating at pagpasok ng nagngingitngit na si Christina sa loob ng kanyang opisina. Pero sa halip na magalit, isang malapad na ngiti pa ang rumehistro kay Alden.

"Walanghiya ka! Alam kong ikaw ang nagpaaresto kay Frank! Bakit mo ba ginagawa sa amin 'to? Maawa ka sa kanya,wala siyang ginagawang masama!"

Nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha ni Alden. Naging seryoso ito bigla. Tinitigan niya nang diretso ang dalaga. "Walang ginagawang masama? He assaulted me for fuck's sake! He pointed a gun right into my face!"

Nagitla si Christina sa tahasang pagtaas ng boses ni Alden. Para itong isang leon na handa siyang lapain anumang oras. Dahilan para kabahan si Tina ng mga sandaling 'yon. Hindi niya alam ang maaaring mangyari kung sasalubungin niya rin ang galit nito.

"Pakiusap, Alden, nagmamakaawa ako sa'yo, iurong mo na ang kaso laban kay Frank."

Nagulat si Tina nang biglang tumayo si Alden at lumapit sa kanya. Hinimas nito ang kanyang pisngi at halos ilapit na nito ang mukha sa kanya. Napakislot na lang siya sa ginawa nito.

"Makakalaya lang si Frank sa mismong araw ng kasal natin, Christina. Be it tomorrow, next week, next month, next year, or never, it's entirely up to you."

"Demonyo ka!" akmang sasampalin muli ni Christina si Alden ngunit sa pagkakataong iyon ay nahawakan na ni Alden ang braso niya. Hindi siya makawala rito at lalo pang idinikit ni Alden ang katawan nito sa kanya. Nararamdaman na niya ang init ng balat nito at ang amoy ng hininga nito ay dumadampi na sa kanyang mukha.

"Kahit anong sabihin mo sa'kin, hindi ko iuurong ang kaso, Christina. Kahit umabot pa ang lahat ng 'to sa korte. And I'll make sure he'd rot in prison, " pagbabanta ni Alden.

Pinakawalan na siya nito sa pagkakasiil sa kanya. "You can go. But don't ever barge in here again unless you have a decision. I won't hesitate na ipadampot ka sa mga guards. Know your place. You're not my wife just yet."

Bumuntong-hininga si Christina sa pagpipilit na pakalmahin ang sarili. "Sigurado ka bang makakalaya si Frank kapag pumayag ako sa gusto mo?"

"I told you. It's up to you."

Napalunok na lamang ng laway si Christina bago niya sabihin ang desisyong pagsisisihan niya habambuhay.

"Pumapayag na ako. Papakasalan kita, kapalit ng kalayaan ni Frank."

***

Bumalik sa 'reyalidad' si Christina nang marinig niya ang paglangitngit ng pinto. Paglingon niya, nakita niya si Alden na hinubad ang suot nitong tuxedo at inihagis iyon sa ibabaw ng kama.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Christina sa kanyang bagong asawa. Dali-dali niyang pinunas ang mga luha sa mukha niya para hindi makita ni Alden na umiiyak siya. Pero napuna pa rin siya nito.

"Umiiyak ka ba?"

Napalunok ng laway si Christina habang pinapanood niya ang asawa sa dahan-dahang pagtatanggal ng butones ng long sleeves nito.

"Huwag mong ibahin ang usapan! Ang sabi ko anong ginagawa mo rito? At ano 'yang ginagawa mo?"

Ngumisi si Alden. "Tina, ito ang kuwarto ko. Kuwarto natin."

Inirapan niya ang asawa. "Nababaliw ka na."

Tumayo na si Christina at nagpasyang lumabas ng kuwartong 'yon. Pero sa pagtalikod niya ay napigilan siya nito. Hinapit siya nitong bigla sa beywang dahilan para mapatimbuwal siya sa harap ng binata.

Nagdikit ang mga katawan nila dahil doon at tumambad kay Christina ang hubad na dibdib ni Alden na natapos nang magtanggal nang butones. Napakislot na lang si Christina dahil sa kakaibang sensasyong naidudulot ng pagkakadampi ng palad ni Alden sa baywang niya.

"Huwag ka nang magmatigas. Baka nakakalimutan mong simula ngayon, asawa na kita. Akin ka na."

Sinubukan ni Tina na itulak si Alden pero bigo siya. Sa halip, siya ang itinulak nito at tuluyan siyang napahiga sa kama. Kumabog nang malakas ang dibdib ni Christina nang makita niyang tuluyan nang natanggal ni Alden ang suot nitong pang-itaas.

Tumambad sa kanya ang matipuno nitong dibdib at ang maskulado nitong pigura. Napapikit na lang si Christina nang tuluyan nang pumaimbabaw sa kanya si Alden. Sa bigat at lakas nito'y wala na siyang sapat na puwersa para kumawala rito.

Bahagyang nakiliti si Christina nang dumampi sa leeg niya ang mainit na hininga ni Alden. Naamoy pa niya ang pinaghalong perfume at alak na nagmumula sa asawa.

Tila nanigas ang buong katawan ni Christina nang simulan ni Alden na paulanan ng halik ang kanyang leeg. Nagwawala na ang utak niya para kumawala pero hindi naman nakikisama ang katawan niya.

Hindi siya makakilos.

Tuluyan na siyang nakontrol ni Alden Mateo.

Naramdaman ni Christina ang mga daliri ni Alden sa ilalim ng kanyang wedding gown. Dahan-dahan iyong naglakbay mula sa kanyang hita, hanggang sa huminto iyon sa kanyang pagkababae.

Isang ipit na daing ang kumawala sa mga labi ni Christina kasabay ng pagkawala ng isang butil na luha mula sa kanyang mata, patungo sa kobre-kamang saksi ng kanyang kahinaan.

Tuluyan nang bumigay si Christina sa tawag ng laman.

Nagpatianod na lamang siya sa mga gustong mangyari ni Alden. Nilamon na siya ng bugso ng damdamin.

At tuluyan nang nakulong ang puso niyang gustong kumawala.

PinagtaksilanWhere stories live. Discover now