CHAPTER ONE

276 4 0
                                    


"IPAPAKASAL kita kay Alden Mateo, sa ayaw at sa gusto mo!"

Napakatigas ng tinig ni Mario Pelagio habang binibigkas niya ang mga katagang iyon. Punong-puno ng pananakot. Hindi patitinag sa anumang pananangis at pagmamakaawa ng anak na si Christina. Ang desisyon nito ay pinal na, at walang makababali niyon.

Nakaluhod na nagmamakaawa si Christina sa kanyang ama. Hindi niya akalaing aabot sila sa tagpong iyon. At hindi niya akalaing ang mga salitang iyon pa ang sasabihin nito sa kanya. Ang mismong ama niya ang gumagawa ng dahilan para sirain ang buhay niya.

"'Wag n'yo po akong ipakasal kay Alden! Hindi ko siya mahal! Parang awa mo na, Itay!"

Kulang na lang ay halikan na niya ang paa ng kanyang ama sa pagmamakaawa para lamang pumayag ito. Nagbabaha na nga ng luha ni Christina ngunit hindi man lamang siya pinakinggan ng kanyang ama.

"Huwag kang tanga, Christina. Gamitin mo yang utak mo!"

Nasaktan na nang sobra ang kanyang inang si Anna na noo'y pinagmamasdan lamang ang mga pangyayari. Hindi nito magawang maipagtanggol ang anak dahil ito naman ang sasaktan ng asawa. Ngunit dahil sa nasabing iyon ng asawa ay hindi na nakatiis pa si Anna. Sumusobra na iyon.

"Aba, Mar! magdahan-dahan ka muna sa pananalita. Baka nakakalimutan mong anak mo ang tinatanga mo!"

Ngunit hindi man lamang ito nasindak.

"Sige, ipagtanggol mo pa yang anak mo! Pareho kayong nagpapakatanga!"

Hindi namalayan ni Anna na umagos ang luha niya sa kanyang pisngi dahil sa sinabi ng kanyang asawa. Sobrang sakit dahil nagawa siyang sabihan ni Mar ng ganoong mga salita. Ngunit sa halip na gantihan pa ng mga salita ay nilunok na lamang niyang lahat ng iyon.

"Itay, Inay, pakiusap tama na!" pakiusap ni Christina.

"Hindi mo ba naiisip ha, Christina? Si Alden na ang lumalapit sa'yo. Kayamanan na ang lumalapit sa'yo! Kung anong mayroon siya ay magiging sa'yo na rin! Ito na ang pagkakataon nating umahon sa lintik na kahirapang ito!"

Ipinamukha pa ng kanyang ama lahat ng kaginhawaang maaari niyang matamasa sa piling ng mga Mateo. Kinokonsensya pa siya nito sa kung gaano 'kalaking' bagay ang mawawala at masasayang pag hindi niya tinanggap ang alok ni Alden.

Mahal niya ang kanyang pamilya at gustong gusto rin niyang makaahon sa buhay. Ngunit hindi niya magagawang isakripisyo ang puso niya sa alam niyang hindi siya magiging maligaya.

"Itay, bakit n'yo nagagawa sa akin 'to? Paano n'yo nagagawang 'ibenta' ang sarili n'yong anak?"

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Mario dahilan para mapalugmok si Christina sa sahig. Ni hindi rin nagawang makakilos ni Anna sa gulat at takot sa ginawa ng asawa. "Hindi kita anak!"

Galit na lumabas si Mario sa bahay. Naiwan namang nakasalampak sa sahig si Christina. Gumuho ang mundo niya ng mga sandaling iyon. Nagawa siyang ipain ng kanyang ama para lamang makamtan ang kayamanan.

Parang gusto na niyang mamatay ng mga sandaling iyon dahil parang binibiyak ang puso niya. Pasang pasa na ang kanyang mga pisngi dahil sa walang ampat na luhang bumabalong mula sa kanyang mga mata. Napakasakit tanggaping wala man lamang siyang nagawa.

Nilapitan siya ng kanyang ina at yinakap siya nang mahigpit. Dahil doo'y sumabog pang lalo ang kanyang emosyon. Napakalakas ng pagpalahaw niya. Sumabog ang kanyang dibdib. Sinubukan ni Anna na pakalmahin siya pero kulang iyon.

"ANAK, ano bang pumasok sa utak mo at gusto mong magpakasal sa anak ng trabahador natin? Hindi mo ba alam kung anong kahihiyan ang dadalhin niyan sa pangalan ko? Nag-iisip ka ba?" galit na sabi ni Don Francisco Mateo.

Humihip ang isang malamig na hangin at nanuot 'yun sa mga kalamnan ni Alden. Napakalamig sa balkonahe ng kanilang mansyon ngunit napapawi 'yon ng init ng alak na gumuguhit mula sa kanyang lalamunan patungo sa sikmura.

"Papa, wala kayong dapat ipag-alala. Alam ko ang ginagawa ko, " sagot ni Alden na parang walang pakialam sa ibig-sabihin ng ama sa kanya. Tanging ang alak sa baso ang pinagnanasaan ng kanyang mga labi.

"What could we possibly gain from this?"

Isang maanghang na tawa ang pinakawalan ni Alden. "Dad, is it really necessary that we should have some sort of benefit in every thing that we do? As if my marriage is some sort of business?"

Tinitigan siya ng ama. "Ano bang binabalak mo,ha? Anong binabalak mo sa babaeng 'yon at bigla mo siyang gustong pakasalan? You're not even in a relationship!"

"Nothing.Gusto ko si Christina. And that's it!"

"Ano?" hindi akalain ni Francisco na ganoon ang isasagot ni Alden. "Tama ba 'yung narinig ko? Gusto mo ang babaeng iyon? Nababaliw ka na ba?"

"Yes, Dad!" punong-puno ng paninindigang sagot ng binata. Wala man lamang pag-aalinlangan sa mga sagot nito. "I like her. I really, really like that woman. From the very first moment that I saw her dito sa hacienda. There's something special about her that I want."

"Nababaliw ka na nga talaga! Kung katawan lang pala ang habol mo sa babaeng iyon, bakit mo pa siya papakasalan? Hamak namang marami pang iba d'yan! Mas maganda, mas mayaman, at mas may dating kesa sa babaeng iyon. Why would you sacrifice your own damn future for just some girl you want to have sex with?"

"Dad, this is different, okay? I want her. And this marriage is the only way to get her."

Napatindig pa sa pagsambit niyon si Alden.

"At paano ka naman makakasiguradong papakasalan ka nga ng babaeng 'yon, ha?"

"Her father and I already talked. He will guarantee it. Knowing their current situation, I am sure she'll be here for the wedding in no time."

Natawa si Francisco sa sinabi ng anak. "So you are buying her after all."

Umirap si Alden sa ama. "Whatever."

"Fine." bumuntong-hininga si Francisco. " Magpakasal ka sa babaeng 'yon. Do whatever you want with your life. Pero huwag kang aasang matatanggap ko ang babaeng iyon bilang bahagi ng pamilyang 'to. She will never have a single coin out of my money."

"Yes, Dad. I understand. Ang mahalaga lang namin sa'kin ay makuha ko ang gusto ko."

Alden drank the last drop of his wine and stared at the empty glass.

"And I always get what I want."

PinagtaksilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon