Chapter 21 : Sungit

3.7K 131 3
                                    

La la la la ~ ~ ~

Nag-huhuming ako to the tuned of the song ' All of me ' Habang palabas ako ng subdivision namin para pumasok na sa school.

Mas bet ko talaga ang maglakad kesa sumakay o kaya magpahatid. Pero syempre ibang usapan pag late na. hihi

  Buti na lang medyo nakahinga na ako ng maluwag ng dahil sa pagkakalinawan namin ni brandon. Atleast ngayon wala na ulit akong pro-problemahin bukod sa panliligaw ko kay aero my loves ko. hihi

Infairness namiss ko na din yung taong pokerface na yun.

Sana naman yayain nya ulit ako mag lunch mamaya. hohoho ^^ Pramiz hindi ko na sya tatanggihan.

And Speaking of the devil. Chos!

Si aero ko yata yung natatanaw ko na yun ah. Teka nga . . .

Takbo

Takbo

Takbo

Takbo

Yiieeee! Sya nga.

" Good Morning Aero ko! " - Bati ko with one million dollar smile ko. ^_____^

" What's good in the morning? ^ - Sulyap sa akin nito sabay taas ng kilay.

Sungit!?

Ngitian ko na lang sya. " Bakit di mo ata dala yung magara mong sasakyan aero ko? " - Tanong ko ulit.

" Wala kang pake " - Walang emosyon nyang sabi pero hindi nakatingin saken.

" Why your so sungit ? Ke aga-aga eh. " - Medyo mahina ko ng sabi sa kanya. Ewan ko lang kung narinig nya.

Ano nanaman kayang topak nitong tao na ' to. May regla kaya? Kaya nagsusungit nanaman. hmmp??!

**

Pag karating namin ng university hindi na talaga ako kinibo ni aero ko. Kaya nakipag chikahan nalang ako kila bespreng bianca at baklang gray.

Ang daming nilang tanong kesyo daw san daw ako galing? Bakit hindi na daw ako umattend ng afternoon class namin nung friday? Kung magkasama daw ba kami ni brandon kasi pareho kaming nawala that time. Yung mga ganyan. Nairita ako pero sinagot ko pa din sila. Napansin ko pa nga ang paglungkot ng mukha ni bespreng bianca nung sinabi kong nag confess sakin si brandon pero agad din naman umaliwalas ang mukha nung gaga nung sinabi kong friends kami at hindi ko sya gusto.

Sus! If i know sayang-saya ang kalooban ng babaeng 'to. Ayaw pa kasi umamin. Dapat gayahin nya ko. Kung hindi sya kikilos mauunahan sya. Naku dami pa naman malalandi dyan.

Katulad nga ng sabi nila ' Ang buhay ay parang quiapo, Madaming magnanakaw, Pag di ka lumaban maaagawan ka.' Parang ganon din sa pag-ibig, Pag shushunga-shunga ka at wala kang ginawa for sure mauunahan ka ng mga malalandi dyan sa tabi-tabi. Kaya hanggat maari habang maaga pa unahan muna diba. Ano naman kung wala kang mapala atleast naamin mo sa kanya kesa naman magsisi ka kasi nga wala kang nagawa. O diba. Tumatak yan sa isip ko. Nung nag confess sa akin si brandon.

" Naku teh buti naman at hindi mo sinagot. Kung nagkataon may kaibigan tayo ngayong mukang byernes santo ang mukha. Hahaha " - baklang gray. I agree

" Tumigil ka nga bakla " - bwisit na sabi ni bianca.

Hahaha tinawanan ko na lang sila bago ako magsalita

" Amin-amin din kasi bespreng. Sige ka baka maunahan ka pa ng iba. Haha " - ako

" Hindi naman malakas ang loob ko katulad ng sayo bespreng e. Tsaka nahihiya ako." - bianca sabay yuko. Sus. Daming alam!

" Naku bakla gayahin mo nalang ang kakapalan ng mukha nitong si kai. liligawan ko din kung kinakaylangan." - gray. Grabe magsabi ng makapal ang mukha ah.

" Hindi kaya bigla na lang akong sapakin nun. ? " - bianca

" Hahahahaha/ Wahahahaha " - Sabay namin tawa ni gray bakla. Muka ngang mananapak si brandon kung ganon nga ang mangyayari.

" Pero bakit hindi mo subukan bakla, Malay mo gumana. Tignan ko 'tong si kai mukang napapaamo na nya si bryx? You try, Wala namang mawawala." - gray. Tumango tango na lang ako sa sinabi ni bakla. Pero tingin ko hindi naman ganon klaseng tao si brandon na basta na lang papayag na magpaligaw. Tsaka baka isang tingin lang ni brandon kay bianca ng masama ay bigla na lang 'tong umatras at magta-tatakbo.

" O kaya gumawa ka ng sarili mong diskarte. Basta ang importante magpakatotoo ka at seryoso ka sa nararamdaman mo. Mabait naman si brandon . Siguro naman hindi ka nya babaliwalain kung sakaling malaman nya ang feelings mo. diba ? " - ako, Nakita kong tumango si gray.

Si bianca naman mukang ewan pa din ang mukha. Yaan mo bespreng pag may time tutulungan kita dyan sa buhay pag-ibig mo.

" Ge na babush na mga bakla balik na kong upuan. Mukang namimiss na ako ni aero ko eh. Nakabusangot kasi. haha " - ako

" Sige teh libre mangarap. haha Susungitan ka lang nya for sure. " - gray. Hindi ko na sya pinansin at pumunta na sa seating arrangement namin kung saan katabi ko ang my loves ko. hihi

" Pogi ka pa din kahit nakasimangot ka " - bulong ko kay aero bago ako umupo.

Hihi. Napansin kong napatingin sya saken pero di ko na sya tinignan kasi andyan na yung prof. namin.

Naku kaylan ko kaya maaayusan 'to si aero ko para mas lalong lumabas yung pagka 'pretty boy ' nya. nyahaha I can't wait!?

" Aero ko hindi mo ba ako yayayaing mag-lunch? " - Tanong ko ng pabulong. Malapit na kasi matapos itong morning class namin pero di pa din nya ko niyaya unlike nung nakaraan.

" Why would I? " - sya sabay taas ng kilay.

" He-he Wala " - Sabay tingin ko sa harapan. Bayan! Assumera talaga ko. Ano ba kasing topak nito at pabago-bago ng mood. Bipolar lang ganon? Nung nakaraan ok naman kami tapos ngayon back to zero nanaman.

hay. Nevermind na lang.

*****

Vomment po kayo.

Pasensya na sa typo. :)

Enjoy reading!

-jiro_013

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Where stories live. Discover now