CHAPTER TWENTY

153 2 0
                                    


SAMPUNG taon na rin ang nakakalipas mula ng lahat ng mga pangyayaring iyon. Mga pangyayaring naibaon na dapat sa limot, ngunit mga alaalang pilit na bumabalik sa kanya.

Her wedding day.

The day her life was turned upside down. But because of that day, it lead her to what, who, and where she is now. To say the least, she didn't regret the day she married Alden Mateo.

Napakarami nang pagbabago ang naganap mula nang mapabilang siya sa angkang iyon. Nagsimula sila ni Alden ng bagong buhay sa Maynila, gaya ng ipinangako nito.

Nag-aral siya. At ngayon, siya na ang owner at CEO ng Mateo Cakes, ang isa sa mga pinakamalaking cake company sa buong Pilipinas. Malayung-malayo sa napakahirap niyang buhay bilang isang serbidora sa Barrio Maligaya. And now, she's blessed with two beautiful daughters, 10 year-old Scarlet, and 4 year-old Veronica.

It seemed their coerced marriage turned out to be perfect, after all.

But no marriage is a fairy tale. Especially, when the witch haunt you in the form of the past.

"Hello!?" naiiritang sagot ni Christina sa telepono. Mahigpit kasi niyang pinagbilin na huwag siyang tatawagan sa oras na iyon dahil naghahanda siya para sa isang meeting with a big client.

"Hello, Ma'am. Pasensya na po. Mayroon po kasing naghahanap sa inyo dito sa lobby. Kaibigan niyo daw po siya," Sagot ng clerk sa kabilang linya.

"Sino daw siya? Ano daw ang pangalan?" Natagalan pa bago ito sumagot kaya't inulit muli ni Tina ang tanong. "Anong pangalan niya?"

"Eh, Ma'am. Ayaw po niyang sabihin."

"Whoever that is, tell him or her that I am busy."

"Pero Ma'am urgent daw po, e. He's here for business."

He?

Napabuntong-hininga si Christina. "Alright. I'll go down there for a minute."

"Okay, Ma'am."

Ilang minuto ring natigilan si Christina. Nakatitig siya sa harap ng computer at sa palibot ng sandamakmak na papel ngunit blanko naman ang isip niya. Blanko ang isip niya kung sino ba talaga 'yung tinutukoy ng clerk na kaibigan daw niya

Punong-puno pa rin ng pagtataka ang isip niya hanggang magbukas ang elevator. Nasa ground floor na siya. Makakaharap na niya ang taong iyon. Biglang kinabahan si Christina habang naglalakad siya. Hindi niya alam kung bakit. Pero nararamdaman niyang mayroong hindi magandang mangyayari.

Tanaw na niya ang empleyadang kumausap sa kanya sa telepono. Ngunit ang umagaw ng buo niyang atensyon ay ang lalaking kausap nito. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya.

Ngunit napakapamilyar nito sa kanya. Ang tindig nito, anyo ng katawan, ang ayos ng buhok. Ang dating ng taong iyon, kagayang-kagaya ng taong hindi niya maaaring makalimutan.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung magpapatuloy pa ba siya sa paglalakad o hindi na. May bahagi ng utak niyang nag-uutos na umatras, ngunit may bahaging nag-uudyok na kailangan niyang makita ang lalaking iyon.

Lalong tumindi ang pagkabog ng dibdib niya habang papalapit siya nang papalapit rito. Naroon ang takot. Takot na matuklasan kung sino ang pamilyar na lalaking iyon.

At ang pananabik.

Kung siya nga, ang lalaking iyon.

"Ma'am, Good Morning po. Siya po 'yung naghahanap sa inyo."

Napatda ang mga dila ni Christina nang muling magtama ang kanilang mga paningin. Hindi rin siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan dahil sa pagkabigla. Gustong-gusto na niya itong mayakap, pero hindi na niya magagawa. Gustong-gusto nang tumulo ng kanyang luha, pero hindi niya maaaring ibagsak. Tumigil sa pagtakbo ang kanyang mundo.

Bumalik ang lahat sa kanya.

***

WAKAS

PinagtaksilanKde žijí příběhy. Začni objevovat