Chapter 25 : The key

3.5K 126 2
                                    

" Pasok na, Ayan na ang ulan oh! " - aniya

" Ah sige salamat aero " - tumango lang sya sabay lakad na papunta sa kanila.

Ako naman dumiretso na din papasok ng gate. Parang timang lang ako kanina. Kahiya ah. Malay ko ba kasi na andito na kami. Ansarap kaya kayakap si aero ko kaya di ko namalayan na nasa tapat na kami. hihi

Naambon na kaya binilisan ko ang paglagay ng bike sa likod bahay.

Kinapa ko na yung susi sa bulsa ko nang...

" Sh*t! " - nabulaslas ko at kinapa ulit ang lahat ng pwedeng makapa. Pati back pack ko binuhos ko na ang laman pero walang susi ang lumabas.

Napatampal nalang ako sa noo ko sa sobrang inis. Bakit ngayon pa umiral ang katangahan ko? Mukang naiwan ko pa sa loob ng bahay yung susi kanina bago ko lumabas kaninang umaga. Shocks! Wrong timing naman oh!

Ngayon ok pa kong sumilong dito sa tapat ng pinto kasi may bubong naman at upuan. Kaso pag lumakas ang ulan mamaya, Malilintikan na. Siguradong basa ako. Urgh! bwiset naman talaga oh.

Masyadong mataas ang second floor para akyatin ko. Baka pagkamalan pa kong akyat bahay gang ng makakita saken.

Ayokong magtagal dito? Saan ako matutulog? Buti sana kung uuwi si kuya kaso hindi, Lahat sila bukas pa uuwi. Hay!

Hindi ko alam kung ilang oras na ko dito. At sa totoo lang nanginginig na ako sa lamig. Lahat ginawa ko na para mapasok ang loob namin pero failed. Hindi ko nagawa. Nakain ko nga din yung tira kong pagkain sa bag e. Ubos na lahat.

Kainis! Kainis! Kainis! Naiiyak na ko sa inis. Ang malas ko naman. Bakit kasi ngayon pa. Urgh! Naupo na lang ako sa upuan sabay taas ng dalawang paa sabay yakap ng dalawang tuhod. Hayaan na kahit mabasa ako. Tutal kanina pa naman ako basang basa kasi lumakas na ang ulan.

Hindi ko naman matawagan sila bianca kasi lowbat na ko. Syet! Kahit yakap ko ang sarili ko ramdam ko yung lamig. Nangangatog na ako.

" KAI ! " - Tinignan ko kung sinong tumawag saken. Una malabo dahil sa lakas ng ulan kaya di ko sya maaninag tapos lumuluha pa ko dahil sa katangahan ko.

" KAI ! " - ulit nya. Kilala ko na. Si aero.

Pinilit kong tumayo kahit nangangatog ang mga binti ko. Hindi nya naman malalaman na lumuluha ako kasi basa naman ako ng ulan.

Binuksan ko ang gate namin. Hindi ito mataas katulad ng ibang gate kaya siguro napansin ako ni aero.

" Bakit ka nagpapaulan? " - aniya. Gusto kong matuwa kasi may expresyon yung mukha nya. nakakunot ang noo nya kulang na lang magdikit yung dalawang kilay nya.

" Aero ko! " - sabay yakap ko sa kanya. Muntik pa kaming matumba. Nilalamig na talaga ko kaya ko sya niyakap. Medyo chansing na din. bwahaha xD

" Tara na loob " - sya

" Di tayo makakapasok wala yung susi ko naiwan sa loob " - mahinang sabi ko. Parang namamaos na ako sa lamig.

" Di naman sa inyo. Samin. " - binigay nya sakin yung payong na hawak nya sabay pumasok sa gate at kinuha yung dala kong bag pack kanina. Sinara nya ulit yung gate namin bago kami dumiretso sa kanila.

" Ang ganda " - naibulaslas ko. Anyway medyo nainitan na ako kasi pinainom ako ni aero ng hot tsokolate. Nililibot ko yung mata ko kasi ang ganda ng bahay nila aero.

Tinanong ko kanina kung nasan parents nya sabi nya yung papa nya out of country pero pag dating sa mama nya wala syang sinabi. Kaya nag kibit balikat na lang ako. Mukang may isyu si aero sa mama nya.

" Dapat kasi kumatok ka nalang dito samin. Dalawang oras ka pa tuloy nagbabad dun sa ulanan. " - sya. Kanina pa yan. Ulit ulit. E malay ko ba nalimutan ko nga e. Nakapokus lang ung isip ko kung paano ko mapapasok yung bahay namin.

" Sorry na aero ko wag ka na mag alala. Nalimutan ko lang talaga. " - ako. Tsaka kung andito parents nya. Hindi talaga ko kakatok dito. Gusto ko pag makilala nila ako yung kami na talaga ni aero.

Tumayo ako at tatabi sana sa kanya kaso bigla naman syang tumayo. Problema ne'to?

" Wag kang lalapit kai "

" Huh ? Bakit ? " - litong tanong ko

" Yung damit mo " - tinignan ko yung damit ko. Ok naman ah. Kanya naman 'to. Ayos nga eh. Para akong naka-daster sa damit nya. haha

" Maayos naman ah " - ako

" W-wala k-kang b-bra " - tinignan ko ulit itsura ko. Ah kaya pala kanina pa sya hindi makatingin sakin at namumula pa kasi nahihiya syang madikitan ng babaeng walang bra. Haha

Wala nga din akong undies eh. Boxer short nya lang ang suot ko at itong malaking damit nya. Nilabhan nya yung damit ko para matuyo na daw bakas. Ambait diba. haha

" Ano naman ? Mahahawakan at makikita mo din naman 'to pag naging mag asawa na tayo " - baliwala kong sabi. Totoo naman diba? haha

Nakita ko syang sobrang pinamulahan ng mukha. Pati tenga mapula e. haha. Sarap talaga nyang pagkatuwaan.

Lalapit sana ulit ako sa kanya kaso tumakbo na sya papuntang kusina nila kaya napahagalpak na ako ng tawa. Ibang klase!

" AERO KO SAN ANG KWARTO MO? " - Sigaw ko.

lumabas sya galing kusina pero di pa din sya nakatingin.

" Bakit? "

" Inaantok na ko, Tsaka feeling ko lalagnatin ako. " - totoo walang biro. Dahil 'to sa ulan kaya sumama ang pakiramdam ko.

" Bakit sa kwarto ko? Sa guest room ka. " - aniya ng hindi pa din makatingin sakin.

" No worries aero ko hindi naman kita re-rapin e. Matutulog lang ako. Pramiz! " - ako sabay taas pa ng kanan kamay ko.

" Ayoko! hindi pwede, Dun ka sa guest room o sa labas kita patutulugin. " - sya. Sabay sulyap na saken.

" Harsh! Sige na sa guest room na " - suko na ko. Naikot na kasi ang paningin ko gusto ko ng mahiga.

" Hindi ka ba muna kakain? " - sya

" Daldal mo! " - ginaya ko yung pag kasabi nya kanina sa park.  Nakita ko syang mukang naiinis kaya tinawanan ko na. " Hahaha Tara na aero ko hatid muna ko. Pahinga muna ko, Mamaya na lang siguro ako kakain. " - lakad ko patungo sa kanya sabay kapit sa braso nya. haha wala ka ng kawala.

" Kai ! " - suway nya.

" Dali na. Daming dada! kakapit lang e. " - pero ang totoo nahihilo na ko.

Narinig ko syang napabuntong hininga tsaka ako dinala sa guest room nila. Thank god!

----------;;;;;;-----------

Vomment po ! :)

Continuation po ang kasunod.

Chapter 26 : Labnat

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon