Chapter 50 : bleeding

4K 108 5
                                    

Nakangiti ako habang hawak-hawak itong gold necklace na bigay sakin ni aero ko nung nag group date kami. Simple lang ang style nya, Walang ibang special maliban sa heart pendant nito na sabi ni aero ko ay puso nya daw.

Ang sarap pakinggan na ibinigay na nya sakin ang puso nya. Iingatan ko ito sa abot ng makakaya ko.

" Baliw " - napatingin ako kay kuya at sinimangutan sya. Kakauwi lang nitong galing school. Di ko sya napansin na dumating ah. Ganon na ba ako kalalim na nag space out para hindi mapansin ang pagdating ni kuya?.

" Inggit ka lang " - sagot ko na lang sa kanya.

" Atleast hindi baliw! haha " - sagot nya. Pch!

" Masama na bang ngumiti kung yung taong mahal ko ang iniisip ko?! " - sagot ko at pumasok nanaman si aero ko sa isip ko. Yiiee ~

" Corny ah! Haha Pero seriously naiinggit na ako dyan sa boyfriend mo xiexie. " - nakapout na sabi nya na kala mo bata.

Aysows! Daming alam ng twin brother ko ayaw na lang sabihin na namimiss na nya ako hindi yung dinadamay nya pa si aero ko.

Tinakbo ko yung pagitan naming dalawa at walang sabi-sabing tumalon ako sa kanya para makarga nya.

" Ayusin mo yung karga mo kuya, Hindi ako bababa dito. " -  natatawang turan ko sa kanya. Napa-aray kasi sya nung bigla akong kumarga sa kanya.

" Ambigat mo xiexie! Hindi ka na bata para kargahin ko. " - Hindi na daw bata para kargahin pero inayos nya yung pagkarga saken. Inilapag pa nya nga yung bag na dala nya para lang mas makarga ako ng maayos. Minsan talaga 'to si kuya iba ang takbo ng bunganga kaysa sa gawa.

Pinulupot ko lalo yung dalawang binti ko sa bewang nya habang sapo-sapo nya ako sa pwet. Walang malisya 'to kasi lagi namin 'tong ginagawa.

Ayokong magpakarga sa kanya ng bridal style kasi ang gusto kong gagawa nun sakin is si aero ko. Kyaaaah! Landi lang.

Inihiga ko yung ulo ko sa balikat ni kuya nung nagsimula syang maglakad. Buti na lang nag-ggym si kuya kaya kayang-kaya nya ako. Alam kong sexy ako pero alam ko din na mabigat ako kasi madami akong kumain hindi lang talaga ako tabain.

" Oh!? Ayan na pala kayo, Kain na. " - Sabi ni mama ng makita nya kaming papasok sa dinig hall. Inilapag na ako ni kuya sa upuan ko. Nakita ko din na isinara na ni dad yung dyaryong binabasa nya at nagsimula na kaming kumain.

Kanina pa ako tapos kumain pero hindi pa din ako umaalis sa hapagkainan. Ambagal kasi ni kuya kumain. Pabebe masyado!

" KUYA! KARGA ME!! " - sabi ko nung nakita ko syang patayo. Inilahad ko ang dalawang kamay ko para kargahin na nya ako.

" Aba! Hoy! Kaimer Lexie abuso na yan ah. " - ngumuso ako sa kanya pero di pa din ako naalis sa upuan ko.

" Karga..." - parang bata kong sabi. Nakita ko syang napabuntong hininga bago lumapit sakin kaya napa YES! na lang ako sa isip ko. Nakita kong iiling-iling lang sina mama habang nakain pa sila ni dad.

Di talaga ako matitiis nito. Ganon pa din ang pwesto ng karga ko. Kung iba siguro makakakita samin ni kuya siguradong pagtatawanan kami. Biruin mo collage student nagpapakarga pa sa kuya nya? Pero samin ni kuya walang kaso 'to. Nakita kong dadalin nya ako sa kwarto ko ng pigilan ko sya.

" Wait lang kuya. Put me down and stay here. Here! walang aalis. " - madiin kong sabi. Nakita ko kasing maglalakad na sya papunta sa room nya. Dali dali akong pumasok sa kwarto ko para kunin yung mga assignment ko kasi dun ko planong matulog sa kwarto ng kapatid ko.

" Karga na ulit! " - sabi ko pagkalabas ko ng kwarto. Wala syang nagawa kaya binuhat nya ulit ako at pumunta kami sa kwarto nya.

" Dito ka ba matutulog xiexie? " - sabi nya habang nagpapalit ng damit.

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Where stories live. Discover now