Epilogue

4.8K 154 27
                                    

People do not die from suicide; they die from sadness.

-Anonymous

***

5 years. Limang taon na ang lumipas pero ako nasa nakaraan pa din. Umandar na lahat ng naandar pero ako hindi pa din makaalis.

Ganito ba talaga kahirap? ganito ba kahirap mag move-on sa taong minahal mo nang sobra?

Kinuha ko ang cellphone ko nang maramdaman kong nag vibrate ito.

1 messages receive

Please son. Umuwi ka na.

Agad kong pinatay ang phone ko. Sa loob ng limang taon marami nang nagbago. I'm the ass hole, jerk, dum bass in town. Sabi nila nagbabago ang tao kasi nasaktan sila.

Yeah. Siguro nga ganon ako. Siguro kung buhay sya, Sya ang unang taong magagalit sakin. Ang aero'ng tahimik. Wala na.

Ang aero nya. Naglaho na.

Lahat sila naka alis na sa nakaraan pero ako hindi ko kayang umusad.

Ayokong talikuran ang lahat samin ni kai. Medyo matagal. Kasi inabot ako ng limang taon na ganito pa din.

Pero ngayon araw tatapusin ko na ang lahat.

Nilabas ko ang manipis na metal sa aking bulsa.

Ang puso ko.

Ang kwintas na binigay ko sa kanya.

Sabi ko sa kanya dati, Binigay ko ito para hindi regaluhan sya. Binigay ko ito kasi sya na ang magma-may ari ng puso ko.

Na kung wala sya. Mawawala na din ako.

Tumingin ako sa kulay kahel na langit sa harapan ko. Nilibot ko din ang tingin ko sa buong lugar.

Dito sa lugar na ito ko sya kinantahan dati. Dito sa may cliff. Dito kami nag road trip.

Kung kaya ko lang ibalik ang oras, Hindi ko na sya susungitan at iis-nobin ng matagal. Sana nung una palang ipinakita ko na sa kanya kung gaano ako kaswerte na ako ang napili nyang ligawan... at mahalin.

Unti-unti akong lumapit sa cliff. Ramdam ang malamig na simoy ng hangin na dumadaplis sa aking mukha.

Konti na lang mahal ko. Alam kong matagal kang nag antay, Matagal kang nag isa. Pero this time ako naman ang gagawa ng paraan para magkasama na tayo.

Malungkot akong ngumiti bago pumikit. Malungkot maging mag isa, Nakakalungkot maiwanan ng taong mahal mo.

I'll be there soon. Wait for me kai.

Itinulak ko ang sarili ko sa bangin. mabilis. Napakabilis ng pagkahulog ko. Ang malamig na simoy ng hangin ay ramdam na ramdam ko ang bawat pagtama nito sa katawan ko.

Anytime soon makakasama ko na sya.

Buong puso kong tinanggap ang hangin na patuloy na dumadampi sakin. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang unti-unting pamamahid ng katawan ko kasabay ng malapot na likido na sumasakop sa buong katawan ko. I know In a few second now lalamunin na din ako ng kadiliman.









" WAAAAAHHHH! UMIIYAK KA NANAMAN! WAKE UP! WAKE UP! "

Dahan dahan kong iminulat ang mga ko at ang naluluha nyang mata ang sumalubong sakin.

Inangat ko ang kamay ko para punasan ang luhang nakita ko sa mga mata nya.

" Mahal kita. " I said

" KYAAAAAAHHH! " At hinampas nya ako ng unan na syang nakapagpatayo sakin mula sa pagkakahiga ko sa kama.

" Aero ko naman eh, Wag ka naman ganyan! Kenekeleg eke eh! "

Napangiti ako ng makita kong namumula ang buong mukha nya.

Ang laki na nang pinagbago nya.

" Ano bang napanaginipan mo at umiiyak ka nanaman? Nakakatakot ba? "

Same old kai. Madaldal pa din. Ngumiti ako.

Ikiniwento ko sa kanya ang lahat ng panaginip ko. Ewan ko ba, parang naging exaggeration ang utak ko. Pero kung totoong ngang mangyayari yun, ganon pa din ang gagawin ko. Susundan ko sya katulad nang sa panaginip ko.

" Nakakainis naman pala yang panaginip mo aero ko. Sabi ko sayong wag kang mag iisip bago matulog para hindi ka nananaginip ng masama. O siguro gusto mo talaga akong mamatay no? Umamin ka! " May banta sa boses nya kaya natawa ako ng bahagya. My kai.

Naniniwala ako sa kasabihang Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo pero naniniwala din ako sa salitang Miracles Happens.

At ang taong mahal ko ang nagpapatunay non. 5 years ago halos mamatay ako ng marinig ko ang nakakabinging tunog ng makina sa tabi nya. Umiiyak ako habang kinakausap ko sya.

Natauhan lang ako ng konti nang hawakan ako ng doctor at inilayo sa kanya. Ni-revived sya ng paulit-ulit.

iyak ng iyak ang mommy nya sa bisig ng daddy nya ganon din ang kapatid nya.

Wala akong magawa feeling ko pati mundo ko nasira na. Nag shift ako ng course para sa kanya kasi gusto ko syang iligtas. Gusto kong ako ang gagamot sa kanya pero hindi na nya ako hinintay.

Natigil ako sa pag iyak ng marinig ko ang sinabi ng doctor.

" Pulse rate 40 ... 70, Nurse ayusin nyo ang oxygen! Ikabit nyo ng maayos sa pasyente. "

Lalong lumakas ang iyak ng mama nya pero this time para na kaming nabunutan ng tinik.

" Thanks god! " bulalas ng ginang.

Isang himala daw ang nangyari kay kai kaya laking tuwa din ng doctor nya at naka survive sya. Sa isang daang tao may sakit na leukemia, isa o dalawa lang daw ang maaring mabuhay kaya naman halos tumalon na sa tuwa ang mama ni kai dahil sa milagrong nangyari sa kanya.

Napangiti ako sa alaalang limang taon na ang nakalipas.

" Aero ko wag kang ngumiti mag isa dyan! Kumilos ka na at malilate ka na sa trabaho mo. " Sabi nya at hinatak ako patayo.

Niyakap ko sya ng mahigpit ng makatayo ako. Hinaplos ko ang mahaba nyang buhok na ngayon hanggang bewang na. Dati wala na syang buhok, dati sobrang payat na nya pero tignan mo nga naman at napakabuti ng panginoon at hindi nya samin kinuha si kai.

" I love you kai. "

" Yiie! Ikaw talaga aero ko! Hala sige pasok sa banyo at maligo ka na! "

Tatlong salita na hindi ko masabi sa kanya dati ngayon halos maya't maya binabanggit ko na.

" Hintayin kita sa bahay ah? Sabay tayo pumasok. " aniya

Doctor na ako at sya ay bumalik sa pag aaral. Makatapos lang sya sa pag aaral yayayain ko na syang magpakasal.

Tumango ako at ngumiti pero bago ako tumalikod ginawaran nya ako ng matamis at mainit na halik.

" Mahal din kita aero ko. "



Fin ***

DATE STARTED: SEPTEMBER 21, 2014

DATE ENDED: AUGUST 10, 2016

" Courting Mr. Poker Signing off "

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon