CHAPTER FIFTEEN

91 2 0
                                    


"BE SURE to answer your phone when I call you," paalala ni Alden kay Christina matapos nitong patayin ang makina ng kanyang kotse. Kadarating lamang nila sa tapat ng pathway papunta sa bahay nina Christina. Gaya ng ipinangako niya rito ay inihatid niya ito kinabukasan.

"Sigurado kang hindi ka na sasama paloob?" tanong ni Tina.

"Hindi na. I need to get to the meeting early. Para matapos na rin agad at nang masundo kita nang maaga rito mamaya. Just say hi to Inay Anna for me," sagot ni Alden.

Bumuntong hininga si Christina.

"Okay."

Umibis na rin si Christina sa kotse. Ibinaba pa ulit ni Alden sa kahuli-hulihang pagkakataon ang salamin ng kotse para lang masulyapan siya bago nito pinaharurot muli ang kotse.

Pansin niyang naging kakaiba ang kilos ni Alden simula nang dumating sila galing Cebu. Tapos biglaan pang dumating ang Allison na iyon sa hacienda.

Maging si Christina, aminadong kakaiba ang naging epekto sa kanya ng honeymoon nila ni Alden sa Cebu. Sa loob ng isang linggong 'yon, nakita niya ang side ng isang Alden Mateo na malayong-malayo sa pagkakakilala niya rito.

Hindi man niya aminin, may bahagi sa loob niyang nahulog na sa asawa nang hindi niya namamalayan.

Iwinaksi muna ni Christina ang isiping 'yon at naglakad na siya papunta sa dati niyang tahanan. Pagdating niya roon, naabutan niyang may kausap ang kanyang inang si Anna.

Ang kahuli-hulihang taong gusto niyang makita nang mga sandaling 'yon.

Si Frank.

"T-tina?"

Nanlaki ang mga mata ni Frank nang makita siya. Natigilan ito sa pakikipag-usap kay Anna. Halatang hindi rin nito inaasahang magkikita sila sa sandaling 'yon.

Pero sa halip na sumagot, nag-iwas pa ng tingin si Christina kay Frank. Parang hindi man lang niya narinig ang pagbati sa kanya ng kanyang dating kasintahan. Ayaw niyang harapin si Frank.

Hindi niya kayang harapin si Frank.

"Anak!"

Buti na lang at sinagip siya ng yakap ng inang si Anna sa napaka-awkward na sandaling 'yon.

"Buti naman at bumisita ka ngayon, Tina. Nakausap mo na ba ang Itay mo?", tanong nito sa kanya. Umiling si Christina. Mahigit isang linggo na rin niyang hindi nakikita o nakakausap ang kanyang ama-amahan matapos ng kasal nila ni Alden. Ni hindi man lang din ito nagpapakita sa mansyon kahit isang beses man lang.

Pero para kay Tina, mabuti na rin 'yon. Isa pa, wala naman silang rason para mag-usap.

"Gano'n ba?" umismid ito.

"Naku! Maraming-marami tayong pag-uusapan," wika ng ina kasabay ng paghawi nito sa kanyang buhok sa gilid ng kanyang tenga. "Teka, himala yata't hindi nakabuntot sa'yo si Alden?"

"B-busy ho sa meeting," matipid na sagot ni Tina. "S-sige po, Inay, papasok na muna ako sa loob ng bahay," palusot ni Tina. Pagkasabi niyon ay dumiretso na agad si Christina sa loob. Ang totoo'y gusto lang niya talagang makaiwas kay Frank.

"Magpapaalam na din po ako," turan ni Frank kay Anna. "Salamat po. Kayo na lang po ang bahalang magsabi sa kanya."

Bago pa makatalikod si Frank ay nahawakan na agad siya ni Anna sa braso at isang makahulugang tingin ang ipinukol sa kanya ng matanda.

"'Di ba't mas maganda kung ikaw na mismo ang magsasabi sa kanya? 'Yon ang mas makakabuti para sa inyong dalawa. Sakto, naghahanda na rin naman na ako ng tanghalian. Dito ka na kumain."

PinagtaksilanWhere stories live. Discover now