Chapter 53: The Truth

4.1K 122 13
                                    

Nalungkot ako ng makita ko ang pamilyar na puting ceiling at iba't ibang amoy ng chemikal. Nasa hospital nanaman ako.

Bumuntong hininga ako at sinipat ang buong katawan ko, kung dati isang karayom lang ang nakatusok sa braso ko ngayon hindi ko na mabilang.

hay.

Napatigil ako sa pag-iisip ng bumukas ang pintuan ng kwartong 'to. Hindi ko alam kung saan ako titingin, hindi ko alam kung anong sasabihin ng makita ko ang mga mata nilang maga na alam ko naman galing sa pag-iyak.

Nanatili akong tahimik at iniwas ang paningin sa kanila. Alam kong sa mga oras na ito alam na nila ang kalagayan ko kaya nga mugto ang mata nila dahil sa pag iyak. Gusto ko man din umiyak para sa kalagayan ko pero hindi ko magawa, ayokong makita nila akong nasasaktan din ng dahil sa letcheng sakit na ito.

" K-kai " iniwas ko ang tingin ko kay bianca na unti-unting lumalapit sakin. " K-kelan mo pa nalaman bes... Bakit hindi mo sinabi samin? "

Napalunok ako at tinignan ko muna sya bago lumipat ang tingin ko kala brandon, britney at gray na nanatiling nakatayo malapit sakin.

Ngumiti muna ako bago sumagot sa kanya. " Last week lang din bespreng. " Tapos hinatak ko sya patabi sakin at pinunasan ko ang luhang nagbabadya nanaman na pumatak sa mga mata nya. " Wag ka nga umiyak! Di pa naman ako deds eh! Ouch! " at nakatanggap ako ng hampas sa kanya.

" Gagaling ka! Wag ka ngang magsalita ng ganyan. " At nakatanggap nanaman ako ng isang hampas mula sa kanya. Sana. Sana nga gumaling pa ako kasi gusto kong gumanti ng hampas kay bespreng eh. Nakakarami na sya.

" Sorry guys nang dahil sakin nasira ang group date natin. " Malungkot na sabi ko. Totoo naman. Sana ngayon nasa mall pa din kami at nag gagala, nag arcade or nanunuod ng sine.

Flashback

" Honey hawakan mo naman yung kamay ko. Look oh! like kuya brix did to ate kai. " Narinig kong sabi ni britney sa likuran namin kaya nilingon ko sila.

Were here at festival mall, dito namin napiling magpunta for bonding together. At syempre nandyan ang walang humpay na pagtatalo nila britney and gray.

Nasa likuran namin sila then nasa harap namin sila bianx and brandon. Hinatak ko si aero ko para mapunta kami sa likod nang apat para mas mapagmasdan ko sila.

Hindi ganon kadami ang friends ko pero sapat na sila para sumaya ako.

" Arggh! Please don't touch me! Oh my gosh! My soft and beautiful hands is dirty na! Huhuhu " Nandidiring at Oa na sabi ni gray na nag act pa na naiyak sya.

Langya.

Napailing na lang ako. Nilingon ko naman si brandon at bianx. At ayun si bespreng parang tuod na pilit sinasabayan ang lakad ni brandon. tsk tsk tsk!

Hay! Ano ba naman 'tong mga tao na ito. Manhid at in denial. Si brandon manhid kasi di nya ma feel yung feelings ni bianca towards him. Si gray naman na bakla ay in-denial queen este king pala. Peste! Halata naman'g may sparks sa kanila ni britney. Nagmamaganda masyado ' tong baklang 'to.

Nasabi ko na dati na I want to help us to be happy like me, because my man of my dream is really mine now. I want to be a cupid to the four of them but how can I do that? Kung ang sarili ko ngang problema hindi ko matulungan.


" Hey what are you thinking? " Ngumiti ako ng puno ng pagmamahal sa katabi ko. My strength.

" Iniisip ko lang na yung apat na yan ay sila pa din hanggang huli. " I really don't know for what I say. Imbento siguro. Hahaha

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Where stories live. Discover now