Chapter 3: Pansinin mo naman ako!

6.4K 165 7
                                    

Minsan wala talaga akong pakialam sa mga nasa paligid ko. Yes friendly akong tao pero may time din na gusto ko yung pinagkakatiwalaan ko lang yung madalas nasa paligid ko. Pero ngayon naiinis ako kasi hindi ako naging aware sa kanila.

Mantakin mong ilang buwan ko na palang block mate 'tong si Aero pero ngayon ko lang nalaman. Sabagay tuwing nasa labas lang naman ako nang room ko sya nasusulyapan kaya malay ko bang classmate ko sya. Hindi naman ako stalker na kahit saan magpunta at lahat ng impormasyon ng tao ay alam. At kahit sila bianx at gray ay nagulat din kasi nasa iisang klase lang pala kami.

And yes! I know him na for real. He's name is Aero Bryx Condez. Tinanong ko pa nang palihim sa isang prof namin kung ano full name nya kasi nahihiya akong tanungin sya. Parang anytime kasi maghahamon sya ng suntukan. Haha

And for the other side gusto kong mag thank you sa prof namin na badtrip kahapon. Kundi dahil sa kanya hindi ko malalaman na classmate kami ni aero at hindi ko sya makakatabi ngayon. Ang saya lang kasi halos lahat ng prof na pumapasok samin ay saang ayon na sa seating arrangement namin kaya ang ibig sabihin lang noon ay buong school year ko makakatabi si aero. Bwahaha!

Napapalakpak ako ng wala sa oras bago bumaling sa katabi ko na busy sa pagbabasa.

"Hi!" Sabi ko.

Naalala ko ko tuloy nung weekend. Sya ba talaga yung nakita ko o imagination ko lang? Saglit na scenario lang kasi yun tapos tumalikod na sya kaya not sure kung sya ba. Gusto ko sya I approach ng maayos nang matanong ko sya kaso snober si kuya mo aero!

Sinulyapan nya lang ako saglit sabay balik ulit dun sa binabasa nya. So ganon na yon? Wala manlang response?

"Wala manlang hello too?" Sinamantala ko ang pangungulit habang wala pa yung prof namin.

And for the record, hindi nya pa din ako pinansin.

Ang suplado naman pala talaga ng taong 'to! Hindi manlang marunong ngumiti. Wala siguro silang GMRC na subject nung nag aaral sya ng elementary. Medyo bastos eh!

Pero yon ang gusto ko maginoo pero medyo bastos! Lol! Hahaha

Pero infairness sa kanya bakit kaya sya ganyan? Yung walang emosyon tapos suplado? Siguro may pinagdadaanan kaya ganyan ugali nya.

"Can you be my friend?" I asked him again.

"I don't need a friend" masungit nyang sabi habang nakakatutok pa din sa libro nya.

Napangisi at Napapalakpak ako ng malaki nang sa wakas ay tumugon din sya sa tanong ko. Napasulyap sya sakin saglit, nagtaka siguro sa reaksyon ko bago nya ulit ibinalik ang tugon nya sa libro. Ang swerte ng libro a'no?

"Okay. But can you be my boyfriend?" Ayon nasamid sya kahit walang tubig na iniinom. Ibinaba nya din sa mesa ang librong hawak. Napansin ko din ang bahagyang pagpula ng tenga nya.

"You're crazy" aniya ng makarecover na sya sa pagkasamid.

"Yup... Crazy for you!" Pucha! Baduy non men! Pero panindigan, nasabi ko na eh.

Iiling-iling sabay usod ng kaonti ng upuan nya. Parang ipinaramdam nya sakin na baliw talaga ako kasi dumistansya sya! Haha

I like him na.

"Bespreng parang napansin ko kanina na magkausap kayo ng lalaking lagi mong sinulyapan." Bianca said while eating spaghetti. Seriously spaghetti for lunch?

"He's name is Aero Bryx Condez. And yes we talk a bit." Sagot ko sabay kagat ng burger ko. Seriously burger for lunch? Haha Ngayon lang 'to wala kasi akong gana. Pero tomorrow rice na kakainin ko.

"Wow! Level up ang peg ni bakla! Dati may pag sulyap lang sa malayo at malapitan ngayon alam na ang pangalan. Baka naman nahiya kapa sana itinanong mo na din pati address ng bahay nila!" Hirit ni bakla kaya binato ko sya ng tissue.

"Ano naman pinagusapan nyo?" Bianx asked again. Kumagat ulit ako sa burger ko bago sya sagutin. At ikwento sa kanila.

Puro tawa ang nakuha ko kay baklang gray kaya puro pambabato din ng tissue ang matanggap nya sakin.

"I like him" amin ko.

Gusto kong mapalapit sa kanya. Ewan ko ba basta gusto ko sya.

"Level up na talaga! Dalaga na ang bunso namin. Sumulat sa ina'y pag nasa malayong lugar ka na ah!" Sabi gray at sinabayan ng pekeng iyak nya kaya nabato ko ulit sya ng tissue.

"This is the first time na nagkainters ka sa lalaki kai. Madalas kasi lalaki nagkakainteres sayo. I'm happy for you! Goodluck sa lovelife!" Tuwang tuwang sabi ni bianca.

"Naku! Kaimer Lexie David pag ito nakarating sa twinnie mo ako nanaman pagbabalingan ng badtrip non! Sasabihin nanaman non hindi kita binabantayan."

Tinawanan ko si bakla. "Don't worry akong bahala kay kuya!"

Sa mga oras na ito alam ko na ang gagawin ko para mapalapit ako kay aero.

Mukang magiging exciting na ang buhay estudyante ko ngayon ah. Can't wait.

-


Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon