Special Chapter 1

4.2K 95 35
                                    

Kaimer Lexie POV

" Bespreng are you sure with this? " Bianx asked while listening to what I say. Of course I'm sure, 100 percent pak! ganern! haha

" Pauso din ng mujer na to e'no?! " (mujer-babae) segunda ni baklang gray. Ano bang problema ng mga ito? nung tinawagan ko naman sila at sinabi kong hihingi ako ng favor, mga nagsipayag naman. Tapos nung diniscuss ko na parang mga nag bago ang isip. Hay!

" Ano ba kasing problema? pumayag naman kayo ah?! " Wag nila sabihing mag baback-out sila? Naku kakalbuhin ko talaga ang dalawang 'to.

" Parang nakakahiya kasi bes " ani bianx habang nakapalumbaba sa mesa ng coffee shop kung saan kami nagkita-kitang tatlo.

" Anong nakakahiya sa pagkanta at pagsayaw aber? " tanong ko while matching taas ng kilay.

" Ikaw ang nakakahiya bakla! Yung boses mo ang nakakahiya tsaka isama mo na din yung pareho mong kaliwang paa! Imbyerna 'to! mandadamay ka pa ng kahihiyan! " Sabay tawa ni baklang gray kaya sinabunutan ko ng maabot ko ang buhok nya.

Alam kong hindi maganda ang boses ko at malambot ang katawan pero hindi naman ako sintunado at parang tangang sumayaw noh! Itong baklang 'to sarap lang balibagin.

" Ang hard mo beh " sabi ko na ikinatawa lang ng dalawa kong bestfriend. Seriously? Tsk.

I asked them to help me out kasi gusto ko lang bwisitin si aero ko ... I mean surpresahin pala. Hehe I'ts for our 6 aniversarry, you know?!

Alam nyo naman yung lalaking poker face na yun walang sweet bones sa katawan kaya eto ako ngayon isu-surprise sya. Ewan ko ba kahit sinabi na sakin ni aero ko na tigilan ko na yung mga gantong pakulo ko, eh hindi ko pa din maiwasan. Ako yata talaga lalaki samin eh. Haha

" Kasi naman bes talagang sa seminar mo nya yan gagawin? Hindi kaya magalit sayo nyan si bryx? " Ani bianca. Oo nga noh?

" Ibebreak ko sya pag nagalit sya! " taas noo kong sagot.

" Weh? kwento mo sa kalbo! Chosera 'to! " sinamaan ko ng tingin si gray. Konti na lang magdududa na naman ako sa katauhan ng tao na 'to. Girlfriend si britney pero kung makapang-okray sakin wagas. Bakla pa din ata 'tong gray na to eh.

Hindi ko na pinansin ang dalawa sa pag chichikahan nila basta sa ayaw at sa gusto nila isasama ko sila sa gagawin ko.

Well sa friday pa naman ang anniversary namin at wednesday pa lang ngayon kaya may oras pa ako sa pagpa-praktis.

" Ano bexi? may oras ka pa para magbago pa isip mo? " singit ni bakla.

" Final na yon! At walang aatras sa inyo kasi naka-oo na kayo! Wag kayong talkshit dyan! " medyo inis na sabi ko. Itong dalawang to may balak talagang umatras.

" Nakakahiya kasi bes, ano na lang sasabihin sakin ni dhie pag nakita nya ko... " ani bianx sabay obob sa lamesa.

Tinaasan ko sya ng kilay kahit hindi nya nakikita kasi nakayuko sya.

" Wag mo syang intindihin, Ako ang intindihin mo "

" Wow teh! you na! you na talaga! Makautos 'to! " singit ni gray. Well yung 'dhie' na tinatawag ni bianx obvious naman na si brandon ano? haha

Hindi ko na sila ulit pinakinggan. Bahala sila dyan. Basta end of conversation na kami.

I glanced my phone on the table nung nag ring ito. Kinilig ako nung nakita ko ang malaking mukha ni aero ko sa caller.

" Hello " mahinhin kong sabi ng sagutin ko ang tawag.

" Hala pabebe! " Nilakihan ko ng mata si gray ng marinig ko syang bumulong pero rinig ko naman. Itong baklang to talaga! Tatawa-tawa naman si bianx habang nginangata yung cake na inorder nya.

" Mahal kumain ka na? "

Kusang nawala ang atensyon ko sa dalawa ng marinig ko ang boses nya. Bakit kaya hanggang ngayon hindi pa din ako sanay pag tinatawag nya ako sa ganyang endearment? Yiii Im so kinikilig!

" Opo aero ko kumakain na ako " pabebe ko pa ding sabi este mahinhin pala.

" Tsk! tsk! Malala na bestfriend natin bianx! Hindi naman yan nagpapabebe kanina ah! Amasonang-amasona nga nung naiinis eh. " Narinig kong sabi ni gray na ikinalakas ng tawa ni bianca kaya mas lalo ko silang sinamaan ng tingin. Mga to talaga!

" Are you with your bestfriends? " Yeah! sa lakas ng tawa ni bianca malamang sa alamang narinig yun ni aero ko.

" Oo wim ko, biglaan din pagkikita namin kaya di ko na nainform sayo. Sila kasama ko kumain. "

Bawal nyang malaman ang plano ko kaya sinabi kong biglaan lang ito at hindi planadong magkikita talaga.

" Yeah, I'ts ok. Hindi mo naman kaylangan sabihin lahat ng ginagawa mo. May tiwala ako sayo kai. "

O to the M to the G talaga!

" Yii~ Ikaw talaga! Ikaw kumain ka na ba? "

" Yeah, Kakatapos lang. I'll check on you lang kung kumain ka na din, kaya ako tumawag. "

Napangiti ako dahil dun. Mag iisang buwan na din kaming hindi nagbobonding ng matagal ni aero ko. After duty nya dumadaan sya sa bahay to say goodnight pag tapos non uuwi na din sya sa kanila para magpahinga.

Grabe ang bilis talaga ng panahon dati simpleng college student lang kami na may pangarap na maging chef ngayon tignan mo nga naman, Yung chef ng buhay ko naging doctor na din ng lahat. Hay! Alam kong trabaho nya yun kaya kailangan intindihin pero may time talaga na sobrang namimiss ko na si aero ko. Kulang nalang kasi dalhin nya yung kama nya sa office nya sa hospital para dun matulog eh.

Waaah! I miss my aero talaga!

" Sige na aero ko I'll hung up na baka busy ka na dyan. I love you! mwa! " sabi ko nang makita ko yung dalawa na nag aayos na ng mga gamit nila. Aalis na ba 'tong mga to?

" May oras pa naman ako ka--- "

" Ok lang yan! sige na ba-bye " pinutol ko na ang sasabihin nya at pinatay na ang tawag.

" Aber! Saan kayo pupunta? " tanong ko sa dalawa na akmang patalikod na sakin.

" A-ano ka ba naman kai syempre uuwi na para makapag-search ako ng kanta at video para mapanuod mo! Ikaw talaga! " Sabay pekeng tawa ni gray. Mga tatlong 'Ha-ha-ha' kaya siningkitan ko sya ng mata.

Duda talaga ako sa mga to eh!

" Bespreng talaga! Wag ka ngang ganyan tumingin! " ani ni bianx na may pilit na ngiti kaya tinaasan ko sya ng kilay.

" Walang talkshitan 'to ah! Kutos kayo, tignan nyo! "

" Namern! What friends are for diba? ha-ha-ha! " bakit parang labas sa ilong? inismidan ko lang silang dalawa.

Humalik sila sakin sa pisnge at nag fly na. Ako naman naghanda na din kasi may next class pa ako. Bakante ko lang kanina kaya nakipag chikahan ako dun sa dalawa.

Bago ako lumabas ng coffee shop tinignan ko muna ang phone ko at balak i-silent, terror kasi yung next prof ko ayaw ang naiistorbo sa klase. Ang umistorbo sa klase nya siguradong 5 flat ang makukuha sa class card.

Pero bago ko i-silent nakita ko muna ang mumunting mensahe ni aero ko.

- Bakit mo naman ako binabaan? 
>:[

May emoticon pa na nagagalit kaya natawa ako habang nalabas ng coffee shop. Hindi bagay sa kanya ang galit, mas bagay talaga ang pokerface. Haha

***

Hello! Kamusta po? Namiss ko ang KaiRo kaya nag-ud ako. Kayo ba namiss nyo? Comment ng bongga kung oo. Haha
Hope you enjoy this chapter. Thanks for reading. May continuation ito kaya dont worry, di kayo mabibitin. Give me a feedback. Ayun lang masaya nako! :)

-Jiro

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Where stories live. Discover now