Chapter 36 : Sick

4.4K 124 1
                                    

" Anong balak mo bakla ? " - idunno kung sino ang nagsalita between bianx and gray.

Tsaka ano bang pinagsasabi nilang balak-balak na yan.

Andito kame ngayon sa cafeteria, As usual nakain nanaman sila- Oo sila lang, Kanina pa kasi masama ang pakiramdam ko at wala akong ganag kumain.

Hinahanap nyo ba kung nasaan si aero ko? MIA muna sya ngayon. Haha djk. Nasa library sya binisita ang mga pinakamamahal nyang libro.

Minsan talaga nakakaselos na yang mga libro na yan eh, Mas binibigyan pa sila ng importansya ni aero ko kesa saken.

Natural, Ano ka ba nya ? wala namang kayo eh. Aist! Bwiset na konsensya 'to. Masama na bang mag assume. Hmmp!

" Earth itey kaimer lexie kung saan-saan nanaman napapadpad yang birdy brain mo. " - si bakla na pumalakpak sa harapan ko

" Ang harsh mo bakla, birdy brain pinagsasabi mo. Halikan kita dyan eh ! " - sabay tayo ko at lapit sa kanya.

" Eww You don't make lapit-lapit to me or else i will sapak you sa nguso. " - sabay tulak ng mahina saken. Arte-arte ne'tong bading na'to.

" Feelingero ka na ganon? Pasandal ako, Masakit kaya ulo ko. " - at ayun yumakap na ko sa braso nya sabay hilig ng ulo ko sa balikat nya.

Kay bianx sana ko sasandal kaso nakain pa eh kaya dito nalang ako kay bakla.

" May sakit ka ba kai ? " - bianca sabay lapat ng kamay nya sa noo ko.

" Feeling ko nga parang lalagnatin ako. "

" Wait stay here i will bili-bili the gamot. " - sabay tayo nya pero hinatak ko ulit sya paupo.

" No, wag na gray. Sa bahay na ko iinom, Kaya ko naman eh. "

" Are you sure kai ? " - si bespreng bianx with her worried face same as gray.

Ano ba naman itong mga to, Oo sakitin ako pero grabeng Oa na ito. Haha

" Yea.yea! Ano nga ulit yung tinatanong nyo kanina. " - pinilit kong pasiglahin ang boses ko para di na sila mag alala saken.

" Anek balak mo ? " - balak ko?

Hmm? " Ah-eh bukod sa balak kong kumain ng kumain ng mga fave foods ko syempre mas balak kong mapasakin ang puso ni aero ko. " - sagot ko.

" Ouch!! " - hinampas ako ni bakla sa balikat. " Bakit ba bakla..." -

" Alam mo ikaw ang jutay gutom mo din talaga e'no puro pagkain yang laman ng utak mo. Tsaka pwede bey wid mong laging sinegway yan si bryx sa usapan natin. Patay na patay teh? " - sarkastimong sabi ni bakla. Minsan alien talk itong si bakla, Buti na lang at sanay na ako sa salita nitong jejemon and gay lenggo nya.

Natural lagi kong isesegway yun, Loves ko yun eh. Hihi. Landi much.

" Ano ba kasing balak-balak na yan. " - Ka-frustrate sila ah.

Si bianx tahimik lang at nagmamasid samin. Ganyan naman yan. Ang maria clara ng grupo namin, tahimik, mahiyain, Kabaliktaran namin ni bakla.

" Gagasung lungs, Anek balak mo sa birthday churvalu mo ? " - Ah bir-- Ano daw birthday ko?

Luuh ?

kinuha ko kaagad ang phone ko at dumiretso sa calendar.

Sh-t!

Two weeks to go I'm already a fine lady. Cheret!

Benemen yen! Sarili kong birthday di ko na naalala. Masyado akong naging busy.

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Where stories live. Discover now