Chapter 10 : Prove Me

4K 149 0
                                    

" Aero sabay tayo uwi. " - deklara ko iyon at hindi tanong at lalong hindi utos.

Oo na, ako na FC ( feeling close ) Kinapalan ko na talaga ang mukha ko para naman may mapala ako sa panliligaw kuno ko.

Inis naman kasi eh! Hanggang ngayon wala pa din kaming improvement. Hanggang usap at sabay lang ako gaya ne'to. Minsan kasi kahit salita ako ng salita hindi naman sya nagreresponse.

Katulad na lang ne'to niyaya ko syang umuwi pero tinignan nya lang ako ng blangko.

Hay! buhay. Nagsimula na syang maglakad kaya sumabay na ko sa kanya. Ang hirap nyang amuhin. Pramiz!

Mabagal syang maglakad kaya binagalan ko lang din ang lakad ko. Mas gusto ko to para makapag-sight seeing ako. Natutuyuan na nga ko ng laway eh. Wala kasi akong madaldal sa kanya ngayon.

" Bakit ako ? "- Huh ? pinagsasabi ne'to ?

Hindi sya nakatingin sakin nung sinabi nya yan. Ahh! Napatango na lang ako baka nagmememorize yan kay nagsasalita mag-isa. Yaan na nga ayoko syang istorbohin sa pagmememorize nya.

Kaya tinuloy ko nalang ulit ang pag tingin ko sa paligid.

" kaimer Lexie bakit ako ? "- Ngayon napatingin nako sa kanya dahil sa pagtawag nya ng buong pangalan ko at ganun din sya saken pero nanatiling walang ekspresyon ang mukha nya.

" Ano ? " - tanong ko. Yung totoo kasi wala kong naintindihan sa pinagsasabi nya. Anong bakit sya?

" Bakit ako ang napagtripan mong ligawan? " - Seryosong tanong nya pero nanatili sya sa blangkong ekspresyon nya.

Hindi ko alam pero nag-init ang ulo ko sa word na 'trip'.

Anong akala nya pinagtritripan ko lang sya kaya ko ito ginagawa.?

" Hindi kita pinag-tritripan aero." - matigas kong sabi sa kanya. Sabay tingin sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

" Hindi? Anong tawag sa ginagawa mo ngayon? " - Ganon pa din sya nanatiling walang reaksyon ang mga mata pero may diin na ang bawat pagsasalita nya.

Ano ba kasing problema nya. Pumayag naman sya dito ah.

" Ano bang masama? Pumayag kana naman diba? Bakit ngayon nagkakaganyan ka? ^ - hindi ko na napigilang magtanong. At base sa tono ng pananalita ko naiinis na ako.

" Oo pumayag ako para tigilan mo na ko ng araw na yon. " - My Goodness!? Bakit ba nauwi sa ganito ang conversation namin. Sana pala hindi na lang sya nag start ng topic.

Nakaka-frustrate. Myghad!

" Seryoso ko aero. Hindi ako nangtri-trip lang. I Like you. That's why. " - seryoso kong sabi sa kanya. Nakita ko syang umiwas ng tingin saakin at bahagyang tumingin sa harapan.

" Stop this non-sense conversation and stop courting me kai. " - ouch! bakit? May nagawa ba ko? bakit nung sinabi nyang itigil ko na yung panliligaw ko sa kanya bakit parang may kumirot sa dibdib ko.

" Bakit aero? "- Ayun na lana ang nasabi ko. Sh*t! Bakit parang gusto kong umiyak.

" Cause I Don't like you. " - ewan ko pero kusa na lang tumulo ang luha ko nung narinig ko yun mula sa kanya. Pinunasan ko ng mabilis ko yun para di nya makita.

Inaamin ko nasaktan ako sa sinabi nya. Ano bang mali saakin at hindi nya ko magustuhan.? Mabait naman ako, Maganda, Madaming ngang gustong manligaw sakin kaso bantay ako ni kuya kaya ayun Talo! . kaya hindi ko talaga sya mahanapan ng dahilan kung bakit ayaw nya saakin kasi karamihan sa school namin may gusto saakin. Hindi sa pag mamayabang pero totoo po yun. Kaso lang wala kong interes sa kanila kaya di ko sila pinag papapansin. 

Pinilit kong ngumiti sa harapan nya Kahit alam kong hindi ko magagawa ng tama iyon.

" Liligawan pa din kita sa ayaw at sa gusto mo. Try me aero. Just try me. Di ako susuko." - Sabay takbo ko sa gate namin. Pero bago pa ko makapasok ng tuluyan narinig ko syang bumulong.

" Prove me then. "

Pumasok ako ng nakangiti sa bahay. Parang shunga no? iiyak ako tapos biglang ngingiti. Crazy love tawag dito?

Kahit hindi nya sabihin ang salitang yun. Papatunayan ko pa din sa kanya na gusto ko sya at hindi lang trip trip ang lahat lalo na ang pagkagusto ko sa kanya.

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon