Chapter 34 : fall for you

4.2K 126 7
                                    

Nakakapit ako sa braso ni aero ko habang naglalakad kami palabas ng university.

Madaming nakatingin, yung iba naka-ngiti yung iba naman hindi mo alam kung nagtataray o ano ?

Hmmp. Wapakels ako sa kanila. Mainggit sila. Haha

Buti nga at medyo gumaan na yung aura ni aero ko. Hindi nga nya tinatanggal yung kamay kong kanina pa nakakapit sa braso nya simula ng lumabas kami ng room.

Nagulat ako ng nag iba kami ng direksyon... Imbes na sa main gate kami dumaan ay bigla syang lumiko papunta sa parking lot... Napasimangot na lang ako.. kala ko maglalakad kami, Mas gusto ko yun para matagal pa kaming magkasama.

" Uuwi na ba tayo aero ko? "

Tinignan nya lang ako na parang may nakasabit sa noo nyang 'obvious ba' kaya napatango na lang ako.

Hay! Sa totoo lang ayaw ko pa talaga umuwi. Feeling ko kasi nagtatampo pa din saken si aero ko....

Oo na! Assumera na kung assumera. Hmmp!

" Do you want a road trip kai? " - Emegherd! Totoo ba iteeey? kyaaaaaaa

Napatango ako ng sunod-sunod dahil sa sinabi nya.

" Come on na aero ko at baka magbago pa ang isip mo. Hihihi " - ako na talaga ang humatak papunta sa sasakyan nya. Mahirap na!!!..... hahaha

Nakita ko syang napailing pero nagpahila din naman. Pakipot din talaga 'to eh!

" Wow! " - Yan lang ang nasabi ko.

Eh pano kasi ang ganda ditey!

Idunno kung sa'ng lupalop ako dinala ni aero ko basta gusto ko na ang lugar na 'to.

" Do you like it? " - tanong nya saken habang nakatingin sa magandang tanawin.

Para kaming nasa tuktok ng bundok then sa baba noon ay maro'ong malawak na karagatan tapos sa dulo ng dagat nandun yung city kung saan kami galing ni aero ko.

Ang ganda talaga dito.... Wala kong masabi ....

" No, I love it aero ko " - sabay yakap sa braso nya. Chansing baaa?!!! haha

Nakita ko naman syang napangiti ng konti. Hihi Ang galing buti na lang kahit papano e' napapangiti ko na 'to.

" How did you know this place? " - dagdag ko.

Nagkibit balikat muna sya bago sumagot " Road trip " - matipid nyang sagot.

Napatango na lang ako kahit di ko masyadong na-gets kasi walang paliwanag nya. Pero knowing aero magulat ka talaga pag nagsalita yan ng mahaba.

Siguro natuklasan nya'to habang nagro-roadtrip sya. Ewan ha? Yun lang pagkakaintindi ko sa roadtrip na sinabi nya.

Pumunta ko sa medyo unahan ng bundok yung tanaw muna yung dagat pag dumungaw ka sa baba. Well di naman ako takot sa mataas kaya walang problema.

Naupo ako sa malaking bato dun. Nakita ko naman na sumunod saken si aero ko pero dun sya umupo sa damuhan na katabi ng batong inuupuan ko.

Tahimik lang akong pinagmamasdan yung city na kala mo naging mistulang mga kandila yung ilaw dahil sa liit nila.

Romantic place na ito saken. Kahit simpleng lugar lang, Sa taas ng bundok, Gilid ng kalsada basta kasama mo ang taong mahal mo magmimistulang napaka-special talaga sayo.

Gaya ne'to, gaya ko masaya na ko basta kasama ko si aero.

" Can you sing for me aero ko " - ewan ko ba kung bakit ko nasabi yun, Minsan talaga sa kadaldalan ko hindi ko na napipigilan ang lumalabas sa bibig ko.

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon