CHAPTER FOURTEEN

92 1 0
                                    



HINDI maipaliwanag ni Christina ang nararamdaman niya nang makasabay niyang lumangoy ang libo-libong sardinas sa karagatan ng Moalboal. Sa bawat pagsisid at pagkumpas ng kanyang katawan sa kailaliman ng tubig ay tila sinasabayan siya ng mga ito. Halos hindi siya makapaniwalang makakakita pa siya ng napakalaking sea turtle roon.

Gaya nang nararamdaman ni Christina nitong mga nagdaang araw, sa tuwing magkasama sila ni Alden. Hindi niya maipaliwanag. Sa bawat pagtatalik nila ni Alden, tila may isang bahagi ng sarili niyang 'nalulunod' rito. Sa kanyang pagtatangkang umahon, tila lalo lamang siyang lumulubog.

"Tina, let's go, baka maiwan tayo ng flight natin," wika sa kanya ni Alden na naghihintay na sa kanya sa labas ng kuwarto. Nasa kotse na rin ang mga luggage nila. Naghihintay na nga ang driver nila sa labas ng resort para ihatid sila sa airport.

"O-okay," matipid na sagot ni Tina.

"Are you alright?" kunot-noong tanong nito sa kanya.

"Ah... ayos lang ako," humugot ng malalim na hininga si Christina. Nag-iwas siya ng tingin at nagpasya nang lumabas.

Ayos lang ako.

Sino nga bang niloko niya?

Dahil ang totoo, magulo ang isip niya. At hindi inaasahan ni Christina na mas lalong gugulo ang nararamdaman niya nang makabalik na sila ni Alden sa Hacienda Mateo nang araw ding iyon dahil isang hindi inaasahang bisita ang dinatnan nila.

"Allison?" gulat na bati ni Alden sa babaeng sumalubong sa kanila sa living room. Hindi ito nakuntento sa pagbesong ginawa ni Alden at niyakap pa talaga nito ang kanyang asawa.

Nasa likod lang siya ni Alden nang mga sandaling 'yon kaya't napansin siya agad ni Allison. Kumawala ito sa yakap kay Alden at bumaling sa kanya.

"You must be the wife," nakangiting bati nito sa kanya. Lumapit ito sa kanya at nakipagbeso.

"Hi, I'm Allison Mendoza, I'm Alden's—

Bago pa man matuloy ni Allison ang sasabihin ay pumagitna na si Alden sa kanilang dalawa. "She's a friend," pagpapatuloy ni Alden. "Allison, this is my wife, Christina."

Ngumisi si Allison. "I was gonna say ex-girlfriend, but...yeah, it doesn't matter anymore, right?" Isang malaman na tingin ang ipinukol ni Allison kay Christina. Nag-iwas siya ng tingin rito.

"I'm sorry, I wasn't able to attend your wedding but—

"What are you doing here, Allie?" seryosong tanong ni Alden. Sakto namang pagdating ni Don Francisco at sumabat ito.

"She's here for business. Her father's company is interested in investing a technofarm project here. She'll be assessing the place for a couple of days. And I want you to handle this project," paliwanag ni Don Francisco.

Bumuntong-hinga si Alden. Wala naman siyang magagawa kung iniutos ng kanyang ama. "Okay, okay."

"So how was the trip?" tanong ni Don Francisco. Tinitigan nito si Christina pero si Alden ang sumagot.

"It was great," pahapyaw na sagot ni Alden. Hinagilap nito ang kamay ni Christina at lantarang idinisplay sa dalawa. Umismid si Don Mateo.

"The dinner's almost ready," anunsyo ni Don Mateo. "Nagpahanda na ako kay Manang Thelma. Allison, you should join us."

"Okay, Dad. Mag-aayos lang kami saglit ni Tina sa kuwarto."

"HINDI ako gutom. Dito na lang ako. Gusto ko na lang munang magpahinga," palusot ni Christina kay Alden nang niyaya na siya nitong bumaba papunta sa dining room pagkatapos nilang magshower. Pero ang totoo'y ayaw lang niya talagang makita ang Allison na iyon.

Masama ang kutob niya rito.

"Sigurado ka? You barely ate at the plane."

Tumango lang si Christina.

"Okay, just let me know if you need anything. Babalik din ako dito agad right after dinner." Hinalikan siya ni Alden sa noo.

"Bago ko makalimutan..." May kinuhang kahon si Alden na naka-gift wrap sa kanilang side table. Iniabot niya iyon kay Christina. "Ibibigay ko na sana 'to sa'yo sa Cebu, but I figured hindi mo pa rin naman siya magagamit doon, kaya ngayon ko na lang ibinigay."

"Ano 'to?"

"Open it."

Pagbukas ni Tina sa kahon, nakita niya ang isang magandang cellphone. Wala siyang ideya na iyon ang pinaka-latest at pinakamagandang modelo ng iPhone.

"Cellphone? Para saan 'to? Hindi ko naman kailangan nito. Saka, hindi ako marunong gumamit ng ganitong klase ng cellphone."

Napangisi si Alden. "Don't worry, kagaya lang din naman 'yan ng mga ibang cellphone. Matututunan mo ring gamitin 'yan. Isa pa, it's better for you to have one para mas madali ang communication natin. Para alam ko kung nasaan ka o kung saan ka pupunta."

Iba ang naging pakahulugan ni Tina sa sinabing 'yon ni Alden. "Kung nag-aalala kang tatakasan kita para puntahan si Frank, hindi ko gagawin 'yon. Wala nang namamagitan sa aming dalawa."

Hindi man ipahalata ni Christina, tila kumirot ang dibdib niya nang sabihin ang mga salitang 'yon. Dahil ang totoo, may nararamdaman pa rin siya para kay Frank. Masakit pa rin ang lahat para sa kanya hanggang ngayon. Napakabilis ng mga pangyayari sa buhay niya at tila hindi siya nagkaroon ng sapat na panahon para sabayan 'yon.

"No, that's not what I meant," paliwanag ni Alden. "Inilagay ko na rin d'yan ang numero ni Nanay Anna para madali mo siyang makausap kahit nandito ka sa mansyon. Binigyan ko rin siya ng cellphone bago tayo pumunta ng Cebu."

Bumuntong-hininga na lang si Christina. "Salamat. Pero..."

"Hmm?"

"Gusto ko sanang bisitahin nang personal si Inay bukas, kung okay lang sa'yo? Hindi ko na rin kasi siya nakita pagkatapos ng kasal. At alam mong hindi kami nagkakasundo ni Itay kaya..."

Natigilan si Alden. Tila nag-aalangan pa itong payagan si Christina.

"Pero okay lang kung—

"No, no. You can go. Ako na mismo ang maghahatid sa'yo bukas papuntang Barrio Maligaya. At susunduin rin kita agad right after my work I have to do with Allie."

Sa tagpong 'yon, hindi na naiwasang magtanong ni Christina. Diretsahan nitong kimumpronta ang asawa.

"Gusto ko lang malaman. Siya ba ang girlfriend mo bago mo ipilit ang sarili mong ipakasal sa'kin? Bakit ganoon na lang ang reaksyon mo n'ong makita mo siya?"

Hindi nagustuhan ni Alden ang naging tanong na 'yon ni Tina kaya medyo nagtaas ito ng boses at tila naging defensive.

"Ha? Anong klaseng tanong 'yan?"

Bago pa man mauwi 'yon sa isa na namang argumento, narinig nila ang mga katok na nanggagaling sa labas kaya't huminto sila.

"Sir Mateo, handa na po ang hapunan."

PinagtaksilanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon