Epilogue

201 3 0
                                    


PANGATLONG vodka na ang naiinom ni Frank nang dumating ang kaibigan niyang si Jerick sa pinag-usapan nilang bar. Si Jerick ang tumulong sa kanyang makakuha ng trabaho sa Italy at ang isa sa mga tumulong sa kanya para maabot ang tinatamasa na niyang tagumpay ngayon.

"Pare, sorry I'm late. Katatapos lang din ng meeting namin, e. Dumiretso na agad ako rito. Pero... bakit mo naman naisipan na dito tayo magkita? May problema ka ba?"

Kahit na patay-sindi at malabo ang ilaw sa lugar ay kitang-kita nito na namumula na ang kaibigan. Nakita ni Jerick na napangisi si Frank. Inilapit ni Frank ang bibig sa tenga ni Jerick para marinig nito nang malinaw ang sinasabi niya. Dumadagundong kasi ang musika sa loob ng establishment.

"Problem? No. Celebration? It is."

"Celebration? For what?"

"Remember, Christina?"

"Ahm. Yeah. 'Yung CEO ng Mateo Cakes. Why? "

Nilagok muna ni Frank ang alak saka sumagot.

"After ten years, I finally met her again."

"So, kamusta? Anong reaksyon niya nang makita niyang asensado ka na?" may halo pang pang-aasar ni Jerick.

"Wala. Of course, nagulat siya. In fact, iniwasan niya nga ako, e."

"Oh, e, bakit may gana ka pang mag-celebratre? E, hindi ka naman pala niya pinansin?" natatawang turan ni Jerick.

Isang makahulugang titig ang ipinukol ni Frank sa kaibigan. "Oh,eventually, She will."

Tinitigan ni Frank ang yelong nakalubog sa kanyang alak.

She will.

ABANGAN...

PinagtaksilanNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ