Chapter 52 : A Night with him

4.3K 137 25
                                    

Nagising ako at puting kisame ang nakita ko. Teka! Kelan pa naging puti ang kisame ko? Itim yun ah at may glow in the dark pa na stickers.

" baby you're awake! "

Lumingon ako sa kanan ko at nakita ko si dad na nanlalaki ang mata. At ngayon ko lang din napagtanto kung nasaan ba talaga ako. Nasa hospital.

Ngumiti lang ako kay dad. Parang tuyong-tuyo yung lalamunan ko.

" What do you want baby? You need water? nagugutom ka ba? Ano? Wait! Tatawag ako ng doctor! " - gustong kong tumawa sa itsura ni dad. Ngayon ko lang kasi sya nakita na ganito kataranta kaya bago pa sya tumakbo sa labas at tumawag ng doctor eh hinawakan ko na ang kamay nya. " I'm okay dad don't worry. " - alam kong narinig nya ako kahit mahina ang boses ko kasi nakita ko na syang kumalma.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong room at dun ko lang napansin na nandito din sila mama at kuya lex. Natutulog sila sa sofa malapit sa paanan ko. Nakahiga si mom sa lap ni kuya.

Naalala ko na kung anong nangyari, nahimatay nga pala ako matapos kung bumisita kala aero at nagdugo nanaman ang ilong ko.

" Oh My God! Anak gising ka na! Lex tumawag ka ng doctor! Bilisan mo, gising na ang kapatid mo! " - Natawa na talaga ako sa kanila. Yan si mama kaya manang-mana sa kanya si kuya eh. Aburido sila masyado.

" Haha! I'm fine ma. Don't worry. " - at lumapit sya sakin para yakapin ako at umiyak. Eh?

Sabi ko nga'ng ok na ako tapos umiyak naman sya! Yung totoo?

" Why are you crying ma? " - I asked her but she did'nt answer my question, Iniling lang nya ang ulo nya habang yakap pa din ako.

O-kay! What's totally happening here?

Nilingon ko si dad at kuya lex para sana tanungin kung bakit naiyak si mom pero pareho lang silang umiwas ng tingin.

May ganap talaga dito na hindi ko alam eh.

Nilayo ko si mama sakin at tumingin ako sa kanya ng diretso. Alam kong may problema pero kailangan kong malaman yun at hindi nila pwedeng hindi sabihin. Paano masu-solusyunan yun kung ayaw naman nilang ipaalam sakin.

" Tell me the truth what's happening here? " - lalo lang umiyak si mama at tumakbo kay dad. Drama! Kung wala lang talaga akong nararamdaman na problema kanina ko pa tinawanan ang nanay ko.

" Ano? Wala bang sasagot sa inyo ah? Kuya? Dad? " - pero katulad kanina ay umiwas lang sila ng tingin. Hayy! " Sige kung ayaw nyong sabihin sa doctor ko na lang itatanong. " - akmang tatayo na ako ng kama ng magsalita si dad kaya nabitin ang pagtayo ko.

" Y-you have a leukemia b-baby. "

Ano daw? Leukemia?

Sa sobrang pagkabigla ko hindi ko na nagawang umiyak dahil sa kalagayan ko. Bumalik na lang ako sa pagkakaupo ng kama at tinignan silang lahat. They cried because of me. Ayun ang ayaw ko sa lahat. Ang umiyak sila nang dahil sakin.

" B-bakit ang anak pa natin Nanz! " - patuloy ang iyak ni mama habang nakayakap kay dad na nagpipigil lang ng luha.

Hindi ko naman namalayan na nakalapit na sakin si kuya at niyakap ako..... Then BOOM! Umiyak na din sya ng umiyak. I hug him and caressed him back. This is the second time na nakita kong umiyak si kuya. Nung una nung mga bata pa kami, Hindi sya nabilihan ni dad ng gusto nyang laruan kaya ayun iyak sya ng iyak hanggang sa bilhan sya.

" Ano ba naman kayo, Wag nga kayong umiyak! Di pa naman ako patay eh. " - At lalo silang nagsi-iyak. Nagjo-joke lang kaya ako.

After ng iyakan nila ay kwinento na sakin ni dad ang napag-usapan nila ng doctor. Nag apila pa nga sya na wala daw ganong sakit ang both side ng pamilya namin kaya bakit ako nagkaroon. Ang sagot sa kanya ng doctor ang sakit na tulad ng luekemia ay hindi inaasahang mangyayari sa isang tao. Pag ito ay dumapo sayo unti-unti ka lang kakainin ng viruses nya. Tapos ang symtoms pala nito ay pagkakaroon ng pasa at pag lumala na pagdurugo na ng ilong ang mararanasan.

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Where stories live. Discover now