Chapter 13 : Someday

3.9K 177 8
                                    

Ang bilis lumipas ng panahon enrollan na namin ngayon ng 2nd yr. Ang saya lang diba?!

Apat na din kami sa group of friends namin. Madalas na kasi namin kasama si brandon. Natuwa kasi ako sa kanya nung huling magkausap kami. Hindi naman ganoon katakot ang pagkatao nya. Hindi na nya kailangan magpaliwanag sa ibang tao kung ano talaga sya, Kasi para saakin o saamin E tanggap namin sya.

Nung una marami ang nagulat kasi lagi nga naming kasakasama itong si brandon. Pero kalaunan ay ipinag- walang bahala nila iyon.

Itatanong nyo kung nasaan si Aero. Well ganon pa din sya. Poker face pa din.

Hindi ako masyadong nakakaporma sa kanya kasi naging busy din ako.

Pero may time na sabay kaming umuwi. Kaso nga lang pagkarating ko ng bahay for sure panis ang laway ko.

Pero ngayon mag-uumpisa na ulit akong mangulit sa kanya.

Eto nga at pauwi na ako kaso kung sinuswerte ka nga naman nakikita ko si aero di kaluan sakin.

" Hi aero ! "- Bati ko nung makalapit ako sa kanya.

Snob talaga 'to. Tinignan lang ako tapos dumiretso na ulit maglakad.

Tsk tsk! Walang pinagbago.

"Aero may tanong ako sayo ? "- nakangiti kong tanong sa kanya.

Sya naman tumaas lang ang isang kilay na parang sinasabi ' What's your question ' look ?

Ngumiti na naman ako ulit. Pansin nyo. Ang hilig kong ngumiti. Yan kasi ang instant pampaganda ng mood.

Hehe. Ewan ko kung san ko nakuha yun.

" Kilala mo ba ako ? " - Tanong ko with matching puppy eyes pa.

This time kumunot na ang noo nya with matching irap at taas ng kilay pa.

Bading lang. Yung totoo. Ang galing nya magpataas ng kilay ah.

" Your questions is nonsense. " -baliwala nyang sagot sabay binilisan ang lakad.

Aba't Nonsense daw?

" Hoy Aero! Anong nonsense dun? " - sunod ko sa kanya sabay hawak sa braso nya.

mehehe. Chansing lang.

Sunod pa din ako ng sunod sa kanya. Sumabit na nga ako sa braso nya eh. Yan tuloy iritang-irita sya. Pilit nya inaalis yung braso kong nakasabit sa braso nya pero di ko tinatanggal. Infairness may muscle pala sya. Kala ko wala e. Ampayat nya kasi tignan. Haha

Ang sarap nya lang asarin.

" Tss! Ano ba kasi yang tanong mo? " - finally huminto na sya ng lakad.

Humarap ito saakin pero wala pa din expresyon ang mukha.

Ano nga bang bago.?!

" Sinabi ko na nga kanina ah. Kilala mo ba ako? " - tanong ko ulit.

" Of course. You're Kai right? " - Sagot nya naman ng walang pag-aalinlangan. Sabay irap. Anla!!

Umiling ako at saka iniabot ang kamay ko sa kanya. Tinignan nya lang ito ng nakakunot ang noo.

" Ako nga pala si Shana."

" Shana ? " - Gusot na gusot iyong noo nya sa sobrang pagtataka.

" Yup. Ako si Shana . . .

.

.

.

.

.

SHANA mahalin mo balang araw. "

Hindi ko alam kung na-gets nya agad 'yong sinabi ko kaso kalauna'y nakita ko na syang lumakad ng mabilis pero bago pa sya makatalikod saakin. Nakita ko syang napangiti ng konti 'don.

Shemay to the highest level. Mas lalo syang gumwapo. hihihi ~~

Hinabol ko nanaman sya para makasabay ako sa kanya.

Ang bilis naglakad ah.

" Yiiieeeeehhhh kinikilig sya ~~~ " -Di ko na napilang mang asar lalo na nung nakita ko yung expresyon nya kanina. At sabayan pa ng namumula nyang tenga ngayon.

Haha. Ayos! for the second time. Nakita ko nanaman syang nag smile.

" Im not " - Aysows. Denial pa si koya.

Ano tingin nya saakin bulag? tsk tsk. Kitang kita ko nga yung ngiti nya kanina eh.

Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa mga bahay namin.

" Babye na Aero ko. See you again and again and again. haha ~~~ " - Patakbo na sana ko sa gate namin ng magsalita sya kaya napahinto ako.

" Tss. Unang una, Im not YOURS. Kaya wag mo kong matawag-tawag na 'Aero ko'." -Paglilinaw nya. Gusto ko sanang matawa kasi ang sungit nanaman nya.

Well. Walang namang bago 'don. Aero is Aero. Period.

Humarap ako sa kanya saba'y sabing " Oo hindi pa nga siguro ngayon. Pero SOMEDAY magiging AKIN ka na din. Right Aero ko ?" -I smiled at him tapos dumiretso na ko papasok ng bahay.

Nakita ko pa syang umiling-iling saakin. Haha. Matutupad din yun someday magiging sa akin ka din.

****************

Comment&Vote po. plss.

Thank you.

Nanonood ako ngayon ng 'SHAKUGAN NO SHANA' kaya nasabit dyan ang pangalan ni shana. haha Adik lang. Maganda po yang anime na yan. Panuorin nyo din. :)

- Enjoy reading :)

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Where stories live. Discover now