CHAPTER NINETEEN

107 2 0
                                    



NAGDAAN ang tatlong araw pagkatapos ng napakahaba at napakasalimuot na araw na iyon sa buhay ni Christina. Pakiramdam ni Christina, pinaparusahan siya ng langit dahil sa loob lamang ng isang buong araw, sunod-sunod ang dagok na dumating sa kanya.

Tuluyan nang nagpaalam sa kanya ang nag-iisang lalaking nagmahal sa kanya nang totoo, harap-harapan siyang inalipusta ng ama ng lalaking pinakasalan niya, at tahasan siyang pinilit ng mismong asawa na ipalaglag ang dinadala niyang sanggol.

Pero ang tatlong araw din na iyon ang pinakatahimik at pinakapayapang sandali na naranasan ni Christina sa loob ng mahabang panahon. Umuwi siya sa inang si Anna at mula noon ay hindi na niya nakakausap ulit si Alden. Hindi niya sinagot ang mga text at tawag nito sa kanya. Nagmukmok lang siya sa loob ng luma niyang kuwarto.

At dumating na nga ang araw ng Biyernes. Ang araw ng flight ni Frank papunta sa Italy. Pero parang nakalimutan na ni Christina ang bagay na iyon dahil nanatili lamang siyang nakadungaw sa kawalan mula sa bintana ng kanyang kuwarto.

"Bukas 'yan!" anunsyo ni Tina nang marinig ang mga pagkatok mula sa labas. Ang kanyang inang si Anna. Nilapitan siya nito at naupo sa tabi niya sa gilid ng papag.

"Anak, sigurado ka bang hindi ka lalabas ngayon? Wala ka bang nakakalimutan? O, importanteng pupuntahan?" pahaging ni Anna sa kanya. Pero alam naman niya kung ano ang tinutukoy nito.

Dahil hindi naman niya talaga nakalimutan kung anong mayroon sa araw na 'yon.

Hinarap niya ito.

"Hindi na po kailangan. At saka, baka nasa biyahe na rin po si Frank pa-Maynila. Hindi ko na rin naman siya maaabutan. S-saka, nakapag-paalam naman na po kami sa isa't isa."

Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ni Christina sa ina. Hinaplos naman siya nito sa pisngi.

"Pero paano 'yan, anak? Aalis si Frank nang hindi niya alam na mayroon pala siyang maiiwan. Malay mo...baka magbago pa ang isip niya."

Humigop ng hangin si Tina.

"Naiintindihan ko naman po 'yon, Inay. Wala naman po akong balak na itago sa kanya ang tungkol sa ipinagbubuntis ko. Pero wala na rin naman na pong mababago kung malaman niya agad o hindi. Ayaw ko naman pong sirain 'yong pagkakataon niyang magsimula ng bagong buhay dahil lang sa isang responsibilidad."

Nagsimulang humikbi si Christina.

"M-mahal ko pa rin po si Frank. Pero kailangan ko na siyang palayain. 'Yon po ang mas makakabuti para sa aming dalawa. Ang kailangan ko pong gawin ngayon, pangalagaan ang sarili ko para sa magiging anak naming dalawa. Para kay Frank."

Niyakap siya nang mahigpit ng ina. "Nandito lang ako palagi sa tabi mo, anak."

Nasa ganoong ayos sila nang biglang sumingit sa kanilang usapan ang noo'y kadarating lang din na si Mario galing sa paghahanap ng bagong trabaho sa bayan. Pagkatapos ng mga nangyari sa hacienda, wala nang balak pang tumapak roon si Mario.

"Tina, mayroong gustong kumausap sa'yo. Sa labas."

Dumungaw muli si Christina sa bintana at nasilayan niya roon ang isang nakatalikod na lalaki. Kapansin-pansing may hawak itong isang bouquet ng mga bulaklak.

Kahit pa nakatalikod ito, kilalang-kilala niya kung sino ang naghihintay sa kanya.

Muling nagkatitigan si Christina at si Anna. Tila nanghihingi siya ng payo kung dapat niya ba itong harapin o hindi. At base sa pagtango ni Anna, nakuha na niya ang hinihingi niyang sagot mula rito.

Sa loob ng tatlong araw na lumipas, iyon ang kauna-unahang pagkakataong tumapak muli si Christina sa labas ng kanilang tahanan.

"Alden..." mahinang pagtawag niya rito. Pero sapat na 'yon para lingunin siya nito.

"Tina!"

Sinunggaban siya agad nito ng mahigpit na yakap dahilan para hindi makapag-react agad si Christina. Hindi niya nagawang tumugon sa pagkakayakap nito. Sa halip, dinama niya lang ang init na nagmumula sa katawan at bisig ni Alden.

"I-I know I'm the worst person you've ever meet, Tina. I've done all these horrible things just to get you. And...I...I am sorry. But you're the best thing that happened to me. When I said that I love you, I really do. And I just want you to know that I'm not my father..."

Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ni Tina si Alden na napakapayapa at napakainosente ng ekspresyon ng mukha at ng kilos. Walang halong galit. O, pagpapanggap.

" So I'm going to do what is right. I already talk to a lawyer to process our anulment. Tina, I'm letting you go—

Hindi natapos ni Alden ang sinasabi nito dahil bigla na lang siyang siniil ng halik ni Christina sa labi. Banayad. Tahimik. Busilak.

"M-mahal din kita. M-mahal kita," gumagaralgal ang boses ni Christina. Ilang sandali pa, bumabalong na ang kanyang masaganang luha.

Dahil sa pagkakataong 'yon, naamin na rin niya rito kung ano talaga ang totoo niyang nararamdaman. Sa pagkakataong 'yon, alam na niya kung ano ang kanyang nararamdaman.

Nabigla si Alden sa mga isiniwalat ni Christina. Buong akala niya, huli na ang lahat para sa kanilang dalawa. Pero, narito siya, may kumakatok na pagkakataon para magbago. Para magsimulang muli.

Hindi namalayan ni Alden na maging siya'y lumuluha na rin ng mga sandaling 'yon. At sa pagkakataong iyon lang siya lumuhang muli pagkatapos ng maraming taon buhat nang mawala ang kanyang ina.

Pero hindi 'yon luha ng pagdurusa.

Luha 'yon ng kaligayahan.

"Magsimula tayo ulit, Alden. Sa...sa pagkakataong ito, magsisimula tayo nang tama."

Pinunas ni Alden ang luha sa pisngi ni Christina at siniil itong muli ng halik sa labi.

"Pangako."

PinagtaksilanWhere stories live. Discover now