Chapter 49 : Necklace/ Kiss

4.1K 130 8
                                    

" HAHAHAHAHA! OH MY GOD! I CAN'T BREATH! " - Tawa ng tawa si gray. Sila bianx at brandon ay pangiti-ngiti lang.

" SAKALIN KAYA KITA PARA DI KA NA TALAGA MAKAHINGA TAMO! " Naiinis na turan ko kay bakla. Break time kaya magkakasama kami ngayon.

Nilingon ko si aero ko sa tabi ko at pulang-pula na sya ngayon. Siraulo talaga ang tuktok nitong gray na 'to eh.

Sinundan pala nila kami kahapon kaya ayan nasaksihan nila ang scene namin ni aero ko. Pano ba naman kasi ginagaya lahat ni bakla yung mga arte ko kahapon kaya inis na inis ako. Namumula naman si aero ko kasi ginaya din sya ni bakla dun sa pagsabi nya sakin ng iloveyou. Yiiee ~~

" Wag mo na syang pansinin wim ko. Kumain na lang tayo. " - yaya ko sa kanya sabay labas ng 2 lunchbox. Tig isa kami.

" ALAM KO YAN! ALAM KO YAN! " - grabeng bunganga ni gray.

" Wag kang sumigaw! Di kami binge! " - Inis na sabi ko. Sabay ngisi.

" Ano pustahan pa tayo? " - lumingon sya kala bianx at brandon na katabi nya. Magkatapat lang kasi yung upuan namin. Katabi ko si aero ko tapos tabi-tabi silang tatlo. Hindi ko muna binuksan yung luto ko kasi nakikinig muna ako sa pustahan nila.

" Sige. " - sang ayon ni bianca at nakita ko namang tumango si brandon ibig sabihin game din sya sa kalokohan ni bakla.

" Sige. Taas ang kamay ng curry! Haha Curry lang naman ang alam na lutuin ni kai eh. " - bigwasan ko na kaya 'tong baklang to. Kala mo wala ako sa harapan nila at nagawa pang pagpustahan ang niluto ko. Whatta prend!

" Ang galing! Talagang pinag pustahan nyo pa kung anong niluto ko para sa mahal ko. " - sarkastikong sabi ko sa kanila samantalang si aero ko namula nanaman ang tenga. kyut!

" Game na! Taas ng kamay ng nagsasabing curry ang niluto ni kai para kay bryx? " - nagtaas naman ng kamay yung dalawa. -_-" Grabe!

" Hoy! Kayong tatlo. Dapat may mapapala ako dito, Hindi yung kayo lang ang masaya. Pag nanalo kayo magpapa-alipin kami ni aero ko sa inyo ng 1week pero pag natalo kayo magdo-doble date tayong lahat with partners at ako ang pipili ng kapareha nyo. Yieee~~ " - Haha Mautak yata 'to. Papayag ba naman akong magpaalipin kami. Hell no!

" Deal " - sabi ni brandon. Haha! Nagtinginan muna yung dalawa at mukhang nagdadalawang isip pa. Nginitian ko lang sila.

" Ambagal ah! " - sulsol ko. Kayo na nga tinutulungan eh.

" deal " - koro nung dalawa (bianx,gray)

Humarap ako kay aero ko na mukang nakikinig lang. Buti talaga hindi napapanis laway nito. Ayaw magsalita eh.

" Kain kana wim ko " Paglalambing ko sa kanya. Alam kong nakatingin yung tatlo at pati si aero ko inaabangan din yung pag bukas ko ng lunch box.

" TSEEEERANNNN!!!! HAHAHAHAHA !!!! " - nakita kong ngumiti si aero ko bago kinuhan yung lunch box nya at sinimulan kainin ito. Kinuha nya yung lunch box ko at nilagay sa gitna.

" Teka akin yun aero ko " - nagtatakang kong tanong.

" Susubuan na lang kita. Para naman matikman nila yung luto mo. " - wow! Proud boyfriend ba itey!

" ANG DAAYAAAAAA!!! " - Ngawa ni bakla pero hinayaan ko na sya. Moment namin ni aero 'to kaya bahala sya dyan. Sya naman ang pasimuno ng pustahan na yan eh. Hahaha. Talo tuloy.

Favorite ni boyfie ang niluto ko. Hulaan nyo.

Nag thumps-up si bianx at ngumiti naman si brandon ng tikman nila ang luto ko. Ibig sabihin hindi masama ang lasa kaya pasado sa kanila.

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Kde žijí příběhy. Začni objevovat