Chapter 39 : Atlast!

3.6K 120 1
                                    

" I have die everyday waiting for you ~~~~ "

" Ano ba xiexie! Pwede bang tigilan mo na yang pagkanta mo.. para kang sirang plaka eh... Ulit-ulit! " - inis kong tinignan si kuya na nainom ng kape nya.

" Tse! " - Masama bang ma-LSS ako dun sa kanta eh lagi ko namang ginagawa iyon...

" Darlin don't be afraid i have love you ~~~ " - nakita kong napailing-iling si kuya habang nakatingin saken. Wag syang ano ah ... feel na feel ko nga ang pagkanta eh...

May narinig akong humintong sasakyan sa tapat namin kaya nagpaalam na ako sa kanila.

" Byee ma! Byee Dad una na po ako ~~ babayuuu kuya ~~~ muahhh " - nag flying kiss na lang ako sa kanila.

Paglabas ko nakita ko kaagad ang poker face nyang mukha. Haha Sa araw-araw na kasama ko sya at lagi nakikita nasasanay na ko na ganyan talaga ang mukha nya. Jackpot na lang minsan pag nakita mong ngumiti sya.

" Good Morning aero ko ~~~ " - pankanta kong bati sa kanya sabay bukas nya ng pinto sa passenger seat.

Oh diba! Kahit ganyan gentleman pa din sya.

One week had passed since that day we were dancing at the front of our house under the moon and millions stars. Sila ang saksi na masaya talaga ako that time because of the man beside me now.

On the way na kami sa school pero tinatamad akong pumasok. Gusto ko sana yayain si aero ko na mag cutting kaso baka masira ang image ko sa kanya, baka isipin nya b.i ako.

" Hmmp! Aero ko nung birthday ko saan ka ba nagpunta nun ? " - Curious ako kaya ako nagtanong, Pero parang mali pa ata ako ng tinanong, nakita ko kasing napahigpit yung hawak nya sa manibela. Kaya bago pa man sya magalit binawi ko na agad yung tinanong ko. " He-he Wag muna pala sagutin aero ko " - ayokong magalit sya sakin. Minsan talaga hindi ko na din nagugustuhan yung pagiging palatanong ko e!. Nagmumuka akong pakialamera.

Nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga.

" Do you really want to go there .... Kung saan ako nagpunta? " - Hindi na ako nagsalita, Nakita ko nalang na ibang way na yung tinatahak namin.

Hindi ko alam parang kinabahan ako. May matutuklasan na ba ako sa buhay nya.

***

Rest In Peace

Aira Condez

Jan. 08 **** - Sept. 18 ****

Yan ang nabasa ko dito sa puntod na kinatatayuan namin ni aero ko.

Sept.18 ? Kaya pala wala sya.

Nakakalungkot naman kahit hindi nya sabihin alam kong mama nya ang nakalagay dyan sa puntod na yan. Nakakalungkot lang isipin na wala na pala syang mama.

" Hi mom! " - sabay ngiti nya ng matamis. Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng ganyan, Yung ngiting totoo. Ang sarap sa pakiramdam pag lagi mo syang nakikitang ganyan, yung hindi nya pinipilit yung ngiti nya, yung kusa nyang binibigay , yung hindi muna kaylangan magpatawa para lang mapangiti sya.

Umupo ako sa tabi ng puntod ng mama nya nakita kong sumunod din sya saken.

" Hello po mommy! Ako po yung future girlfriend ng anak nyo, kung su-swertehin baka future wife na din. Hihi " - nakita kong tumingin sakin si aero ko pero hindi sya galit. Pagtataka nga ang nababasa ko sa mata nya eh. " Diba aero ko future mo ko? " - sabay kapit ko sa braso nya at hinilig ko yung ulo ko sa balikat nya. " Wag kang magsinungaling nasa harap ka ng mommy mo " - Dagdag ko

Napaiwas sya ng tingin pero napansin kong namumula sya  " Yes mom she's my future wife ..... But for now she'll becoming my first girlfriend ... "

Yieeee. Kinilig ako! mabuti na lang nakasandal ako kay aero ko at hindi nya nakikita ang mukha ko na paniguradong sa oras na ito eh kasing pula na ng kamatis.

Nak ng! Kahit talaga simpleng salita nya lang napapakilig na ako. Ganon ba talaga pag inlove?

Pero anong sabi nya first girlfriend daw?

" Ano yun aero ko? Di ko masyadong gets eh? " - nagtatakang tanong ko kaya humarap ako sa kanya. Binalingan nya naman ako kya magkaharap kami ngayon.

" Yes kaimer I'll be your boyfriend from now on. Sinasagot na kita "

Loading

Loading

Loading

Loading

Loading

" KYAAAAAAAAAAA! NARINIG NYO PO YON MOMMY SINASAGOT NA PO AKO NG ANAK NYO .... KYAAAAAAAA! HINDI NA PO AKO FUTURE GIRLFRIEND KUNDI OFFICIALLY GIRLFRIEND NA TALAGAAAAA! "

" Stop it kai! Mabibingi si mom kakasigaw mo "

Nagpout ako. " Happy lang ako aero ko. Totoo ba yun? Wala ng bawian ah... Narealize mo ba na mahal mo din ako? " - pakapalang tanong ko.

" I d-dont know kai " - nakayukong sabi nya

Inakbayan ko sya kahit hirap na hirap ako kasi nakaupo pa din kami.

" Ayos lang yan aero ko in time masasabi mo ding mahal mo ko, Hindi naman kita minamadali hihintayin kita hanggang sa ikaw na mismo ang magbigkas ng three words eight letters saken. Basta ang sakin lang ngayon masaya ako kasi atlast sinagot muna ako, Pramis aero ko sa harap ng mommy mo ngayon, nangangako ako na magiging mabait at mapag-pasensyang girlfriend kasi masyado kang moody. Aryt! Kaya chill ka lang... "

Hindi ko alam kung tama ba yung mga sinabi ko pero ayun yung lumabas sa bibig ko. Nakita ko syang titig na titig saken pero nginitian ko lang sya.

" Thanks kai "

" Always Welcome aero ko ~~~ Sana wag muna akong sungitan ah aero ko kasi girlfriend muna ko ngayon. "

" I'll try "

" Anong i'll try ka dyan, gawin mo! "

At ayun tumawa na sya. Ang sarap pakinggan ng tawa nya. Sana lagi na lang syang ganyan... Well masaya ako na sinagot na nya ako at syempre mas masaya ako kasi wagas pa sa misyon ko yung nagawa ko.... Kung dati mapangiti ko lang sya masaya na ako pero tignan mo naman ngayon napapatawa ko na sya.

Tumingin ako sa puntod ng mama nya. At kinausap ko ito sa isip. Hi mommy! Sorry po at feeling close ako at wagas maka mommy sa inyo. Hihi Masaya po ako para sa anak nyo, sobra! Hindi ko alam kung ano dati si aero ko pero sinisigurado ko po sa inyo na pababalikin ko yung matatamis na ngiti ni aero ko na minsan ko lang makita. Sana po gabayan nyo po ang relasyon namin, Baduy man pakinggan at gasgas na sa pandinig ng lahat pero po mahal na mahal ko na po talaga ang anak nyo. Pasensya na po kayo kasi nung una pinag tritripan ko lang talaga ang anak nyo. Nakaka-challenge kasi sya pero habang tumatagal ayun at ako din pala ang matatalo sa trip na ito kasi nahulog ako sa kanya. Pero happy ako kasi kami na ngayon at sinalo nya ako mula sa pagkahulog ko sa kanya. Ako na pong bahala sa anak nyo. Thank you po mommy ~~~~

" Let's go kai, kaen tayo " - inalalayan nya ko patayo. Hang sweeeettttt!

" bye mom " - paalam ni aero ko

" Byeeeee mommy ~~~~ " - paalam ko sa mama nya.

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon