Chapter 11 : tips sa panliligaw

4.2K 133 4
                                    

Weekends ngayon pero mas pinili kong maagang magising.

kukulitin ko si kuya para magpaturo ng tamang panliligaw. Pero later na lang.

I'm doing my morning rituals and eat my breakfast. Wala na sila mama siguro pumasok na.

Mamaya na ko mang-gugulo kay kuya kasi Im'ma sure nakanganga pa yun sa kwarto nya.

Lumabas muna ko. Magpapainit muna. Hindi pa naman mataas ang araw kaya hindi pa masakit sa balat ang init nito.

Nakabalik na ko galing sa pag iikot ko dito sa loob ng subd.

Papasok na ako ng gate namin ng may mapansin akong lumabas mula sa bahay nila aero. Kaya nilingon ko ito.

I think nasa mid's 40 ito parang si dad. Base sa itsura ng mukha nya mukang alam ko na kung sino sya. Dad siguro ni aero ito. Pokerface din kasi eh. Pero hindi magkakailang sa edad nito E halatang alaga ito sa katawan. Ang ganda kasi ng pangangatawan nya. Lalaking lalaki.

Si aero kaya ganyan din ang katawan. Aish! fugde! ano ba itong pinag-iisip ko.

Bumalik ako sa ulirat ng makita ko syang titig na titig saakin. Ghad! Napansin nya siguro na kanina pa ako nakatitig sa kanya.

Yumuko na lang ako sa kanya. Pang sa korean at japan lang. Diba ganon ang ginagawa sa kanila bilang pag galang sa kapwa nila. Ghad! nakakahiya.

Pumasok na ko sa loob. Hindi ko na din nilingon yung dad ni aero kung dad nya nga talaga yun.

Kinabahan ako dun ah. Wagas makatitig eh. Sana si aero ganun din tumitig saakin. hehe ' Teka ano ba itong pinag-iisip ko. Nababaliw na talaga ko. tsk

" Anyaree sayo xie? Para kang nakakita ng multo." - tanong ni kuya. Sa tingin ko galing itong kusina kasi may hawak pa syang bowl ng ships tapos umupo sa sofa para manuod ng fineas and ferb.

" Wala " - tapos kuha ng chips at umupo sa tabi nya. Favorite ko din kasi itong cartoons na 'to.

Isa ito sa libangan namin ni kuya lalo na pag ganitong weekends.

Naalala ko may itatanong nga pala ko sa kanya. Pero mamaya na lang siguro pag tapos nitong pinapanuod namin.

Nandito kami sa kwarto ni kuya. Dito ako matutulog ngayon. Nagulat pa nga sya nung sinabi kong tabi kami matulog. Matagal na kasi nung huling nagtabi kami sa pag tulog eh. Wala namang malisya kasi magkapatid naman kami. Di kami incest noh! eww lang.

Nakahiga kami pareho ng magtanong ako.

" Kuya may girlfriend ka na ba ? " - tanong ko sa kanya na naging dahilan ng pag ubo nya. Siguro kung kumakain ito nabulunan na ito.

Haha. Ang epic lang ng mukha nya. Gusto kong tumawa kaso baka masira ang serious ambiance namin.

" Bakit mo natanong lexie? " - haha seryoso na yan. Tinawag na ko sa second name ko eh.

" Sagutin mo na lang kasi kuya? - dami pang tanong eh. Ayaw na lang sagutin. Hihingi lang naman ako ng konting tips eh.

Pero syempre hindi ko sinabing may liligawan ako at gagamitin ko yung mga sinasabi nya.

Baka mamaya bigla itong mag transfer ng school edi yari na, Mababakuran nanaman ako ng wala sa oras.

" Wala " - seryoso nyang sabi habang nakatingin sa kisame. Ang sarap sabihing ' weh hindi nga ' kaso wag na lang  baka mabatukan pa ko nito ng wala sa oras.

Paano ba naman kasi yung pag sabi nyang ' wala ' parang may pinaghuhugutan. Ang seryoso masyado eh.

Siguro luma-lovelife na ito. Nagsisikreto lang. hmmp!

Kaso kung wala syang girlfriend ibig sabihin hindi pa din sya nakakapang ligaw. My Goodness! Paano na itech! Wala pa ata akong mapapala pero susubukan ko pa din tanungin sya.

" Pero kuya may alam ka sa panliligaw? " - tanong ko sabay tagilid paharap sa kanya.

Nakita ko syang kunot ang noo at humarap din saakin. Bali nakatagilid kami pareho pero magkaharap. Gets nyo?

" Bakit ganyan ang mga tanong mo? "- Patay! baka magalit ito pag nalaman nyang ako ang nanliligaw.

" Wala kuya for essay lang na gagawin namin sa monday. Wala kasi akong alam about dun kaya nagtatanong ako. Lamuna!" - Cross finger. Huhu Sana kumagat. Ang lame naman ata ng excuse ko.

" Ahh! " - tumango tango pa sya. Hindi na ko nagsalita kaya tinuloy nya na lang ang sasabihin nya. " Dapat ipakita mong seryoso ka. Effort kung effort para maim-press mo yung taong liligawan mo.

" Yung pag bibigay ng mga sweet stuff diba kaylangan yun kuya? " - Diba kaylangan din naman talaga yun. Pwede din Harana? Sound sweet yet so old.

" Yah! need din yun. Kaso lang too common na pag chocolates. Baka magka-diabetes pa sya kung araw araw mo sya bibigyan nun." - tango lang ako ng tango sa kanya.

" Kung roses naman? mag-aaksaya lang ako ng pera pag hinayaan lang nyang malanta. " - Infairness kay kapatid ang dami nyang alam ah.

Hay. Ano ba kasi ang magandang panimula sa panliligaw? Hindi talaga ako masyadong maalam kasi no one has ever courted me. Oo madaming gustong sumubok kaso andyan ang kuya ko kaya nag aatrasan sila lahat.

Swerte nga ni aero eh, Naunahan pa nya ko sa pagkakaroon ng manliligaw.

After ng pag-uusap namin ni kuya natulog na kami. Sabi ni aero prove me daw eh paano ko naman kaya gagawin yun?

Ang susundin ko lang sa payo ni kuya ay yung ipakitang seryoso ka. Hindi ako magbibigay ng sweet stuff kung di naman kaylangan.

-----

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang